Sa araw na masinsinan silang nag-usap, sinabi ni Sierra na malungkot na malungkot ito at parang palaging may nakadagan sa puso nito. Pero ni minsan daw hindi niya iyon napansin. Guilty si Cenon sa bagay na iyon at paulit-ulit uli humingi ng tawad. Umiling si Sierra, sinabing hindi ito galit sa kaniya. Na naiintindihan nito kung bakit nagpapakalunod siya sa sarili niyang nararamdaman. Pero doon daw nagsimula ang pagkawala ng amor nito sa kaniya. Sa sobrang lungkot nito humanap ito ng ibang makakausap.
"Nang panahong iyon, uso ang tinatawag naming yahoo messenger. Hindi ko alam kung inabot mo pa 'yon. Iyon ang gamit namin noong araw para makipag-usap gamit ang internet."
"You mean, chatting, right? Nakipag-chat siya?" paniniyak ni Wilma.
Tumango siya. "Sa mga kaibigan daw niya at mga kamag-anak. Isa roon, childhood friend daw niya na matagal na rin nag migrate sa Amerika dahil doon nakapagtrabaho. Sa mga buwan na hindi ako naging mabuting asawa at ama sa mga anak namin, ang kaibigan daw niyang iyon ang palagi niya kausap at nasasabihan ng lahat ng nararamdaman at naiisip niya. Hanggang hindi na lang sila sa messenger nag-uusap at regular na tumatawag sa kaniya kahit long distance call."
Nakita ni Cenon ang pag-unawa sa mga mata ni Wilma bago pa man niya masabi rito ang sumunod na inamin ni Sierra sa kaniya nang araw na iyon. Tumango siya at malungkot na ngumiti. "Na-in love siya sa kaibigan niyang 'yon kasi ang lalaking iyon ang naging emotional support niya. Nang mapagtanto raw niya na nahuhulog ang loob niya sa lalaking iyon, pinigilan naman daw niya ang sarili niya. Tumigil makipag-usap kasi alam daw ni Sierra na mali. Mas naging maasikaso daw siya sa akin – na hindi ko pa rin napansin – at pinilit patayin ang umuusbong niyang damdamin para sa ibang lalaki." Pagkatapos malungkot siyang ngumiti. "Pero walang kuwenta talaga ako 'non, Wilma. I was the worst version of myself that time that I never noticed anything. Kahit nang... makunan siya."
Napasinghap si Wilma at namutla. Nanikip ang dibdib ni Cenon at nanlamig dahil hanggang ngayon gusto niyang suntukin ang sarili kapag naaalala iyon. Nang sabihin ni Sierra sa kaniya ang tungkol doon, pakiramdam niya nagkadurog-durog ang puso niya at bumagsak sa sahig. Hindi na siya nahiya aminin kay Wilma na talagang umiyak siya nang mga sandaling iyon at lumuhod pa sa harapan ni Sierra habang paulit-ulit na humingi ng tawad.
Nang malaglag daw ang pinagbubuntis nito at mag-isa itong nagpunta sa ospital, hindi raw si Cenon ang una nito naisip tawagan kung hindi ang kababata nito. Saka raw napagtanto ni Sierra na talagang hindi na ito masaya sa relasyon nila. At na iba na ang tinitibok ng puso nito. Pero kahit ganoon, maraming beses daw siya nito binigyan ng pagkakataon. Nang magpaalam daw itong pupunta ng amerika kasama ang mga bata hanggang habang nag-aayos ito ng papeles, hinintay nitong pigilan niya ito. Pero hindi niya ginawa. At kahit daw noong nasa Amerika ang mga ito, araw-araw naghintay si Sierra na sumunod siya. Nang gawin naman niya iyon, huli na ang lahat.
"Sa huli, kinailangan ko irespeto ang gusto niya kasi alam ko na ako talaga ang ugat kaya nasira ang marriage namin," pagtatapos ni Cenon. "Bumalik ako ng Pilipinas na bigo. Pero naging wake up call din sa akin ang nangyari. Napagtanto ko na hindi ko dapat hayaan na matalo ako ng mga negatibong emosyon kasi hindi lang sarili ko ang nasasaktan ko kung hindi pati ang mga importanteng tao sa buhay ko. Isa pa, hindi ako nagkaroon ng oras para ipagluksa ang nasira kong marriage. Kasi sa taon ding iyon namatay ang aking ama. Ilang buwan pagkatapos ng libing niya, sumunod naman ang nanay ko. Ilang taon pa ang lumipas, naaprubahan ang annulment namin at nagpakasal si Sierra sa kababata niya. Hanggang ngayon, mag-asawa pa rin sila at may dalawa ng anak."
Mahabang sandali na natahimik lang sila pareho. Madalas nababasa ni Cenon ang naiisip at nararamdaman ni Wilma pero sa mga sandaling iyon ay wala siyang ideya. Tinitigan lang niya ito, hinintay kung ano ang sasabihin. Kaya nagulat siya nang bigla itong dumukwang at mariin siyang hinalikan sa mga labi. Nanlaki ang mga mata niya pero agad na tumugon. Automatic response niya iyon kay Wilma at kahit kailan hindi niya naisip pigilan lalo na nang maging magkasintahan sila.
