Part 39

5.2K 202 4
                                    


"Okay ka lang, Wilma? Mabuti na lang hindi nasira ang maleta mo," sabi ni ate Dindie na nakalapit na sa kaniya.

Bumaling na siya sa kanyang manager at tipid na ngumiti. "Okay lang ako. Mukhang okay lang din ang nabangga ko so nothing to worry about. Thank you sa pagkuha ng maleta ko, ate." Kinuha niya pa mula rito ang handle niyon at hinila na.

Umagapay sa paglalakad niya si ate Dindie, hawak na ang cellphone at may tinitipa na roon. "Malapit na raw 'yung sundo natin."

Gulat na napalingon siya rito. "May sundo tayo? Pinadala ng agency?"

Nag-angat ito ng tinign at ngumisi. "Hindi. Padala ng boyfriend mo. Nag text siya sa akin kagabi kung anong oras daw ang lapag ng eroplano natin ngayon. Pinapunta niya si Rey para sunduin tayo. Gusto daw sana niyang siya ang sumundo sa 'yo kaso... nag-iingat siya."

Kumirot ang puso ni Wilma. Thankful siya sa pagiging thoughtful ni Cenon pero at the same time nagi-guilty siya na nagulo niya ang tahimik at pribado nitong buhay. "I'll call him."

Tumango ang manager niya. "Sige. Pero hindi kayo puwede magkita muna ha? Nag-iingat siya kaya dapat ikaw rin. Huwag mo na palakihin pa ang issue at hintayin na mawala ang interes ng mga tao sa inyo. Sigurado naman ako na kapag may nakita silang bagong pag-uusapan, makakalimutan na nila kayo."

Huminga siya ng malalim at tumango kahit sa totoo lang hindi niya alam kung hanggang kailan niya makakayang hindi makita si Cenon. Pero alam niyang tama si ate Dindie. Hindi sana siya makikinig sa pakiusap nito at ng presidente ng talent agency niya na mag lie low muna sa pakikipagkita sa lalaki.

Kaso nakita ni Wilma ang mga kumakalat na video at article na pinangalanan at naresearch na halos buong buhay ni Cenon. Pagkatapos tumawag pa sa kaniya ang boyfriend at halatang worried dahil napanood na rin nito ang mga iyon. Saka lang niya narealize na kahit gusto niya magmatigas at balewalain ang mga tsismis tungkol sa kaniya, hindi naman niya kayang idamay ng husto ang lalaki. Kahit ma-mi-miss niya ito ng husto, kailangan niya tiisin na huwag muna itong makita.

Sandali pa nakalabas na sila ng arrival area at tumayo sa isang tabi para hintayin si Rey. Inilabas na niya ang cellphone para tawagan si Cenon nang mapalingon siya sa direksyon ng taxi bay kung saan mabilis na naookupa at umaalis ang bawat sasakyan. Nakita niya ang lalaking nakabangga niya kanina na halatang hindi alam kung ano ang gagawin. Ilang beses itong yumuko pasilip sa loob ng taxi, nagtatanong yata pero palaging umiiling ang driver at iba ang pinapasakay. Halatang frustrated na ito, tumitingin sa cellphone at saka iginagala ang tingin sa paligid. Ngayong napagmamasdan niya itong maigi narealize ni Wilma na bata pa talaga ito. Parang college student lang yata at parang first time tumapak sa NAIA. Higit sa lahat pamilyar talaga ang mukha nito sa kaniya kahit sigurado siyang never pa sila nagkita dati.

Naalis lang ang atensiyon niya sa matangkad na lalaki nang hawakan ni ate Dindie ang braso niya at sabihing nakikita na nito ang sasakyan ni Rey. Itinuro pa nito ang asul na kotse na palapit na sa kanila. Tumaas ang mga kilay ni Wilma at nanunudyong tiningnan ang manager niya. "Paano mo nalaman na 'yan ang kotse niya?"

Namula si ate Dindie at pinanlakihan siya ng mga mata. "Nag de-date kami minsan, bakit ba? Hindi lang ikaw ang nagka-love life dahil sa pagpapa-customize ng van mo 'no!"

Natawa siya. "Hindi mo naman kailangan maging defensive. Happy ako para sa inyong dalawa."

Huminto sa tapat nila ang kotse at bumaba si Rey na malawak ang ngiti nang lumapit sa kanila. "Kamusta ang flight niyo?"

Matamis na ngumiti si Wilma lalo na nang walang pagdadalawang isip na yumuko ang lalaki at magaan na hinalikan sa pisngi si ate Dindie. Lalong namula ang mukha ng manager niya at tarantang sinulyapan siya sabay tampal sa braso ni Rey. Napatingin din tuloy sa kaniya ang lalaki pero gaya niya ngumisi lang din ito. "Saan ko kayo ihahatid? Sa shop? Sigurado akong gusto ka makita ni boss."

Nawala ang ngiti niya at napabuntong hininga. "Hindi. Sa apartment ko. Tatawagan ko na lang siya kapag nakauwi na ako."

"Sinabi ko na sa 'yong hindi sila puwede magkita muna," bulong ni ate Dindie.

"Ah. Oo nga pala." Sympathetic siyang nginitian ni Rey bago kinuha ang mga maleta nila para ilagay sa compartment ng kotse. Papasok na sana si Wilma sa backseat nang mapansing nakatayo pa rin sa taxi bay ang lalaking nakabangga niya kanina. Wala nang taxi na nakapila at halos ito na lang ang naiwan doon. Mukha itong naliligaw na hindi alam ang gagawin. Ito ang tipo ng tao na madaling mapagsasamantalahan ng mga manloloko.

At siguro likas lang talagang pakielamera si Wilma o dahil pamilyar lang talaga ang mukha nito sa kaniya kaya narealize na lang niyang naglalakad na siya palapit sa estranghero. Narinig niya ang gulat na pagtawag ni ate Dindie sa kaniya pero sumenyas lang siya at hindi huminto hanggang makalapit sa lalaki.

"Where are you going?"

Gulat na nilingon siya nito at kumunot ang noo nang makilala siguro siya. "What?"

"Well, you've been standing there for so long already. Where are you going? We can drop you off."

"No thanks," guarded na sagot nito.

Napabuntong hininga si Wilma at humalukipkip. "I'm sorry to tell you this pero mukha kang aanga-anga. Ikaw ang tipong lapitin ng mga manloloko. Soon someone will approach you and act like they will want to help you but in truth they will just take advantage of you. So accept my act of kindness and tell me where you are going. As apology ko na rin sa pagbangga ko sa 'yo kanina."

Naningkit ang mga mata ng lalaki, halatang nagdududa pa rin pero napansin niyang naintindihan nito ang lahat ng sinabi niya, kahit iyong tagalog. Nginitian niya ito. "Sige na. Saan ba ang punta mo? Are you here for a vacation? You don't look like you live here. Baka on the way lang namin ang pupuntahan mo, ihahatid ka na namin."

"You're so chatty," sagot ng lalaki sa magaspang na tono.

Naningkit ang mga mata ni Wilma pero hindi siya nainis. Sinulyapan na kasi nito ang direksiyon kung nasaan ang kotse ni Rey at halatang nagdedesisyon kung sasama ba sa kanila o magmamatigas.

"Ma'am Wilma, anong meron?" biglang tanong ni Rey na nang lumingon siya ay nakalapit na pala sa kanila. Pinaliwanag niya agad ang sitwasyon ng estranghero. Tumango-tango si Rey at binalingan ang nakababatang lalaki. "Saan ang punta mo?"

Sandaling nag-alangan pa ang estranghero bago may pinindot sa hawak na cellphone at iniharap sa kanila ang screen. Nakabukas ang note app nito at may nakasulat na address. "Here. I need to go here."

Sabay na yumuko sina Wilma at Rey, binasa ang address. Natigilan siya nang makita ang pangalan ng exclusive subdivision pero pinigilan ang sarili na magkomento kasi katabi niya si Rey na natigilan din at manghang napatingala sa lalaki. "Sinong pupuntahan mo dito?"

"Why?" nakakunot ang noo na balik tanong ng estranghero.

Kinabahan siya nang makita ang pagkamangha sa mukha ni Rey. Nagkaroon ng kutob si Wilma at napatitig uli sa lalaking nakabangga niya. Unti-unti nare-realize niya kung bakit pamilyar ito sa kaniya.

"Home address 'to ng boss ko. Kilala mo ba si Cenon Sizperez?" tanong ni Rey.

Natigilan ang nakababatanglalaki. "Yes. He's my father."

GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon