✴Chapter 44✴
[Lexy's Point of View]
Hinihintay ko ngayon si Archie dito sa Plaza. Niyaya niya kasi ako na manood ng Frozen II. Paborito niya daw kasi ang magkapatid na 'yun at paminsan ay iniimagine niya daw na siya si Elsa at may ice powers din siya. And meeting me, makes him feel daw that he found his sister, Anna.
Nakita ko na siya na naglalakad papunta sa akin. Kumaway ako sa kanya para makita niya ako. Kumaway din siya sa akin. Napatigil ako nang makita kong nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa likuran ko.
Lumingon naman ako sa likuran, pero bago ko pa man 'yun nagawa ay may itim na sakong bumalot sa buong ulo ko. Wala akong makita, hindi rin ako nakasigaw agad dahil sa pagkabigla ko. Ang alam ko na lang ay nakasakay na ako sa isang sasakyan papunta sa God knows what place.
Hindi ako makapalag dahil masyadong mahigpit ang pagkakatali nila sa kamay ko. Pati paa ko ay may tali kaya wala talaga akong takasan sa kanila.
[3rd Person Point of View]
Kinakabahan si Axcel dahil sa biglang pagtawag sa kanya ni Timothy. Alam niyang pinaghihinalaan na siya ngayon ng binata, pero masyadong marami siyang iniisip ngayon para idagdag pa ang mga paghihinala sa kanya.
Naramdaman niyang nagvibrate ang cellphone niya kaya tiningnan niya naman kung sino ang nagtext na iyon. Napakunot noo naman siya nang makita ang isang picture.
Picture ito ng gate nila, kaya lumabas siya para tingnan kung sino ang nandoon. Pero pagkalabas niya, ay wala naman na tao doon. Papasok na uli sana siya nang makita niya ang isang sobre na nakausli sa mail box nila.
Kinuha niya iyon at tiningnan kung kanino galing, pero walang nakasulat. Binuksan niya na lang iyon para makita kung para kanino. Pero laking gulat niya nang mabasa ang nilalaman noon.
✴dialing...✴
"Hello Grieg, tipunin mo ang Campus Aces. May emergency meeting tayo sa bagong hideout, ngayon na" mabilis niyang paliwanag bago ibaba ang tawag.
Nagmadali naman siyang magbihis at gamit ang kanyang bike ay pumunta siya kanilang bagong hideout. Nagbike lang siya para hindi na maghinala ang mga katulong kung saan siya pupunta. Madalas niya lang kasing gamitin ang bike kapag makikipaglaro siya sa mga kapitbahay na kaedad niya.
❇⭐❇
"Bakit Ace? May problema ba?" Pagsasalubong ni Grieg sa kanilang leader.
Hindi naman siya sinagot ng binata, sa halip ay ibinigay niya dito ang nakuha niyang sulat. Nagtipon naman ang Campus Aces para makita iyon.
________________________________
| |
|Nagbabagang apoy ang tanging| |makakatunaw sa matigas na |
|bakal. Ang minamahal mo |
|lang ang makakapahina sa |
|matigas mong puso. |
|________________________________|"Kidnap! Isa lang ang ibig nilang sabihin nito, may kinidnap sila. Ang tanong, sino?" Saad ni Mathew nang maintindihan niya ang nakasulat.
"Malakas ang kutob ko na si Lexy ang pinupunto ng sulat na 'yan. Hanggang ngayon ay hindi ko siya matawagan" sagot naman ni Axcel habang pinapakita sa kanila ang cellphone nito na may 23 missed call para kay Lexy.
"Kailangan na natin siyang iligtas ngayon din!" Bigla namang saad ni Raver.
"Sure, go ahead, hanapin mo siya sa bawat sulok ng Pilipinas" sarkastikong sagot naman ni Mathew sa binata. "Hindi pa nga natin alam kung saan dinala si Lexy, susugod ka naman agad" dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Teen Fiction"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...