Part 19

6.3K 185 3
                                    


"MAGUGUSTUHAN KAYA niya kung papasalubungan ko siya ng chicharon o kaya lechon?" tanong ni Wilma habang nakatayo sa harapan ng isang pasalubong store. Kasalukuyan silang nakikisilong sa lilim ng tindahan na iyon habang inaayos ng segment producer ang location ng susunod nilang shoot.

Panglimang araw na nila sa Cebu para sa shooting ng travel show. Sa unang apat na araw nila doon nag focus ang crew ng travel show sa mga beach at iba pang tourist spot sa buong probinsiya na kaya isiksik sa schedule nila. Ngayong araw hanggang bukas, city tour at food trip naman ang focus ng shoot. Pagkatapos pack up na sila at puwede na umuwi sa isang araw. Nakakapagod at halos wala silang tulog lahat pero masaya at fulfilling pa rin. Lalo tuloy nari-realize ni Wilma na mahal niya talaga ang trabaho niya. Ito ang career na gusto talaga niya at poprotektahan niya sa abot ng kanyang makakaya.

"Gusto mo bang tumaas ang cholesterol at blood pressure niya?" sagot ni ate Dindie, alam agad kung sino ang tinutukoy niya.

Parang napasong binitawan ni Wilma ang hawak na pack ng chicharon, nanlalaki ang mga matang nilingon ang kanyang manager at marahas na umiling. "Ayoko siya magkasakit. Hindi pa nga kami nag se-celebrate ng anniversary."

Tumaas ang kilay ng manager niya. "Kailan ka ba nakapag celebrate ng anniversary? Isang buwan lang tumatagal ang mga jowa mo dati. Bilhan mo na lang ng tuba. Masarap daw ang cebu tuba. Paborito ng mga mahilig sa alak."

"Hindi mahilig sa alak si Cenon." Halatang nagulat si ate Dindie. Nagpaliwanag siya. "I mean, umiinom naman siya pero kapag lang daw may okasyon. Nagkakilala kami ng New Year's eve, remember? Isang boteng beer lang ininom niya 'non. Kahit kapag lumalabas kami sa gabi, mas madalas tubig lang ang iniinom niya kesa alak. Nag start daw siya magbawas ng alcohol intake noong mag fo-forty na siya. Hindi na raw kasi niya kaya itolerate ang hangover."

"Aba, health conscious ang lolo mo. Kaya pala hot pa rin kahit matanda na." Ngumisi si ate Dindie. Inirapan niya ito. "Dried mangoes na lang ibili mo sa kaniya para healthy," tumatawa nang sabi pa nito.

"Sinong pinag-uusapan niyo?"

Gulat na napalingon sila kay Bobby na hindi nila namalayang nakalapit na pala sa kanila. Kanina lang kasi busy ito sa pakikipag-usap sa cellphone. "Tapos mo na tawagan ang asawa mo? Ang iksi naman ng thirty minutes," pabirong tanong ni Wilma.

Tumawa ang co-host niya. "Puro tsismis lang naman kinukuwento niya sa akin..." Bigla itong huminto sa pagtawa at parang may kung anong naisip. Sumeryoso si Bobby at napatitig sa mukha niya. Nawala rin tuloy ang ngiti niya at medyo kinabahan. "Speaking of rumors... Wilma, may boyfriend ka ba ngayon?" maingat na tanong nito.

"Bakit bigla mo naman natanong?" kalmadong tanong din niya pero sa totoo lang unti-unti na siyang nanlalamig.

Kumislap ang concern sa mga mata ni Bobby. "Meron nga?"

Nagkatinginan sina Wilma at ate Dindie. Alam niya na pareho na silang naaalarma sa reaksiyon ng co-host niya. Kabadong ibinalik niya ang tingin sa lalaki. "Yes, I am dating someone," amin niya. Kasi napagdesisyunan man nila ni Cenon na magkaroon ng private relationship pero kahit kailan hindi niya ito ide-deny.

"Someone older? As in very old?" tanong na naman ni Bobby.

"What's going on?" kalmadong tanong niya pero sa totoo lang kumakabog na talaga ng dibdib niya sa kaba.

"Well, una sa lahat gusto kong malaman mo na hindi kita huhusgahan, Wilma. Ilang buwan na rin tayo magkatrabaho at alam ko na matalino, mabait at sensible kang tao. And I like you. I really do. I will always be on your side. At kung mali ako I apologize in advance, okay?"

GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon