Part 25

6.1K 187 4
                                    

Tumikhim si Wilma kasi narealize niyang matagal na siya hindi nagsasalita, nalunod sa sarili niyang alaala. Nag focus siya kay Cenon. "Mula noon halos hindi na kami nagkikita ni mama kahit nasa isang bahay lang kami nakatira. Katunayan ang kapatid ko lang na si Nancy talaga ang kumakausap at ngumingiti sa akin kapag nandoon ako. Kahit mga kasambahay nila galit sa akin. In my defense, nagtino na ako pagkatapos 'non.

"Nang makita ko na talagang kaya ni mama na umaktong hindi ako nag e-exist, narealize ko na sarili ko lang ang sinisira at sinasaktan ko sa pagrerebelde ko. Kaya isang araw nang mapadaan ako sa isang tattoo parlor, napapasok ako sa loob. Nakita ko 'yung nakapaskil na quote sa pader at para akong tinamaan ng pana sa dibdib. Kaya iyon ang pina-tattoo ko. The moment I saw the words inked in my skin, I feel somehow... changed."

Parehong napatingin sina Cenon at Wilma sa hipbone niya. We are all broken. That's how the light gets in.

"Naging mantra ko na 'to mula noon hanggang ngayon. Pagkatapos ko sa tattoo parlor, nakipagbreak ako sa fratman na 'yon. Pinutol ko rin ang koneksiyon ko sa mga kaibigan ko. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan pero hindi na ako totally naging close sa kanila. Higit sa lahat, nangako ako sa sarili ko na hindi ko na uli basta ibibigay ang sarili ko sa isang lalaki. I realized that casual sex is not for me. It just made me feel empty instead of satisfied. Gusto ko ma inlove at magkaroon ng proper relationship. Gusto ko makaramdam ng sense of belongingness. Kaso naging obsessive ako sa paghahanap ng love. Kaya nabansagan akong serial dater. But what can I do? I need to be brave enough to meet a lot of men to find the right one for me."

Ibinalik ni Wilma ang tingin sa mukha ni Cenon, hinaplos ang pisngi nito at matamis na nginitian. "At tingnan mo naman. Hindi lang basta lalaki ang nakilala ko. I met an amazing man."

Hinawakan nito ang kamay niyang nasa pisngi nito at hinalikan ang palad niya. Pagkatapos pinagtama nito ang kanilang mga paningin at sincere na sinabing, "You did your best and you grew up well. Proud ako sa 'yo Wilma."

Namasa ang mga mata niya at napangiti. "Thank you, Cenon."

Gumanti ng tipid na ngiti ang lalaki bago siya niyakap at kumilos hanggang pareho na silang nakahiga uli. Bumuntong hininga ito at hinalikan ang ulo niya. "Matulog na tayo. Kagagaling mo lang sa isang linggong walang tigil na pagtatrabaho. Tapos pinagod pa kita ngayong gabi. You need to rest."

Napakurap si Wilma at napa-ah, kasi ngayon lang niya naalala ang dahilan kung bakit siya nagmadali bumalik sa Manila para makausap si Cenon. Napabangon siya at niyuko ang lalaki na halatang nagulat. "May sasabihin nga pala ako sa 'yo kaya kita pinuntahan. Nakalimutan ko!"

Tumaas ang mga kilay nito. "Anong sasabihin mo?"

Napangiwi siya at sinabi rito ang tungkol sa blind item at tsismis na kumakalat tungkol sa kanila. Naramdaman niyang na-tense si Cenon at sumeryoso ang mukha kaya magaan niyang hinaplos ang dibdib nito. "Sanay naman ako sa mga usapang ganoon tungkol sa akin. Kaso iba ang opinyon ni ate Dindie at ng agency namin. Feeling nila mas malaking issue ngayon kung sino ang boyfriend ko kasi nga 'yung age gap natin."

Marahang tumango si Cenon. "Ano ang puwede kong gawin para sa 'yo?"

Na-touch siya at napangiti kasi siya na naman ang nasa isip nito imbes na ang sarili. "Basta huwag mo akong iiwan kahit anong mangyari. Can you do that for me?"

Umangat ang gilid ng mga labi ni Cenon, hinawakan ang batok niya at magaan na pumisil. "Pangako."

Nakahinga siya ng maluwag, yumuko at hinalikan ito sa mga labi. Pagkatapos bumalik na siya sa pagkakahiga at pumikit. "Good. Don't worry, I doubt na guguluhin ka ng mga reporter na 'yon. Sigurado ako lang naman ang titirahin nila."

"Sabi mo sa akin dati na hindi ka naman sikat pero bakit palagi nagkakaroon ng tsismis tungkol sa 'yo?" mahinang tanong ni Cenon na sinimulang haplusin ang buhok niya.

Bumuntong hininga siya, nakakaramdam na ng antok. "Kasi celebrity baby ako," mahinang sagot niya. "Bago mamatay si papa, sikat silang couple ni mama. Mula baby hanggang bago ang car accident ni papa saksi ang buong industriya sa paglaki ko. Everyone loves me back then. Pero nawala 'yon nang maging teenager na ako at sinabi ko na sa 'yo kung bakit. Siguro katulad ni mama nadismaya sila sa akin. Kaya ang love nila naging inis. Ewan ko. Basta natutunan ko na lang na balewalain ang mga sinasabi ng iba tungkol sa akin."

Ilang segundong katahimikan ang lumipas nang magsalita si Cenon. "I need to meet your mother soon. Gusto kong pormal na sabihin sa kaniya kung ano ang relasyon natin bago siya makinig sa sasabihin ng iba. Anong pangalan niya?"

Napangiti si Wilma at humigpit ang yakap sa lalaki pero hindi dumilat. "Lori Arrelano ang maiden name niya. She was a former beauty queen na naging artista pero tumigil nang ikasal siya sa step-father ko."

Huminto sa paghaplos sa buhok niya ang kamay ni Cenon at naramdaman niyang na-tense ang buong katawan nito. Pero pinapalabo na ng antok ang isip ni Wilma para pagtuunan iyon ng pansin. Kahit nang itanong nito kung ano ang pangalan ng tatay niya, halos hindi na lumabas sa bibig niya ang sagot. "Ruiz Sarza... Ang ironic na sa car accident siya namatay. He was the best car racer of his time..." Malungkot siyang ngumiti. "I love him so much..."

Hindi na namalayan ni Wilma kung may sinabi pa ba si Cenon pagkatapos 'non kasi tuluyan na siyang natalo ng antok. Sandali pa, malalim na ang tulog niya.

GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon