Part 26

6.1K 182 5
                                    


ALAS OTSO ng umaga nang dumating si Wilma sa apartment building niya. Hinatid siya ni Cenon na papunta naman sa auto shop para magbukas at magtrabaho. Pagkagising niya kaninang alas sais, nakabalik na pala ito galing sa daily morning run, nakabili ng almusal, nakapagshower at nakapag brew na rin ng kape. Maayos na rin nakatupi ang mga hinubad niyang damit at mukhang naplantsa pa nga kasi walang lukot. Asikasong asikaso rin siya nito at palaging nakangiti at malambing kapag magkausap sila.

Pero napansin niya na parang malalim ang iniisip nito kapag akala nito hindi siya nakatingin. Kaya nang huminto ang hummer nito sa labas ng building tinanong niya ito kung may problema ba. Wala naman daw at hinalikan pa nga siya sa pisngi bago siya lumabas ng sasakyan nito para pagbuksan naman siya ng pinto. Kaya kahit feeling niya weird ito sa umagang iyon ay hinayaan na lang niyang umalis ito.

Si Cenon pa rin ang nasa isip ni Wilma nang buksan niya ang pinto ng kanyang apartment. Kaya na-caught off guard siya nang mapansing naka-on ang ilaw at aircon sa loob. Pagkatapos narinig niya ang pamilyar na boses ng kapatid niyang si Nancy. Napangiti siya at tuluyang humakbang papunta sa living room niya. Pero napahinto rin siya agad at nawala ang ngiti nang ang kanyang ina ang una niyang nakita.

Nakaupo ito at ang kapatid niya sa mahabang sofa na nag-iisang furniture sa living room. Parehong napalingon ang mga ito sa kaniya pero magkaiba ang reaksiyon. Halata ang tuwa ni Nancy na tumayo at tumakbo pa payakap sa kaniya para batiin siya. Gumanti ng yakap si Wilma at hinalikan sa magkabilang pisngi ang dalagita. Nginitian din niya ito kahit sa gilid ng kanyang mga mata ay nakikita niyang nakasimangot ang kanyang ina at matalim ang tingin. Alam agad niya kung ano ang dahilan kaya naroon ang mama niya. At na mauuwi sa away ang magiging pag-uusap nila.

Pasimpleng huminga ng malalim si Wilma at nagfocus kay Nancy nang bigla itong magtanong kung saan siya galing at bakit ngayon lang siya umuwi.

"Galing ako sa out of town shoot."

"Pero bakit po 'yung maleta mo nasa room mo na?"

"Nauna kasi si ate Dindie umuwi kaysa sa akin," hindi kumukurap na sagot niya kahit sa totoo lang nagi-guilty siya kapag nagsisinungaling siya kay Nancy. "Nag breakfast ka na?" pag-iiba niya sa usapan at saka lang napansin na nakasuot pala ito ng school uniform. "May pasok ka?"

"Opo. I'm sure hinihintay na ako ng driver sa baba. Sinamahan ko lang po sandali si mommy dito kasi ilang araw na niya ako kinukulit ipahiram sa kaniya ang susi ng apartment mo." Biglang naging pabulong ang boses ni Nancy nang magpatuloy. "I'm afraid she will not give it back to me."

"Male-late ka na sa school, Nancy," biglang sabi ng kanilang ina na tumayo na mula sa pagkakaupo. Na-tense si Wilma at naging protective ang yakap sa kapatid kahit alam naman niyang hindi nito kakantiin kahit isang hibla lang ng buhok ng dalagita. Everyone especially her mother and step-father love Nancy. And that's good. Masaya siya na lumaking puno ng pagmamahal ang buhay ng kapatid niya. Wilma wants Nancy to experience everything she never had when she was growing up.

"Iwan mo na kami ng ate mo. May kailangan kami pag-usapan," sabi na naman ng kanilang ina.

Halatang naalarma si Nancy at humigpit ang yakap sa baywang ni Wilma. Nginitian niya ito at hinaplos ang buhok. "Sige na, pumasok ka na sa school. Gusto mo bang ihatid kita sa baba? Parang hindi ko naman nakita ang sasakyan ninyo sa labas ng building."

"It's okay. I can just call manong na pababa na po ako. Hindi mo na ako kailangan ihatid kasi big girl na ako." Hinalikan siya sa pisngi ni Nancy bago tuluyang bumitaw sa kaniya. Pagkatapos lumapit naman ito sa nanay nila para humalik at magpaalam din. Nakita ni Wilma nang lumambot ang facial expression ng may-edad na babae at masuyo pang nginitian ang kapatid niya.

Iniwas niya ang tingin kasi medyo kumirot ang puso niya. Hindi na niya matandaan kung kailan siya huli nginitian ng ganoon ng mama niya at sa totoo lang alam niyang wala siyang karapatan mainggit. Siya ang may kasalanan kaya tuluyang naging malamig ang relasyon nilang dalawa. Kailangan lang niya masanay na talagang iba ang trato nito sa kanilang magkapatid para maging okay siya.

