Part 45

6.3K 204 19
                                    

NAHIMASMASAN lang silang pamilya nang lapitan sila ng mga doktor at sabihing stable na ang kalagayan ni Lori Villana at nagkamalay na. Fortunately daw mild heart attack lang ang nangyari pero dahil marami pang gagawing laboratory test ay mananatili sa ospital ang kanyang ina. Puwede raw nila silipin pero hindi pa puwedeng lapitan hangga't nasa loob ito ng ICU.

Muntik na naman maiyak si Wilma nang makita sa hospital bed ang mama niya. Ang daming nakalagay na kung anu-ano sa katawan nito at may suot ding oxygen mask. "A-are you sure she's okay now, doc?" nanginginig ang boses na tanong niya.

Sympathetic na ngumiti ang doktor. "I can assure you that she's stable now. Bukas ng umaga puwede niyo na siya ilipat ng kuwarto. Pero puwede niyo na asikasuhin ang room niya ngayong gabi."

"Okay. That's what we will do," sangayon ng step-father niya. Tumango ang doktor bago nagpaalam at umalis na. Saka siya hinarap ng amain. "Can you take Nancy home with you for tonight? Ako na muna ang maiiwan dito."

"No. I want to stay here too."

"Wilma, please." Na-caught off guard siya. Huminga ng malalim ang step-father niya. "Nancy looks tired. Kailangan niya matulog at alam kong sa tabi mo lang siya magiging komportable ngayon. Isa pa may mga kasama ka nagpunta rito, hindi ba? Hinihintay ka nila."

Napakurap siya at napalingon sa direksiyon ng hallway kung nasaan sina ate Dindie, Cenon at Asher. Ilang metro ang layo sa tatlo may mga reporter at ilang kaibigan din ng mama niya ang nakaantabay din.

"Go home and bring him with you tomorrow too," sabi ng step-father niya. Bumalik tuloy ang tingin niya rito. Sa kabila ng mga nangyayari nakita niyang sumilay ang munting ngiti sa mga labi nito. "Alam ko wala akong masyadong nagawa para sa 'yo bilang pangalawa mong ama. Pero gusto ko pa rin na pormal mo namang ipakilala sa amin ang lalaking nagpapasaya sa 'yo. Alam kong hindi maganda ang naging huli ninyong pag-uusap ng mama mo kasama siya. But try again tomorrow okay?"

Namasa na naman ang mga mata ni Wilma pero sa pagkakataong iyon dahil na-touch siya at medyo nanghinayang na ngayon lang niya nakita kung ano talagang klase ng tao ang napangasawa ng nanay niya. Hindi sa hindi nito alam kung paano siya pakikitunguhan kung hindi kahit anong gawin nito unconsciously ay nirereject niya ang efforts nito mapalapit sa kaniya. Gusto niyang mag sorry para sa lampas isang dekadang awkward sila sa isa't isa. Sa halip gumanti siya ng thankful na ngiti at tumango.

Hawak ang kamay ni Nancy na lumapit silang tatlo kina Cenon. Nakita niyang naging alerto ang boyfriend niya, tumitig agad sa mukha niya at humakbang pang lalo palapit sa kaniya. Pagkatapos walang pakielam sa paligid na masuyo nitong hinawakan ang baba niya at tiningala siya hanggang magtama ang mga paningin nila. "Are you okay?"

Namasa na naman tuloy ang mga mata ni Wilma at na-tempt na sumubsob sa dibdib nito at magpayakap na lang dito. Pero pinigilan niya ang sarili, tipid na ngumiti at tumango. "Stable na raw si mama. Uuwi muna kami ng kapatid ko sa apartment ko at babalik na lang bukas."

Tumango si Cenon at saka lang dumistansiya sa kaniya. "Ihahatid namin kayo." Pagkatapos humarap ito sa step-father niya. Na-tense si Wilma nang magtama ang mga paningin ng dalawa. "I'll take care of them," seryosong sabi ng boyfriend niya.

"Dapat lang," tipid na sagot ng step-father niya. "We have a lot of talking to do but it could wait."

Makalipas ang ilang minuto sakay na uli sila ng Hummer. Hindi na sumabay sa kanila si ate Dindie kasi may dala itong sariling sasakyan. Tahimik sa biyahe at sa backseat sila nakaupo ni Nancy na mahigpit ang yakap sa braso niya habang nakasandig ang ulo sa balikat niya.

Hindi na niya hinayaan sina Cenon na ihatid pa sila ni Nancy hanggang sa mismong unit niya nang ihinto nito ang sasakyan sa labas ng apartment building niya.

GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon