✴Chapter 36✴
[Another Someone's Point of View]
Ngayon ko na sisimulan ang lahat. This is the perfect time for me to execute my plan.
"I am all in, siguraduhin niyong hindi kayo papalya"
"Opo Master, tatapusin namin ang misyon na ito"
"Dapat lang, dahil buhay ng kapatid mo ang kapalit ng pagkakamaling magagawa niyo"
Pagkatapos ay ibinaba ko agad ang tawag. Ngayon na ginagawa ko na ang first move ko, kailangan kong mag-ingat. I have to make sure that no one would recognize me.
"Da-d-dad, nandito po ako para bisitahin kayo. May dala po akong wine, I'm hoping if we can drink together. Kahit ngayon lang" here he is again.
"Kulang pa ba ang binibigay kong sustento sa Nanay mo? Bakit ka pa pumunta dito? I don't have time for this" sagot ko sa kanya.
He placed the bottle at the table then looked at me with those disgusting pitiful eyes of his. Ano na naman ba ang kailangan ng batang ito?
"Dad, kakapalan ko na po ang mukha ko, pero anak niyo rin ho ako. I think I deserve fair treatment as to what your other children get"
"Binibigay ko naman ang pangangailangan niyong Mag-ina di ba? Nakakapag-aral ka sa SUBC only the most prestigious school here" this kid is getting into my nerve. So anong gusto niya? Ihele-hele ko pa siya na parang bata?
"Oo nga po, pero isa lang naman po ang gusto ko eh. Gusto ko lang naman ng kahit kaunting oras galing sa'yo. That's all I ever wanted" saad niya sa akin.
"Your asking too much Erick. As long as binubuhay ko kayo ng Nanay mo at nakukuha niyo ang pangangailangan niyo, tama na 'yun. Alalahanin mo, kasabay ng pagsalba ko ng buhay ninyong mag-ina ang pangako mo sa akin na walang makakaalam ng koneksyon mo sa akin" mukhang kailangan ko na naman paalalahanan ang batang ito sa kung ano ang posisyon niya.
"Dapat nga magpasalamat ka pa dahil maganda ang buhay niyong mag-ina ngayon, kaysa sa palaboy-laboy kayo sa kalsada. Kaya kung gusto mong matuwa ako sa'yo at hindi masira ang pagkakaintindihan natin, susunod ka sa mga gusto ko, hindi sa gusto mo" madiin kong saad sa kanya.
Nakita ko ang pagbabago sa kanyang mga mata. Ang kaninang nagmamakaawang mata ay biglang naging matatalim ang tingin. Tumango lang siya sa akin bago mabilis na naglakad papalabas ng opisina ko.
[Axcel's Point of View]
Ngayon ko lang uli nakitang ganito kasaya ang pamilya namin. Si Dad, parang bigla na lang nawala ang sakit, at si Mommy naman, parang hindi nag-undergo sa stress.
Pero bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko? Hindi ko maintindihan kung bakit parang may hindi tama? Tumingin ako kay Michelle at parang masaya naman siya. Kahit hindi ganoon kasigla ang ngiti niya ay parang ginagawa niya pa rin ang makakaya niya para mapasaya sina Mommy.
Nagawi naman ang tingin ko kay Lexy. Katulad nina Dad, nakangiti din siya. Pero bakit parang ang papait ng mga ngiti niya. Alam ko si Lexy, hindi siya magaling magtago ng emotions. Well, hindi niya ako napagtataguan ng emosyon niya.
❄bbbbzzzttt bbbzzztttt❄
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko, indicating that I have a message. Tiningnan ko naman 'yun at nakitang nagtext sina Grieg.
(⊙_☉)!!
"Uhhmm... Mommy, Dad, mukhang mauuna na po muna kami ni Lexy, may kailangan pa po kasi kaming tapusin na project" pagkatapos ko 'yun sabihin ay sinenyasan ko naman si Lexy na aalis na kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/181302794-288-k496318.jpg)
BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Teen Fiction"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...