Part 20

6.4K 206 4
                                    

BUKAS ng umaga pa sana balak ni Wilma na makipagkita kay Cenon. Kaso pagdating nila ng kanyang manager sa NAIA at hindi pa man sila lumalabas ng arrival area ay sunod-sunod na ang pagdating ng messages at tawag sa cellphone niya. Hindi lang mula sa kanyang ina kung hindi sa mga kaibigan at kakilala niya. Nanlamig ang mga kamay niya at mabilis na inilagay sa airplane mode ang gadget. Hindi na niya kailangan basahin ang mga mensahe kasi alam na niya kung tungkol saan ang mga iyon. Nakakatanggap lang siya ng ganito karaming mensahe kapag may tsismis na kumakalat tungkol sa kaniya.

Sa totoo lang, hindi na dapat maapektuhan si Wilma. Sa tuwing nagkakaroon siya ng bagong boyfriend o kaya kapag nakikipaghiwalay siya, palaging kumakalat ang balita tungkol doon. Hindi na nga siya affected sa huling ex niya kahit mas malaking issue ang relasyon niyang iyon kasi anak ng senador si Julio. Pero ngayon kasi mas worried siya para kay Cenon kaysa sa sarili niya.

Kaya nang sakay na sila ng taxi ni ate Dindie papunta sana sa apartment niya ay binigay niya ang address ng Sizperez Auto and Customizing Shop. Gulat na nilingon siya ng kanyang manager. "Anong gagawin mo 'don? Sobrang gabi na at baka nga wala na siya roon."

"Titingnan ko lang. Kung sarado na ang shop, uuwi na ako. Ate sorry. Ikaw na muna mag-akyat ng maleta ko sa apartment ha? Please?"

Bumuntong hininga si ate Dindie. "Alam mo namang may tsismis na tungkol sa 'yo pero pupuntahan mo pa rin siya? Gusto ko lang sabihin sa 'yo na hindi ka na katulad ng dati. Mas marami na nakakakilala sa 'yo kaysa last year. Hindi ka na lang basta anak ng dating miss universe at sikat na car racer. Nagkakatunog na ang pangalan mo sa industriya at dumadami ang job offers sa 'yo. Bukod sa hindi lang tipikal na relasyon ang mayroon kayo ni Cenon."

Nginitian niya ang manager. "Masyado ka lang nag wo-worry. Saka masyado kang bilib sa akin."

Inis na tiningnan siya ni ate Dindie. "Para sabihin ko sa 'yo kaninang tanghali pa tawag ng tawag si boss Nicolo. Natataranta siya kasi nakarating na rin sa kaniya ang tungkol sa dating news mo." Napangiwi si Wilma nang banggitin na nito ang may-ari ng talent agency kung saan siya nakakontrata. "At kung talagang hindi ka pa kumbinsido..." Biglang bumaling ang manager niya sa driver ng taxi. "Manong, kilala mo ba siya?"

Sinulyapan siya ng matandang lalaki mula sa rearview mirror. "Oo naman, ma'am. Wilma Sarza ho, tama?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Paano niyo nalaman?"

Natawa ang taxi driver. "Ma'am, tumingin ka sa labas. Paano kita hindi matatandaan ang laki ng pangalan na nakalagay."

Kumunot ang noon ni Wilma at sumilip sa labas ng taxi. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang tatlong malalaki at nakahilerang billboard ng energy drink na ineendorse niya. Hindi niya alam na nakarelease na pala ang mga larawang kinunan nila kasabay ng TV ad shoot. Mas lalong hindi niya alam na ganoon pala kalalaki ang mga billboard. Napangiti siya at muntik na nga humagikhik sa sobrang saya. Nilingon niya si ate Dindie. "I can't wait to tell Cenon about this. I'm sure magiging masaya siya para sa akin."

Napabuntong hininga ang manager niya at umiling. "Ang hirap mo talaga kausap kapag in love ka. Bahala ka na nga."

Ngumisi si Wilma at nilingon uli ang billboard. Pagkatapos kinuha niya ang cellphone at kinunan ng pictures ang mga iyon bago sila tuluyang makalayo.

Ilang minuto lang ang lumipas, huminto ang taxi sa tapat ng auto shop. Sumikdo ang puso niya nang makitang nasa labas na si Cenon at ibinababa ang steel rolling shutter. Nakapark na rin sa gilid ng kalsada ang itim nitong hummer. Pauwi na yata. Mabilis na inabutan niya si ate Dindie ng pambayad sa taxi hinalikan ito sa pisngi at saka lumabas.

GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon