Chapter 60- The Truth Unfold

48 2 0
                                    

✴Chapter 60✴

[Axcel's Point of View]

Halos matapos ko na ang kalahati ng araw para lang sa mga librong binasa ko bilang paghahanda sa darating na exam. Hindi ko na naramdaman na kanina pa pala kumukulo ang tyan ko.

Kaya bumaba na muna ako para kumain. Habang pababa ako ng hagdan, nakita ko naman si Michelle na nakaupo sa sala. Ano ba 'to? Nanonood ba siya ng TV o nagsecellphone?

Nilapitan ko siya dahil parang hindi mapinta ang mukha niya. May problema ba siya?

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya. And at an instant, ay nagbago ang expression niya nang makita ako.

"Ah wala Kuya, tara nood tayo ng TV" pagyayaya niya naman sa akin. Pero tumanggi ako dahil marami pa akong irereview sa mga lessons ko.

Nang makita kong parang okay na siya, ay naglakad na ako papunta sa dining area. Nagtanong naman ako sa mga katulong namin kung may pagkain pa, buti naman at mayroon kaya pinaghandaan naman nila ako ng makakain.

Nakita ko naman si Dad na lumabas mula sa opisina niya. Nagsimula na si Dad na bumalik sa trabaho niya dahil ang sabi sa kanya ng doktor ay nagiging okay na rin naman ang kundisyon niya.

Pero hanggang ngayon ay marami pa rin siyang iniinom na gamot para hindi na uli pa manghina ang puso niya.

"Mukhang ang aga ng miryenda mo, Axcel ah" pagbibiro niya sa akin. This time, medyo close na rin kami ni Dad. I don't know kung dapat ko bang ipagpasalamat ang pagkakasakit niya, dahil 'yun ang naging daan para mas magkainitindihan kaming dalawa.

"Dad naman, baka masyado niyo na namang pinapagod ang sarili niyo" sagot ko naman sa kanya. Tumawa lang siya ng mahina at umupo sa upuan na kaharap ko.

"Axcel matanong nga kita... Ikaw ba ay wala man lang na ipakikilala sa amin ng Mommy mo?" Tanong niya sa akin while wearing this weird grin in his face.

Ano naman ang ibig niyang sabihin doon? May dapat ba silang makilala?

"Alam mo na, 'yung mga dapat na pagkaabalahan ng mga binata na tulad mo" pagpapaliwanag niya uli. But I still have no clue as to what he is saying.

"Kailan ka ba magkakagirlfriend?"

(⊙_☉)

"Cough! cough!... Dad naman! Cough... Wag kayong magbibiro ng ganyan" sagot ko sa kanya habang nauubo dahil sa nabilaukan ako sa sinabi niya. Binigyan niya ako ng tubig at mabilis ko naman 'yung kinuha.

"Umamin ka nga sa akin, bakla ka ba?" Napabuga naman ako ngayon ng tubig dahil sa sinabi niya. Ano ba naman 'to si Dad, habang tumatagal mas lalong nagiging weird ang mga sinasabi.

"Wag kayong mag-alala Dad, straight ako. Sa ngayon ay wala lang talaga akong panahon sa mga ganyan, mas importante naman kasi sa akin ang pamilya natin"

Nagpaliwanag na ako dahil baka kung saan na naman mapunta ang mga sasabihin ni Dad. Nakita ko siyang tumawa ng kaunti bago tumayo sa kinauupuan.

"Opo Father Givarra... Wag kang masyadong magpaka good boy, hindi bagay sa'yo" pagbibiro niya uli bago siya umalis pabalik sa opisina niya.

Pinagmasdan ko si Dad mula sa likuran habang siya naglalakad papunta doon. Right now, his shoulders looked more relaxed than ever.

Siguro dahil sa kumpleto na kami ngayon. Sabi ng doktor kay Dad ay mas napabuti ang kundisyon niya dahil sa pagbabalik ng bunso naming kapatid.

"Hay... If only I could tell you the truth Dad"

'Yun na lang ang nasabi ko sa isip ko dahil hindi ko pwedeng buksan ang bibig ko at sabihin sa kanila kung ano ang nalalaman ko.

A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon