✴Chapter 24✴
[Lexy's Point of View]
Dumaan muna kami ni Axcel sa bilihan ng mga prutas dahil balak naming bisitahin si Daddy sa hospital. Dahil sa patuloy na paghina ng puso ni Daddy, sa tingin ko ay matatagalan pa siya bago makalabas ng hospital.
"By the way, ano pala 'yung pinag-usapan niyo ni Raver kanina?" Tanong ko sa kakambal ko out of the blue. Wala kasing ingay sa loob ng kotse, nakakabingi.
"Bakit mo naman biglang natanong? Were you interested in him?" Patanong niya ring sagot sa akin. There he go again with his over-protective-Twinie instincs.
Parati na lang siyang ganyan kapag lalaki ang pinag-uusapan namin. There's no moments na hindi siya naghinala sa lahat ng mga lalaking mapapalapit sa akin.
"Tama bang sagutin ng tanong ang isa pang tanong?!" Saad ko sa kanya. This time I made sure that I would sound as if I was in comand.
"Just this and that, no need to worry Lexy. Wala naman akong gagawing masama sa kanya okay" sagot niya sa akin. It's not exactly the answer that I was waiting to hear pero at least alam ko na hindi siya naghahanap ng away.
Nakarating na kami sa hospital pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta ang mukha ni Axcel. Kanina pa siya ganyan sa loob ng kotse. Dahil ba ito sa pinag-usapan nila ng Campus Aces? O dahil sa pinag-usapan nila ni Raver?
At last ay nakarating na kami sa kwarto ni Dad. Bubuksan na sana ni Axcel ang pinto pero narinig namin na parang may kausap sina Mommy at Daddy sa loob, kaya dahan-dahan naming pinihit ang pinto para hindi kami makaistorbo.
Pero laking gulat namin nang makita namin si Michelle kasama ang Daddy niya. Ano ang ginagawa nila dito? Nang makapasok na kami ni Axcel ay natungo ang atensyon nilang lahat sa amin.
"Nandito na pala kayong dalawa. Kanina pa namin kayo hinihintay" saad ni Mommy. Paliwanag niya ay kami na lang daw ni Axcel ang hinihintay dahil may importante daw na sasabihin si Tito Alfonso, which is 'yung Daddy ni Michelle.
Umupo kami ni Axcel malapit sa kinaroroonan ni Mommy. Si Daddy naman ay nakafold ang higaan niya into a sitting position.
"Mr. and Mrs. Givarra, alam ko na matagal na rin matapos tayong nagkita-kita, pero recently ko lang nalaman na magkakaibigan pala ang mga anak natin. And right after I knew this, I thought maybe it's time for me to correct what I have done wrong" pagsisimula niya. Nakita ko na medyo naguguluhan si Mommy kaya hinawakan ko ang kamay niya to calm her down.
"Hindi ko alam kung ito ba ang tamang panahon pero I think this belongs to you" pagkatapos ay may inabot siya kila Mommy na isang cloth. Akala ko noong una ay scarf ang ibinigay niya, pero nagulat ako nang ibinuka ito ni Mommy.
Isa pala itong lampen. Ang mas ikinagulat namin ay nang makita namin ang embroidery sa corner ng lampen na iyon. 'Baby Givarra' ang nalagay doon. The moment I saw that name, I immediately took a glance at Michelle. Nakita ko na pati siya ay walang alam sa ginagawa ng daddy niya.
"Ano ang ibig sabihin nito?" Tanong ni Daddy. Nag-alala ako bigla dahil baka hindi niya kayanin ang kung ano mang impormasyon na sabihin sa amin ngayon ni Tito Alfonso.
"Iyan ang lampen na nakasuot sa isang batang nakuha ng kapatid ko 14 years ago. May nailigtas siyang dalawang sanggol mula sa sunog na iyon. At dahil sa nakunan pa lamang noon ang asawa ko ay mas minabuti namin na mag-ampon ng isang bata" saka siya napalingon kay Michelle.
Si Michelle naman ay nagulat sa sinabi ng kanyang daddy. Ang ngiting pinapakita niya kanina ay biglang nawala nang malaman nito na nakunan ang mommy niya noon.

BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Roman pour Adolescents"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...