Part 16

6.5K 193 3
                                    


"ARE YOU CRAZY?!"

Napangiwi si Wilma at muntik na mabingi sa sigaw ng manager niyang si ate Dindie. Nasa loob sila ng kotse niya, nagpapalamig para hindi humulas ang make-up niya habang hinihintay tawagin ng production assistant. Sa araw na iyon may shoot siya ng isang tv commercial para sa isang sikat na brand ng energy drink. Espesyal ang endorsement deal na ito para sa kanila ni ate Dindie kasi this time hindi lang siya cameo appearance. Siya na ang main model. Sabi ng manager niya, napili raw siya maging endorser dahil sa fresh at adventurious image na pinapakita niya sa travel show na hinohost nila ni Bobby.

Medyo na-guilty tuloy si Wilma na ngayon niya sinabi kay ate Dindie ang tungkol sa kanila ni Cenon. Maganda pa man din ang mood nito kanina at palaging nakangiti. Ngayon namumula na ang mukha nito at parang gusto siya sakalin. Pero kasi naman, hindi niya matiis hindi sabihin sa nakatatandang babae na may boyfriend na siya. Sobrang close niya kay ate Dindie na wala itong hindi alam tungkol sa buhay niya.

"Ate naman. Palagi ko naman sinasabi sa 'yo kapag may bagong nagpapaligaya sa akin pero hindi ka nag re-react ng ganiyan dati."

Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Alam mo kung bakit! My God, Wilma. Akala ko ba focus ka muna sa trabaho at hindi muna mag la-love life? Saka si Cenon Sizperez pa? Oo aminado ako na guwapo at hot siya. Pero sobrang laki ng age gap ninyo, Wilma. Puwede mo na nga siya maging tatay."

"Pero hindi ko siya tatay at kahit malaki ang age gap namin pareho naming gusto ang isa't isa," defensive na sagot ni Wilma. "Mabuti siyang tao, ate Dindie. Alam mo 'yan."

"Iyan din ang sinabi mo sa lahat ng mga naging jowa mo pero anong nangyari? Hindi ba kung hindi ka niloko ay katawan mo lang ang gusto? At kapag hindi mo sila mapagbigyan iniiwan ka nila at ipagkakalat pa na cheap kang babae. Hindi kaya ng pride nila na hindi sila maka-score sa 'yo."

Napangiwi siya kasi medyo nasaktan pa rin siya kahit akala niya hindi na siya apektado ng failed relationships niya. "Iba si Cenon sa kanilang lahat, ate Dindie. In fact ngayon pa lang ako nakakilala ng isang katulad niya. With him I feel a connection that I never felt with anybody before. Saka hindi naman kami basta-basta nag desisyon na kami agad. Ang tagal namin nag-isip pareho kung ready ba kami pumasok sa relasyon na 'to. Mas worried pa nga siya para sa akin kaysa sa sarili niya. Pareho namin sinubukan pigilan ang feelings namin para sa isa't isa pero hindi talaga namin kaya, ate. Suportahan mo naman kami, please. Ikaw lang ang balak kong sabihan ng tungkol sa amin."

Halatang nagulat ang manager niya at mukhang nabawasan ang inis. "Balak niyong isikreto ang relasyon niyo?"

"Hindi naman secret pero hindi lang din namin ipagkakalat ng bongga," sagot ni Wilma.

Naalala niya ang naging pag-uusap nila ni Cenon noong isang araw sa loob ng apartment niya. Sa dami ng mga naging boyfriend niya, first time niya maranasan iyong harapan at seryosong usapan kung ano ang mangyayari sa relationship nila. Lalo lang tuloy tumaas ang respeto niya kay Cenon kasi katulad niya ayaw din nito ng malabong relasyon. Pinakinggan nito ang lahat ng expectations niya bilang girlfriend nito at siyempre marami siyang sinabi, mga pangarap na never nangyari sa past relationships niya kasi ang corny raw sabi ng mga ex niya.

Pero sineryoso siya ni Cenon, ngumiti at walang pagdadalawang isip na sumangayon sa mga gusto niya. Pagkatapos isa lang ang naging request nito. Na gawin nilang pribado ang relasyon nilang dalawa. Siyempre pumayag siya.

"Hindi mo kaya," pinal na sabi ni ate Dindie.

Napakurap si Wilma. "Bakit naman?"

"Kasi obvious ka kapag may boyfriend ka. Kasi hindi mo mapigilan hindi mag post sa twitter at instagram kapag may ka-date ka. Basta kilala kita, Wilma. Hindi ka makakatiis na hindi ipagsigawan sa mga tao kapag may lalaki sa buhay mo."

Hindi siya nakapagsalita kasi tama ang manager niya. Ganoon nga siya sa past relationships niya. Palagi siya nag po-post sa twitter tungkol sa kanila ng boyfriend niya at madalas din siya mag post ng pictures nila sa instagram. Pagkatapos kapag nag break na sila, maglilinis na siya ng social media account, buburahin lahat ng bakas ng ex niya. Marahas na umiling si Wilma at pinal na sinabing, "This time it's going to be different. Kasi ayoko i-share si Cenon sa iba. I want to have a quiet and happy relationship with him."

Halatang hindi pa rin kumbinsido si ate Dindie at parang marami pa ngang irereklamo pero inunahan na niya ito. "Basta suportahan mo kami ate ha? Tapos ilalakad kita kay Rey. Type mo siya 'di ba?" biro niya.

Inirapan siya ng manager niya pero namula naman ang mukha. Natawa siya at bibiruin na naman sana ito kaso natigilan siya nang makita ang kakaibang tingin nito sa kaniya. "What's that stare for?"

"Kasalanan ko kaya na-in love ka sa kaniya. Kung hindi kita pinilit isama sa shop niya para tingnan ang van mo, hindi na sana kayo nagkita uli."

Kumirot ang puso ni Wilma. "Ate Dindie naman..."

Umiling ang manager niya, nagpatuloy sa pagsasalita. "Nakita ko na iba ang kinang sa mga mata mo kapag nakikita mo si Cenon. Nakita ko na nawawala ang image na gusto mo ipakita sa ibang tao at nagiging totoo ka sa sarili mo kapag nasa auto shop tayo. Pero nanahimik ako at binalewala ko ang mga nakita ko kasi akala ko platonic lang ang affection mo sa kaniya. Akala ko nakikita mo lang siyang father figure kasi base sa mga kuwento mo tungkol sa papa mo, magka-aura sila ni Cenon. Kung alam ko lang na attracted ka pala sa kaniya, pinigilan kita."

"Bakit naman?" tanong ni Wilma, medyo nasaktan sa sinabi nito.

Pinagtama ni ate Dindie ang paningin nilang dalawa. "Kasi mas mahirap pa kaysa akala mo ang magiging relasyon ninyo, Wilma. Marami ang hindi matatanggap ang laki ng age gap ninyong dalawa. Marami ang kukutyain ka at sasabihan ng hindi magagandang salita. Iyong mga sakit at sama ng loob mo sa nakaraang mga taon dahil sa mga tsismis tungkol sa 'yo? Walang wala iyon sa maririnig mo kapag kumalat ang tungkol sa relasyon ninyo ni Cenon. Baka makaapekto pa 'to sa career mo. Saka anong sasabihin na naman ng nanay mo?"

Napahugot ng malalim na paghinga si Wilma. "Alam ko naman ang mga 'yan, ate Dindie. Kaya nga ilang linggo ako nag effort na patayin ang feelings ko para sa kaniya. Kaso hindi ko talaga kaya. At ganoon din siya. We were both suffering when we were trying to resist each other. Hindi ba kami puwede maging masaya pareho?"

Ilang segundong pinakatitigan siya ng kanyang manager bago ito marahas na bumuntong hininga. "Hay, bahala ka na nga!"

Napangiti siya at niyakap ito. "Thank you ate Dindie!"

Tinapik nito ang likod niya. "Oo na. Wala ako masyado maitutulong sa inyo pero susuportahan ko kayo. Sige na, nakikita ko nang palapit dito ang production assistant. Galingan mo sa shoot para dumami ang endorsements mo."

Binitawan na ito ni Wilma at matamis na nginitian. "Ako pa ba? Palagi ko naman ginagalingan. Leave it to me."

GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon