UMINIT ang pakiramdam niya kasi tama ito. Hindi naman siya manhid. Alam niya na interesado rin ito sa kaniya. Nararamdaman niya iyon sa titig nito at sa boses nito kapag nag-uusap sila ng personal o kapag tinatawagan niya ito. Pero higit sa lahat, mas nararamdaman niyang attracted ito sa kaniya sa tuwing iniiwasan nitong magkaroon sila ng physical contact. Nararamdaman kasi niya na pilit nitong kinokontrol ang sarili na hawakan siya. Alam niya kasi palagi rin siyang nagke-crave na hawakan ito pero nagtitimpi rin siya.
"Kung hindi ka komportable sagutin ang tanong ko, naiintindihan ko. I will not bring it up again," sabi na naman ni Cenon. "Tapusin mo na lang ang pagkain mo para maihatid na kita pauwi at makapagpahinga ka na." Dumeretso ito ng upo, hinawakan uli ang broadsheet na nakapatong sa lamesa at parang magbabasa na naman uli.
Hindi na nakatiis pa si Wilma. Mabilis niyang hinawakan ang kamay nitong may hawak sa broadsheet. "Hindi kami close kasi daddy's girl ako." Natigilan si Cenon pero hindi nagsalita, hinihintay siyang magpatuloy. Huminga siya ng malalim kasi hindi siya sanay sabihin sa iba ang tungkol sa family situation niya. "I know it sounds lame but it's true. Lumaki ako na mas close kay papa. Nagkaisip ako na siya ang palagi ko kasama. Lahat ng childhood memories ko, halos puro si papa ang kasama ko. Pero hindi ibig sabihin 'non masamang ina ang mama ko. Busy lang talaga siya sa career niya noong lumalaki ako at bihira ko makasama. Pagkatapos noong ten years old ako..."
May bumikig sa lalamunan niya at nag-iwas ng tingin. Kaso lalo lang siya hindi nakapagsalita nang makita ang isang pamilyang umookupa sa isang lamesa. Mukhang bago pa lang na married couple ang lalaki at babae kasi nasa baby chair pa ang anak ng mga ito. Maganda ang ngiti ng couple habang sinusubuan at nilalaro ang bata. Bago siya mag ten years old, madalas din sila kumain sa labas ng papa niya.
"Anong nangyari, Wilma?" mahinang tanong ni Cenon.
Inalis niya ang tingin sa pamilya at malungkot na nginitian ang lalaki. "Namatay ang tatay ko noong ten years old ako. I didn't take his death well. Kulang ang sabihing dinibdib ko ang nangyari. Hindi ako tumitigil umiyak araw-araw, hindi kumakain kahit pilitin ako, hindi pumapasok sa school at kung anu-ano pang nag pa-stress siguro sa mama ko na that time siyempre nagluluksa rin. Wala siyang time para aluin ako kaya binigay niya ako sa lolo at lola ko. Pero hindi nakatulong sa akin ang bagong environment. Lalo pa nga ako lumala to the point na dinala na ako nila lolo sa child psychologist para ipa-counsel. Ganoon katindi ang naging trauma ko sa pagkawala ni papa –"
May bumikig sa lalamunan ni Wilma nang binago ni Cenon ang posisyon ng mga kamay nila hanggang ito na ang may hawak sa kamay niya. "I'm sorry to hear that."
May humaplos na init sa puso niya kasi iyon ang unang beses na ginagap nito ang kamay niya. Nabawasan tuloy ang bigat ng pakiramdam niya at mas naging madali para sa kaniya ang magsalita. "Thank you. Nahirapan ako makarecover sa pagkawala niya at sa totoo lang hanggang ngayon may mga sandaling naalala ko siya at nasasaktan pa rin ako."
