Nanginig ang mga labi ni Wilma, humikbi at tuluyang nawala ang kontrol sa emosyon. Tumakbo siya palapit sa ina at hindi napigilang yakapin ang baywang at isubsob ang mukha sa bandang tiyan nito. Pagkatapos umiyak siya ng umiyak habang paulit-ulit na nag sorry. Ang daming lumabas na mga salita sa bibig niya na kahit siya hindi niya maintindihan kasi umiiyak siya. Pero kahit ganoon pakiramdam niya naiintindihan ng mama niya ang mga sinasabi niya. Kasi ipinatong nito ang mga kamay sa ulo niya at hinaplos ang buhok niya sa paraang matagal na nitong hindi ginagawa. Lalo lang tuloy siya naiyak. Lahat ng mga kinimkim niyang regrets, sakit, lungkot at kung anu-ano pa sa nakaraang fifteen years, inilabas niya lahat.
Nang medyo mahimasmasan saka lang niya tiningala ang kanyang ina. Kaso nang makita niyang umiiyak din pala ito gusto na naman niya humagulgol. "N-natakot talaga ako. Akala ko talaga iiwan mo na rin ako."
Suminghot ang nanay niya at hinaplos ang mga pisngi niyang basa ng mga luha. "Hindi pa ako mawawala. Hindi ko hahayaang mawalan ka na naman ng magulang ng maaga. Ihahatid pa kita sa altar at kailangan ko pa makita ang mga apo ko sa 'yo. Ang dami pa nating hindi nagagawa na mag-ina. Mga bagay na dapat ginawa natin sa nakaraang mga taon pero hindi nangyari. Sorry din sa lahat, anak. Sorry na hindi ako naging mabuting ina sa 'yo."
Umiling siya at yumakap uli dito. "Naiintindihan ko na, mama. Alam ko na ngayon kung ano ang nararamdaman mo all these years. I'm sorry if I was so self-absorbed to noticed that you're having your own hardships. I'm a grown up now so I understand."
"Grown up? Kailan pa?" amused na tanong ng mama niya pero alam niyang naluluha pa rin ito.
Tumingala uli si Wilma, ibinuka ang bibig kasi ang dami niya gusto sabihin pero sa huli ang lumabas lang sa mga labi niya ay, "I fell in love, mama. I know you don't like him because of a lot of things but I really love him."
Pero kahit ganoon lang kasimple ang nasabi niya ay parang naintindihan siya ng kanyang ina. Marahan itong huminga ng malalim. "Nang magmahalan kami ni Ian marami akong narinig na hindi maganda sa mga tao. For twelve years I keep on hearing nasty words about me just because I married him. Hanggang ngayon alam mong may mga nasasabi pa rin silang hindi maganda tungkol sa akin. I am so concerned for you, Wilma. Ayokong maranasan mo lahat ng naranasan ko sa nakaraang mga taon. Ayokong mahusgahan ka rin at sundan ng mga pangit na salita. Gusto kong matupad mo ang mga pangarap mo kasi bata ka pa at promising pa ang future mo."
"Mama, wala akong pakielam sa sasabihin ng iba. Wala kaming ginagawang masama. May mga problema man ako sa career ko ngayon pero hindi ako titigil na tuparin ang mga pangarap ko. I can handle my career just fine, mama. Ang importante lang sa akin acceptance at support ng mga taong mahal ko at ng mga taong mahal niya," pakiusap ni Wilma.
Natahimik ang kanyang ina, matamang nakatitig sa mukha niya. Pagkatapos biglang lumampas ang tingin nito sa knaiya, napunta kay Cenon na tahimik lang nakatayo malapit sa nakasarang pinto. "Hindi mo pa sinabi sa kaniya," mahinang sabi nito.
Napakurap si Wilma, marahang lumayo sa ina hanggang tuluyang makatayo uli. Nagtatakang nilingon niya si Cenon na lumapit na rin sa kama. "May mga nangyaring hindi inaasahan kaya hindi ko pa nasabi sa kaniya," sagot ng boyfriend niya.
Kumunot ang noo niya, pinahid ang basang mga pisngi at nalilitong pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. "What's going on?"
Nilingon siya ni Cenon at masuyong ngumiti. Pagkatapos napasinghap siya nang abutin nito ang kamay niya at sa harap ng kanyang ina ay pinaglingkis nito ang mga daliri nila. Nanlaki ang mga mata ni Wilma at tarantang sinulyapan ang mama niya. Baka kasi magalit na naman ito at makasama sa kalusugan nito.
Kaya nagulat siya nang tipid na ngiti ang nakita niya sa mukha ng kanyang ina. "Basta tutuparin mo lang ang ipinangako mo sa akin sa ilang beses na pagpunta mo sa bahay namin para kumbinsihin akong ipagkatiwala sa 'yo ang anak ko, hindi na ako kokontra sa pagmamahalan ninyo."
BINABASA MO ANG
GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year)
DragosteKuntento sa tahimik na buhay si Cenon Sizperez. Tanggap na rin niyang mananatili siyang mag-isa hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Pero sa madaling araw ng bagong taon, nakilala niya si Wilma Sarza. From the moment he saw her, he knew she...