Mayamaya pinutol nito ang halik at bahagyang inilayo ang mukha sa kaniya, sapat lang para magkatitigan sila. "You really are just like me, Cenon," bulong nito. Kumurap siya, sandaling nalito. Binitawan nito ang isang kamay niya kaya bumaba ang tingin niya hanggang makita ang magaan na pagtapik nito sa sariling hipbone. Para siyang sinipa sa sikmura nang maintindihan ang gusto nitong sabihin. We are all broken. That's how the light gets in. Iyon ang naka-tattoo sa balat ni Wilma. Iyon ang mantra nito sa buhay.
Bumalik ang tingin niya sa maganda nitong mukha at parang lumobo ang puso niya nang makita ang masuyo nitong ngiti. "Kaya naman pala attracted ako sa 'yo. Kaya naman pala nag sha-shine ka sa paningin ko kahit noong una pa lang tayo nagkakilala. Kaya naman pala na in love ako sa iyon ng husto." Marahang lumapat ang palad nito sa dibdib niya, sa bahagi kung saan mabilis na tumitibok ang puso niya. "Your heart might have been broken so many times for the past decades of your life, Cenon. But all those cracks made you more beautiful in my eyes. Lahat ng mga naging pagkakamali mo sa buhay – mga maling ginawa o maling desisyon – lahat iyon binago ka for the better, 'di ba? That's why you are the man you are today."
Humpadi ang mga mata ni Cenon at medyo napahiya siya sa sarili. Sa tingin kasi niya masyado na siyang matanda para mabagbag ng ganoon ang damdamin to the point na gusto niya maiyak. Sa halip tipid siyang ngumiti at hinaplos ang pisngi nito. "Tama nga yata ang nanay ko. Matagal mag mature ang mga lalaki kaysa sa inyong mga babae. Idagdag pang higit ka talagang mas mature kaysa sa edad mo. Natutunan mo ang isang bagay na halos forty years old na ako nang matutunan ko. Yes, we make mistakes through out our lives. It's human nature. Nasasaktan tayo at sa kasamaang palad nakakasakit din ng iba. But every mistake does not only leave scars but also give us lessons and a chance to grow."
Nagkatitigan sina Cenon at Wilma at pakiramdam niya sa mga sandaling iyon lalo silang naging malapit sa isa't isa. Higit pa kaysa noong gabing may nangyari sa kanila. Hindi tuloy siya nakatiis. Hinila niya ito at niyakap ng mahigpit. Gumanti ng yakap ang dalaga at pabuntong hiningang isinubsob ang mukha sa kanyang dibdib.
"Cenon, 'di ba sabi mo noong nalaman mo kung sino ang parents ko pakiramdam mo pinaglalaruan ka ng tadhana?" bulong ni Wilma.
Tumango siya at umayos ng pagkakaupo sa sofa para maging komportable ang posisyon nilang dalawa.
"Sa tingin ko, mali ka."
"Bakit?" mahinang tanong niya.
Hindi lumuluwag ang yakap sa kaniya na tumingala ito hanggang magkakitaan sila. "Isipin mo, never tayo nagkita noon kahit isang beses lang pero parehong malaki ang impact sa buhay natin si papa. Pareho natin siyang mahal at nirerespeto. Pareho din tayong... binago ng isang trahedya. We were connected even before we met each other, Cenon. Bago pa nga lang yata ako ipanganak, planado na ng tadhana ang kapalaran nating dalawa. And here we are now."
May init na humaplos sa dibdib niya habang nakatitig sa magandang mukha ni Wilma. Nakikita kasi niya na talagang buo ang paniwala nito sa sinabi. Napagtanto ni Cenon na isa ito sa mga minahal niya sa dalaga. Iyong kahit gaano katindi ang pinagdaanan nito mula pa noong bata, kahit gaano kinulang sa pagmamahal at kahit gaano karaming beses nagkaroon ng failed relationships, hindi nawala ang pagiging positibo nito. Hindi niya alam kung dahil ba twenty five pa lang kasi ito kaya idealistic at romantic pa rin ito. But he promised right there and then that he will do everything to protect this side of her.
"Hindi ka ba agree sa akin? Hindi ka na nagsalita," komento ng dalaga na nakatitig lang din sa mukha niya.
Ngumiti si Cenon at hinawakan ang baba nito. "Sangayon ako," magaan pero seryosong sagot niya. Pagkatapos yumuko siya at hinalikan itong muli sa mga labi.
BINABASA MO ANG
GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year)
عاطفيةKuntento sa tahimik na buhay si Cenon Sizperez. Tanggap na rin niyang mananatili siyang mag-isa hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Pero sa madaling araw ng bagong taon, nakilala niya si Wilma Sarza. From the moment he saw her, he knew she...