"You can never really fully recover from losing someone you love. Kahit gaano karaming taon ang lumipas, magkakaroon pa rin ng sandaling mami-miss mo ang taong iyon." May dumaang lungkot sa mga mata ni Cenon nang sabihin iyon. Pero nawala agad ang emosyong iyon nang kumurap ito at ibahin ang usapan. "Pero imbes na magkalayo ang loob ninyo ng mama mo, hindi ba dapat mas naging close kayo pagkatapos nang trahedya na 'yon?"
Mapait na napangiti si Wilma. "Ganoon dapat 'di ba? Kapag ang isang babae nawalan ng asawa, i-fofocus niya ang pagmamahal at panahon niya sa anak. Kaso hindi ganoon si mama. Noong eleven years old ako, nagpakasal siya sa iba. Sobrang sama ng loob ko sa kaniya noon. Pero one year later, nang ipanganak ang half-sister kong si Nancy, nabawasan ang hinanakit ko sa kaniya. I love my sister so much. Never na kami naging close ni mama kasi matagal na siyang tumigil mag effort na maging close sa akin. Hindi rin ako naging malapit sa step-father ko pero hindi naman siya naging masama sa akin. Hindi lang siya..."
"Hindi lang siya interesado kilalanin ka," pagtatapos ni Cenon sa sinasabi niya. "Kahit ang nanay mo, mukhang hindi rin naging interesadong kilalanin ka, Wilma. They neglected you all throughout your life, didn't they?"
Parang tinusok ng maraming karayom ang puso niya sa sinabi nito. "Hindi naman sila naging pabaya sa akin. Pinag-aral nila ako sa magandang school. Nakakain ko lahat ng gusto ko at binibigay nila lahat ng mga pangangailangan ko at –"
"At naging masaya at kuntento ka ba sa lahat ng ibinigay nila sa 'yo?" Hindi na naman nakapagsalita si Wilma. Bumuntong hininga si Cenon. "Hindi materyal na bagay ang sukatan ng pagiging mabuting magulang. Time, effort at pag-aaruga ang pinaka importanteng mga bagay na dapat ibigay ng isang magulang sa anak niya."
Touched na napangiti si Wilma. Pinisil niya ang kamay nito. "Thank you for your wise words, mister. Don't worry. Okay na ako ngayon. Lumaki naman ako ng maayos at disente, 'di ba?"
Tumango si Cenon at naging mainit ang titig sa kanyang mukha. "Higit pa sa disente. You grew up with a strong heart, Wilma. Lumaki kang maganda, hindi lang panlabas pero lalo na sa panloob. You are amazing and you should be proud of yourself."
Napatitig siya sa mukha nito at humigpit ng husto ang hawak niya sa kamay nito. Nate-tempt kasi siyang lumapit at halikan ito para iparamdam kung gaano niya na-aappreciate ang mga sinabi nito.
Pero hindi katulad noong New Year, para bang nabasa agad ni Cenon sa mga mata niya ang balak niyang gawin. Tumikhim kasi ito, marahang binitawan ang kanyang kamay at iniba ang usapan. "Kakain ka pa ba? Malamig na 'yang nasa plato mo? Gusto mo bang umorder tayo uli?"
Kumurap si Wilma, itinago ang mga kamay sa ilalim ng mesa at tumikhim rin. "Okay na ako rito. Uubusin ko lang 'to tapos alis na tayo."
Tumango si Cenon, mukhang disoriented din katulad niya kasi ininom nito ang natitirang kape sa mug nito kahit malamang malamig na 'yon. Binilisan na rin niya ang pagkain kasi alam niyang kailangan na nila umalis sa restaurant. Sa tuwing nagkakatinginan kasi sila, umaalinsangan sa lamesa nila at pakiramdam niya kinukuryente ang buong katawan niya. Ang dami niya gusto itanong sa lalaki pero hindi sa restaurant na iyon ang tamang lugar para doon.
BINABASA MO ANG
GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year)
RomantizmKuntento sa tahimik na buhay si Cenon Sizperez. Tanggap na rin niyang mananatili siyang mag-isa hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Pero sa madaling araw ng bagong taon, nakilala niya si Wilma Sarza. From the moment he saw her, he knew she...