Nakakailang na katahimikan ang namayani sa apartment ni Wilma nang mawala si Nancy. "Gusto mo ng drinks?" basag niya sa katahimikan at nagsimula maglakad papunta sa kusina.

"Ano na namang kahihiyan ang dinala mo sa pamilya natin?" inis na akusa ng kanyang ina. Napahinto siya at dahan-dahang lumingon. Namumula sa galit ang mukha nito. "Ilang linggo na kitang tinatawagan pero pinapatayan mo ako ng cellphone. Mas gusto mo talaga na sa ibang tao ko pa maririnig ang mga kalokohang ginagawa mo imbes na kausapin ako? Hindi ka ba talaga titigil na i-disappoint ako, Wilma Sarza? Ninenerbiyos na ako sa tuwing mababanggit ng kahit sino ang pangalan mo kapag kausap ako!"

Hindi nakasagot si Wilma at napatitig lang sa mama niya. Thankfully makapal ang pader ng mga unit sa building na iyon kaya kahit nag e-echo na ang sigaw nito sa buong apartment niya siguradong hindi ito naririnig ng mga kapitbahay niya. Kung nangyari ito dati baka sumasagot at nakikipagsigawan na rin siya rito. Baka dinaan din niya sa galit ang sakit na dulot ng disappointment nito sa kaniya.

Habang nakatingin si Wilma sa mama niya, naalala lang niya ang binahagi niyang kuwento kay Cenon kagabi. Sa halip tuloy na makaramdam siya ng pagrerebelde at inis ay gusto pa niya mag sorry dito. Kasi hindi siya naging mabuting anak. Kasi hindi siya lumaki sa paraang gusto nito. Kasi wala siyang ibang ginawa kung hindi galitin at pasamain ang loob nito. Kasi alam niya na magagalit na naman ito sa kaniya kapag sinabi niya rito ang tungkol sa kanila ni Cenon.

Nagsimula magpalakad-lakad ang mama niya, mariing nakakuyom ang mga kamao na para bang pinipigilan ang sarili na huwag siya sabunutan. "Hindi ka ba puwede mabuhay nang hindi ako pinapahiya sa mga tao? Sino na naman ang lalaki mo ha? Please tell me na hindi totoong dirty old man ang bago mong boyfriend. Sabihin mo sa akin na hindi totoong nakita ka ng amiga ko na kasama siya."

Hinintay muna ni Wilma na huminto at tumingin sa mukha niya ang ina bago malumanay na sumagot, "He's not dirty, mama."

Napakurap ito, halatang na-caught off guard. "Ano?"

Dumeretso siya ng tayo at sinalubong ng tingin ang mga mata ng ina. "He might be old but he's not dirty." Napaatras ang mama niya at nanlaki ang mga mata na para bang sinampal niya ito. "He's an amazing man, mama," sincere at seryosong dugtong niya.

Biglang parang nanlambot ang buong katawan ng mama niya. Napaatras ito at natumba paupo sa sofa. Namutla rin ang buong mukha nito at parang hindi makahinga. Parang nilamutak ang sikmura niya at muntik na mapatakbo palapit dito kung hindi lang matalim ang tingin nito sa kaniya.

"Anong pinagsasabi mo, Wilma? Totoo na matanda ang karelasyon mo ngayon? Ilang taon siya? Forty? Ang sabi ni Florencia mukhang lampas kuwarenta ang lalaking kasama mo nang makita ka niya."

"He's fifty, mama. Pero hindi mahalaga sa akin ang edad niya kasi mahal ko siya. He's an amazing person. You'll see it when you meet him."

Napanganga si Lori Villana, parang luluwa na ang mga mata at napahawak sa dibdib. Kinabahan na talaga siya na baka kung anong mangyari sa ina kaya mabilis siyang lumapit dito. Lumuhod siya sa harapan nito. "May masakit ba sa 'yo, mama? Can you breathe properly? Should I call an ambulance?"

Napasinghap siya nang bigla nitong hawakan ang magkabilang braso niya. Napangiwi siya sa sakit kasi sobrang higpit ng hawak nito at bumabaon na yata ang mga kuko sa balat niya. Pero mukhang hindi nito napapansin na nasasaktan na siya nito. Halata kasi sa mga mata ng kanyang ina na histerikal na ito. "Ano pa bang gusto mo sa akin, Wilma? Hanggang kailan mo ako bibigyan ng sakit ng ulo? Wala ka na bang makitang ibang lalaki at pati sa matanda pumatol ka?" Pagkatapos napasinghap ito na parang may naisip na nakakagimbal. "May pamilya ba siya? Kabit ka ba, Wilma?! Did you just become a homewrecker? Oh my God."

"Mama. Calm down. It's not like that."

GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon