✴Chapter 61✴
[3rd Person Point of View]
Bumalik si Scarlet sa kanilang bahay para kunin ang mga papel na naiwan niya kanina at naabutan si Michelle na tulog sa sofa habang nakaon pa rin ang TV. Napangiti na lang ang ginang dahil sa nakita niyang iyon.
Ngayon lang niya uli naramdaman kung gaano kasaya maging magulang. Ang makita ang kanyang anak na mahimbing na natutulog.
Halos labing apat na taon niyang hinintay na dumating ang pagkakataon na ito, at ngayon ay abot kamay na niya ang kanilang bunsong anak na matagal niyang inasam na makasama.
Lumapit siya sa natutulog na dalaga at dahan-dahang hinaplos ang pisngi nito pati na ang buhok.
"Salamat at bumalik ka sa amin. Promise I will never let anything bad happen to you again" pabulong na saad ng ina sa kanyang natutulog na anak habang inaayos ang kamay nitong nahulog sa sahig dahil sa malikot matulog.
"Mommy, ang aga niyo naman po 'ata" napalingon si Scarlet sa nagsalita at nakita si Axcel na nakatingin din sa kanya. Tumayo ang ginang at tinanong ang kanyang anak na lalaki kung saan nanggaling.
"Kanina pa po kasi ako nakakulong sa kwarto ko, kaya naisip ko na magpahangin na muna" paliwanag ng binata. Naniwala naman ang ginang dahil sa kinaugalian naman talaga ni Axcel na magpahangin sa labas, sakay ng kanyang bike.
"By the way, next saturday pupunta tayo sa birthday ng anak ni Mr. Fuenco. Sabihan mo na rin si Lexy at Miracle na alloted na ang araw na 'yun. Make sure na maayos ang isusuot niyo dahil formal event 'yun"
Dahil sa nalamang impormasyon sa ina ay may naisip si Axcel na plano para mapigilan ang pag-aanunsyo ng engagement nina Miles at Mathew.
❇⭐❇
"Are you crazy?! Gusto mo siyang ipahamak para lang mapigilan ang engagement? Twinie naman! Alam kong hindi pala natin siya kaano-ano, pero wag mo namang ipahamak 'yung tao"
Pabulong na nag-uusap ang magkambal sa terrace nang kinagabihan. At ganoon na lamang ang pagtutol ni Lexy sa plano ni Axcel.
"Lexy, hindi natin pwedeng ilagay si Miles sa sitwasyon na hindi niya na pwedeng urungan. Kaya kailangan nating makaisip ng plano para hindi matuloy ang engagement" paliwanag uli ni Axcel.
"Oo sige, hindi na nga pwede. Pero wag mo namang ibuwis ang buhay ng isa, para mailigtas ang isa. Mag-isip na lang tayo ng ibang plano"
"Bakit? May naiisip ka pa ba?" Hinintay ni Axcel na sagutin ng dalaga ang kanyang tanong, pero hindi ito sumagot.
"I, of all people, know how hard the word sacrifice means. Pero despirate situations need despirate solutions. Hindi ko gusto ang naisip kong plano, pero kung ito lang ang makakapagpapigil sa engagement nila, gagawin ko"
Determinado ang boses ni Axcel habang pinapaliwanag niya kay Lexy ang lahat. Pero ang dalaga ay napataas na lang ang dalawang kamay, hudyat na sinasabing suko na ito.
Alam ng dalaga na walang patutunguhan ang usapan nila kaya nauna na itong bumaba sa terrace at dumiretso sa kwarto niya para matulog.
Naiwan naman si Axcel sa labas habang nakatingala sa langit na puno ng bituin. Hindi niya inakalang ganito kasama ang pag-uusapan nila ng kanyang kakambal sa ilalim ng isang napakagandang kalangitan.
![](https://img.wattpad.com/cover/181302794-288-k496318.jpg)
BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Teen Fiction"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...