Part 31

5.8K 183 2
                                    

"YOU DIDN'T MEAN THAT."

"Ang alin?" mahinang tanong ni Wilma, hindi inaalis ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Hindi niya matingnan si Cenon mula pa kaninang umalis sila sa mansiyon ng mga Villana. Alam kasi niya na kapag nagtama ang mga paningin nila mawawala ang kontrol niya sa kanyang mga emosyon. Baka mag breakdown siya. Masyado na siyang naing pathetic sa harapan ni Cenon ngayong araw at ayaw na niya dagdagan pa.

"Na gusto mong itakwil ka ng nanay mo. Sigurado akong hindi mo gustong maputol talaga ang relasyon ninyong dalawa," malumanay na sagot ni Cenon. "Nakita ko kanina na hindi talaga kayo magkasundo pero alam ko na ayaw mo pa rin siya mawala nang tuluyan sa buhay mo."

Parang nilamutak ang puso ni Wilma at humapdi ang kanyang mga mata. Nilingon niya ang lalaki na nakatutok pa rin ang mga mata sa kalsada. "Bakit mo naman nasabi?"

Sandaling nakita niyang lumunok si Cenon at parang humigpit din ang hawak sa manibela bago sumagot, "Kasi naranasan mo na mawalan ng isang magulang. It's a kind of pain that will never truly fade. Habambuhay mo iyon iindahin kahit akala mo minsan okay ka na. Kaya alam ko na sa loob mo gusto mo na maging okay kayo ng nanay mo. Kasi nag-iisa mo na lang siyang magulang, Wilma."

Napatitig siya kay Cenon kasi para na naman nitong nahablot sa puso niya ang pinakatatago niyang lihim. Lumunok siya at tumikhim. "Kaya lang ako naging affected ng pagkamatay ni papa kasi bata pa ako nang mangyari 'yon. At saka nakita ko mismo ang aksidente kaya na-trauma ako."

Umiling si Cenon at sinulyapan siya. Muntik na siya mapahikbi sa lungkot na nakita niya sa mga mata nito. "Siguro nga kasama na 'yon sa dahilan. Kahit ako hanggang ngayon, bumabalik sa isip ko si Ruiz na para bang kahapon lang kami huling nagkita. Lalo na kapag malapit na mag bagong taon."

Hindi nakapagsalita si Wilma at parang kinurot ang puso niya sa inamin nito. Mahabang katahimikan uli ang namagitan sa kanila Si Cenon nakatutok ang atensiyon sa daan habang siya naman nakatitig sa side profile nito. Ganoon lang sila hanggang ihinto nito ang sasakyan sa labas ng apartment building niya.

"Nang gabing malaman mo kung sino ang parents ko, hindi ka nakatulog 'no?" mahinang tanong niya. Na-tense si Cenon pero tumango naman. May bumikig sa lalamunan niya. "Anong naramdaman mo nang malaman mo? Anong pumasok sa isip mo?"

Mapait na ngumiti si Cenon na naging humorless na tawa bago sumagot, "Naisip ko na may galit yata sa akin ang tadhana. Matanda na ako pero pinaglalaruan pa rin ako." Sinulyapan siya nito at kumirot ang puso niya kasi mas naging evident ang wrinkles nito. Na para bang pinapatanda itong lalo ng napakaraming isipin.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa 'yo ang tungkol sa amin ng tatay mo. Hindi ko rin kasi alam noong una kung ano ang iisipin at mararamdaman ko. Ang alam ko lang para akong tinulak sa bangin na sa sobrang lalim hindi ko alam kung kailan ako babagsak sa lupa. Lalo ko naramdaman kung gaano kalaki ang agwat ng edad natin. Lalo ko naramdaman na... mali na mahalin kita. Na mali ang ginawa natin nang gabing iyon."

Nakagat ni Wilma ang ibabang labi at namasa na talaga ang mga mata. "But that was the best night of my life, Cenon. Being in your arms and having you inside me felt so right."

Malungkot na ngumiti ang lalaki at hinaplos ang pisngi niya. "Alam ko. Pero kanina nang malaman mo kung sino ako at ano ang koneksiyon ko sa tatay mo, kahit sandali ba hindi mo rin ako sinisi sa pagkamatay niya? Tama ang mama mo. Kung hindi niya ako sinundo nang araw na 'yon, baka hindi siya naaksidente. Hindi ka sana nawalan ng ama sa edad na sampu. Sana iba ang naging buhay mo at naging mas masaya at normal ang naging paglaki mo. Hindi ka dapat nasaktan ng husto. Hindi ka dapat napagkaitan ng pagmamahal mula sa mga magulang mo. Kasi iyon ang karapat-dapat para sa 'yo."

Naluha na talaga si Wilma kasi nakikita talaga niya ang matinding pagsisisi at sakit sa mga mata ni Cenon. Lalo niya nasiguro ngayon na hindi lang siya ang binago at naapektuhan nang pagkamatay ng papa niya. Mas lalo na ang lalaki. Narealize din niya na noong new year, kaya siguro tinolerate siya nito at sinamahan kasi pareho silang malungkot. Kasi pareho nilang naaalala ang kanyang ama. Imposibleng makalimutan ang aksidente na iyon kasi nangyari sa mismong birthday nila.

"Huwag ka umiyak," paos na bulong nito, pinahid ng hinlalaki ang luha sa magkabilang pisngi niya.

Suminghot si Wilma at hinawakan ang kamay nitong nasa mukha niya. "Huwag ka kasi magsalita na para bang sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari. It was an accident. Totoo na nabigla ako kanina nang malaman ko na magkaibigan kayo ni papa. Naiintindihan ko rin naman kung bakit dahil doon lalong ayaw ni mama sa relasyon nating dalawa. Pero Cenon, kahit sa 'yo lang ayoko marinig na mali na minamahal natin ang isa't isa. Kasi walang mali sa ating dalawa. Mas lalong wala tayong ginagawang masama."

Nagkatitigan sila at parang tatawirin yata nito ang pagitan ng kanilang mga labi pero bigla sila nasilaw sa front lights ng dumaang sasakyan. Saka lang nila pareho naalala na nasa gilid sila ng kalsada. Baka nga kanina pa alerto at nakamasid ang mga guwardiya sa apartment building ni Wilma. Nagkatinginan uli sila ni Cenon. "I still want to be with you," bulong niya rito.

Napatitig ito sa kaniya, halatang pinag-iisipang mabuti kung tama ba o hindi ang susunod nitong gagawin. Hindi niya pinutol ang eyecontact nila hanggang huminga ito ng malalim at tumango.

GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon