Part 43

6.1K 211 9
                                    


"ALAM ko na normal lang ang reaksiyon mo tungkol sa amin ng tatay mo. I'm sure nagulat ka na pagdating mo rito sa Pilipinas may girlfriend pala siya na hindi niya nasabi sa 'yo. Sorry din kung hindi ako nakapagpakilala ng maayos sa 'yo sa airport kahit alam kong may ideya ka na kung sino ako sa buhay ni Cenon," litanya ni Wilma sa malumanay at sinserong tinig.

"Ayoko lang kasi na pangunahan siya kasi alam kong hindi pa niya nasasabi sa inyo ng kapatid mo. Naiintindihan ko rin kung bakit may mga duda ka tungkol sa akin. Alam ko na masyadong malaki ang age gap namin. Alam ko na sa mga mata mo at ng iba hindi kami bagay. Pero gusto kong malaman mo na mahal ko talaga si Cenon at mahal din niya ako. He makes me so happy and I also want to be a source of happiness for him. Hindi kita pipilitin na magustuhan ako agad-agad. Pero puwede bang subukan mo naman ako kilalanin katulad nang gusto ko rin kayo kilalanin ng kapatid mo? Puwede bang maging civil tayo sa isa't isa? For your father's sake?"

Ilang segundong hindi nagsalita si Asher, nakatitig lang sa kaniya at halatang tinitimbang siya. "I don't care if my father decides to get a girlfriend. I will be even happy if he gets married again. That's what he deserves," sa wakas ay sabi nito. "Alam ko na devastated siya nang makipaghiwalay si mommy sa kaniya at magpakasal sa iba. If he introduced me with a woman close to his age I would not have been concerned. You and I look like we're almost the same age. I bet you can have any guy you want. Bakit ang tatay ko pa? At paano ako makakasiguro na hindi mo siya basta iiwan kapag nakahanap ka ng mas batang lalaki kaysa sa kaniya?"

Ni hindi kumurap si Wilma pagkatapos nito magsalita. "Siya ang mahal ko, Asher. Let's assume that I can get any guy I want – thank you for the compliment by the way – but I chose to be with Cenon. Walang kinalaman ang edad namin dito. I love him for his personality and for his soft heart. I love him for all that he is, including his past mistakes and current imperfections. Siguro nga walang bigat ang mga salita ko. Alam ko na bata pa ako at walang wala ang life experiences ko kaysa sa daddy mo. Pero dahil ba bata pa ako, hindi na totoo at mababaw lang ang pagmamahal ko na iniisip mong basta ko na lang iiwan ang daddy mo kapag may nahanap akong iba? Kung ganoon kadali ko lang siya iiwan, sa tingin mo papasok ako sa isang relasyon na kasing komplikado ng sa amin?"

Hindi nakapagsalita si Asher pero napansin niyang nabawasan ang pagdududa sa mga mata nito. "I just don't want him to get hurt again. He's too old for another heartbreak. Sila nga ni mommy kasal pero naghiwalay din sila. Paano pa kayong dalawa? I'm not invalidating your feelings right now. I just know that people, even married couples are capable of falling out of love. Katulad ni mommy noon."

Uminit ang mga mata ni Wilma sa narinig na vulnerability sa boses ng lalaki. Sa kung anong dahilan bigla rin niyang naalala ang araw na sinabi ng mama niya na magpapakasal ito kay Ian Villana. Dalagita pa lang siya noon at hindi pa nakakarecover sa pagkamatay ng papa niya kaya galit na galit siya nang marinig iyon. "Hindi mo na love si papa? Hindi mo na siya love?! I hate you mama!" Iyon pa ang paulit-ulit niyang sinabi noon dahil sobra siyang nasaktan na ganoon lang nito kabilis ipagpapalit ang kanyang ama.

Dahil doon nang ipakilala ng mama niya ang step-father niya guarded na siya. Hindi niya ito hinayaan makapasok sa pader na pinalibot niya sa kanyang sarili. Kaya hindi sila naging close. Hanggang ang sakit na naramdaman niya sa pagpapakasal ng mga ito ay naging anger at resentment. Mga emosyon na nabitbit niya hanggang maging teenager siya. By the time na mabawasan na ang angst niya sa katawan, tuluyan nang nagkalayo ang loob nilang mag-ina.

Narerealize ni Wilma na self-absorbed siya noon at feeling niya siya ang biktima. Na hindi niya naisip kung ano ang nararamdaman ng mama at step-father niya noon. Pero ngayon nasa posisyon na siya ni Ian Villana medyo bumabalik sa alaala niya ang facial expression nito nang una silang magkakilala. Katulad niya na gustong magustuhan ng anak ni Cenon, narealize niyang nag effort ng husto ang step-father niya para magustuhan niya ito. Kahit nang kasal na ito at ang mama niya, palagi nitong sinusubukang kausapin siya para maging close sila. But she never lowered her guard around him. Tapos sa isip niya ang step-father pa niya ang iniisip niyang dahilan kaya hindi sila naging malapit sa isa't isa. She's so stupid.

"Bakit hindi ka na nagsalita?" naniningkit ang mga matang tanong ni Asher kaya bumalik sa kasalukuyan ang atensiyon niya.

Tipid itong nginitian ni Wilma. "May naalala lang ako. Katulad mo kasi may iba na ring asawa ang mama ko at may step-sister ako. Tama ka na may mga taong nafo-fall out of love. Pero alam mo marami akong narealize mula nang ma-in love ako kay Cenon at maging boyfriend-girlfriend kami. Natutunan ko na ang love ay hindi lang basta feelings. Loving someone is also a choice and a promise. Pareho naming napagdesisyunan na hahayaan namin mag grow ang love namin at pareho kaming nangako na hindi namin bibitawan ang kamay ng isa't isa. So as long as we can, we will keep that promise."

Hindi nakapagsalita si Asher, mukhang na-caught off guard sa mga sinabi niya. Pagkatapos parang may nahagip ito ng tingin kasi bigla itong kumurap at lumingon sa direksyon ng hagdan. Sumikdo ang puso ni Wilma nang paglingon din niya makita niyang nakatayo pala doon si Cenon. At kung pagbabasehan ang facial expression nito sigurado siyang kanina pa ito roon at marami na itong narinig sa pinag-uusapan nila ng anak nito.

Ilang segundo yatang natahimik lang silang tatlo bago nagsimulang maglakad palapit sa kanila si Cenon. Napasulyap si Wilma kay Asher nang halatang ma-tense ito kasi imbes na umupo ay tumayo ang boyfriend niya sa tabi ng anak nito. Hindi siya huminga nang magkatitigan ang dalawa. Hanggang umangat ang isang kamay ni Cenon at masuyong guluhin ang buhok ng anak na para bang ten years old lang ito imbes na twenty years old.

That gesture was so affectionate and full of love that it warmed her heart. Lalo na nang makita niyang lumambot ang facial expression ni Asher. Walang nagsasalita sa dalawa pero sigurado siyang may silent communication na nangyari. Kasi mayamaya ang haplos ni Cenon ay naging tapik sa balikat bago tuluyang bumalik sa upuan nito. Saka lang siya tiningnan ng lalaki at nginitian. Napangiti na rin siya.

Nang dumating ang dinner nila mas magaan na ang atmosphere sa lamesa nila. Hindi alam ni Wilma kung dahil sa ginawa ni Cenon o sa masarap na pagkain pero nabawasan ang coldness ni Asher. Sumasagot na ito kapag may tinatanong sila ng tatay nito. Higit sa lahat hindi na siya nito tinatapunan ng matalim at nagdududang tingin kahit pa ramdam niyang mataman pa rin siya nitong inoobserbahan.

Sa dinner na iyon nalaman ni Wilma na pinaasikaso pala ni Cenon sa abogado nito ang mga kumakalat na video at gossip articles tungkol sa kanila. Hindi na nito dinetalye kung ano ang ginawa ng abogado nito pero burado na raw ang mga iyon at siguradong hindi na magkakalat pa ng tsismis tungkol sa kanila ang mga taong may pakana niyon. Nalaman din niya na talagang balak na mag stay for good ni Asher sa Pilipinas at dito gusto ituloy ang pag-aaral ng kolehiyo. Pumayag na raw ang ina at step-father nito.

"And Aaron? May balak din ba siyang dito na lang din mag college pagka-graduate niya ng senior high school doon?" tanong ni Cenon.

Nagbaba ng tingin si Asher at sunod-sunod ang naging pagsubo ng pagkain bago mahinang sumagot, "He wants to visit you for a vacation but I know he will still stay there for college. He has good friends there."

Nagkatinginan sina Wilma at Cenon. Kasi mukhang marami pang hindi sinasabi ang anak nito. Hindi rin niya maiwasan makaramdam ng concern kasi naging twenty years old din siya. Oo at five years ago lang iyon pero dumaan na siya sa maraming toxic relationships and friendships para malamang may tinatagong mas malalim na dahilan si Asher kung bakit bigla itong napauwi ng Pilipinas. Pero wala pa siya sa posisyon para mangielam. Hindi pa sila close. Bukod sa tiwala siyang kaya ni Cenon i-handle ang anak nito. Ilang oras pa lang niya nakasama ang dalawa ay nasiguro na niyang mabuting ama ang boyfriend niya. Hindi man ito physically present at hands on sa mga anak habang lumalaki ang mga ito, napansin niya sa komportable at intimate conversations ng dalawa na mentally and emotionally present ito. Salamat sa new technology.

Maraminang tao sa ground floor ng Wolf Resto Bar nang bumaba sila pagkatapos kumain.Napilitan tuloy sina Wilma at Asher na sa labas na hintayin si Cenon nanagbabayad pa. Katulad kaninang silang dalawa lang, tahimik na naman sila. Peronapansin niyang hindi na masyadong malamig ang pakitungo nito sa kaniya. Nagulatpa nga siya nang biglang humarap ang lalaki at magsalita, "I apologize forbeing rude to you since the other day."

GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon