Part 23

6.5K 234 11
                                    


Kumurap si Wilma pero nagsimula rin humaplos ang mga kamay sa balikat nito at kusa na ring dumikit ang katawan niya sa katawan nito. "What do you mean?" tanong niya sa pabulong ding paraan.

Sandaling pumisil ang kamay ni Cenon sa batok niya bago marahang hinaplos ang gilid ng mata niya. "Akala mo ba hindi ko nakikita? You are also carrying a lot of secrets and scars, Wilma. Kahit masigla at nakangiti ka palagi, maraming beses ko nakikita sa kislap ng mga mata mo na marami kang dinadala dito..." turo nito sa sentido niya.

Pagkatapos napigil niya ang hininga nang humagod pababa ang hintuturo nito sa pisngi niya at papunta sa gilid ng mga labi niya. Sandaling nagtagal doon na para bang pinapakiramdaman nito ang reaksiyon niya. Nang dumausdos sa leeg niya ang daliri nito ay nanayo na ang mga balahibo niya at kumalat ang masarap na kilabot hanggang talampakan niya. At nang bumaba pa iyon hanggang sa ilalim ng collarbone niya, pakiramdam niya malalagutan na siya ng hininga.

"Dito rin," bulong ni Cenon patungkol sa kanyang puso na siguradong nararamdaman nito ang mabilis na tibok. Halos maglapat na ang kanilang mga labi pero hindi pa rin napuputol ang eye contact nila. "Matanda na ako kaya natural lang na marami akong bitbit na baggages na nakuha ko sa maraming taon ko dito sa mundo. Pero bata ka pa, Wilma. Yet your heart is also heavy with emotional burdens that someone as young as you should not carry alone. Hindi kita pipilitin sabihin sa akin lahat. Ayos lang sa akin malaman ang mga sikreto mo ng paunti-unti. Handa akong maghintay kung kailan ka lang handa at kung ano lang ang willing mo ibahagi sa akin. But remember that as much as you want to make my pain yours, I also want to carry all your burdens with me. Hindi ka mag-isa."

Uminit ang mga mata ni Wilma at napahinga ng malalim. Narealize niya na umpisa pa lang hindi na umepekto kay Cenon ang outer image na binuo niya para sa kanyang sarili mula nang makilala niya si ate Dindie at makumbinsi siya nitong pumasok sa hosting at modeling. Umpisa pa lang, ang tunay na siya na ang nakita nito. All this time, without her knowing, he had unwrapped her pretty and cheerful packaging and he saw her naked, broken real-self. Pero kahit na ganoon, mahal pa rin siya nito.

Umangat ang mga kamay ni Wilma sa magkabilang pisngi ni Cenon at tuluyang tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi. Mariin niya itong hinalikan. Umungol ang lalaki, bumalik sa batok niya ang isang kamay at gumanti ng mainit at mapusok na halik. Sa sandaling iyon nasiguro niya na iba ang halik na ito sa lahat ng pinagsaluhan na nila noon. Mas mapanghanap, mas magaspang at mas mapangakin ang bawat galaw ng kanilang mga labi. They suck and bit and lick as if they both want to absorb each other's souls. Ni hindi na nga niya namalayan na binago niya ang posisyon ng pagkakakandong kay Cenon. Nasa magkabilang side na ng mga hita nito ang kanyang mga binti at direkta nang magkalapat ang kanilang mga dibdib.

"Wilma," paungol na bulong ni Cenon sa pagitan ng mga halik. "We need to stop this."

Tumango siya pero hindi tumigil sa paghabol sa mga labi nito. Sinasabi ng natitirang lohikal na parte ng isip niya na dapat na silang tumigil. Pero ayaw sumunod ng puso at katawan niya na walang ibang gusto sa mga sandaling iyon kung hindi lalo pang mapadikit kay Cenon.

Biglang huminga ng malalim ang lalaki na para bang nahihirapan at biglang mariing hinawakan ang magkabilang side ng baywang niya. Saka lang niya narealize na gumagalaw pala ang balakang niya at na sobrang aroused na ito. She can feel him. Uminit ang mukha ni Wilma at bahagyang inilayo ang mukha kay Cenon hanggang magtama ang mga paningin nila. Pero imbes na kumalma ang puso niya lalo lang nagwala iyon. Kasi nakikita niya sa mga mata ni Cenon ang desire at passion na malamang nakikita rin nito sa kaniya.

"Hindi ito ang dahilan kaya tayo nandito, 'di ba?" paos na tanong nito.

Tumango si Wilma. "Masyado tayong mabilis."

"At ayaw mo ng mabilis, 'di ba?"

"Oo. Kaya hindi ko alam kung bakit... I just want to... I just want you, Cenon," amin niya at mahinang natawa kasi ni hindi na siya makabuo ng proper and simple sentence. Para siyang lasing kahit kape lang naman ang ininom nila.

"Sigurado ka?"

Natawa na naman si Wilma kahit sa totoo lang nanginginig ang buo niyang katawan sa sobrang pagnanais na halikan ito uli. "Palagi mo akong tinatanong kung sigurado ako. Cenon, I've never ben this sure all my life."

Ilang segundong nagkatitigan sila bago muling naghalikan. Pumaikot ang mga braso niya sa leeg nito nang humaplos pababa ang mga kamay nito hanggang sa ilalim ng mga hita niya. Napasinghap siya sa pagkagulat nang bigla itong tumayo. Naghiwalay ang mga labi nila kasabay nang pagpulupot ng mga binti niya sa balakang nito. Nagkatitigan na naman sila. "Let's go to bed?" bulong ni Cenon sa mga labi niya.

Napangiti si Wilma at pinaglapat ang kanilang mga noo. "Okay."

Gumanti ng tipid na ngiti ang lalaki bago walang kahirap-hirap na nakaakyat sa second floor at nakapasok sa master's bedroom nang hindi siya binibitawan. Ni hindi nga ito hinihingal nang sa wakas ilapag siya nito sa kama. Pumatong ito sa kaniya pero itinukod ang mga braso sa magkabilang side ng mukha niya para hindi siya madaganan ng husto. "I'm worried," bulong ni Cenon habang magaan na pinapaulanan ng halik ang buong mukha niya.

"Worried saan?" paungol na tanong niya nang bumaba sa leeg niya ang halik nito. Doble ang sensasyon na nararamdaman niya kasi nakikiliti siya sa balbas nito. Naging malikot na rin ang kamay ni Wilma, hinanap ang laylayan ng t-shirt na suot nito.

"You are so slim and small. I might hurt you," bulong ni Cenon sa tainga niya.

Ngumiti si Wilma. "You're just too big. Pero huwag ka mag-alala. I can handle you." Pagkatapos ipinasok niya sa loob ng t-shirt nito ang mga kamay. She just can't stop the urge to touch him skin to skin. Nahigit ni Cenon ang paghinga, sandaling umangat ang mukha para magkatitigan sila. Pilya niya itong nginitian. "Puwede bang mamaya na tayo uli mag-usap?"

Tumaas ang mga kilay ni Cenon pero napangiti na rin. Pagkatapos mariin na siya nitong hinalikan muli. Sandali pa naging abala na ang mga kamay nilang hubaran ang isa't isa. Wala na ring usapang nangyari kasi mga katawan na nila ang nag-usap. He was an amazing lover. Inuuna nito ang ikaliligaya niya bago ang sarili. Hindi nagmamadali, nilalasap ang bawat sandali. Sigurado at eksperto ang bawat haplos at halik at parang mas alam pa nga kung ano ang kailangan niya kaysa sa kaniya.

He was too big and it hurts a little when he entered her. Pero inalo siya nito at sinigurong wala na siyang nararamdamang sakit bago nagpatuloy. At kahit nang nanginginig na ang buong katawan nito, siniguro muna ni Cenon na narating niya ang climax bago nito hinayaan ang sariling mawalan ng kontrol. The look on his face when he shattered on top of her was glorious. Kahit gusto niya mapapikit ay pinilit ni Wilma dumilat para lang matitigan ang mukha nito. He was so beautiful. Nakatatak na sa isip at puso niya ang hitsura nito sa mga sandaling iyon. Hindi na niya makakalimutan kahit kailan.

GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon