Part 42

5.7K 196 6
                                    


TWO DAYS later nakatanggap ng tawag si Wilma galing kay Cenon. Inaaya siya mag dinner kinagabihan kasama raw si Asher kung okay lang daw sa kaniya.

"Siyempre, okay lang sa akin," mabilis na sagot niya. Mahinang natawa ang lalaki, mukhang natuwa sa reaksiyon niya. Pero bigla rin niya naalala ang mga kumakalat na video sa internet at ang napagdesisyunan nila ni ate Dindie kahapon. Nalaglag ang mga balikat niya. "Pero, okay lang ba talaga? Naisip ko kasi na mas mabuti yatang hindi muna tayo magkita palagi. Para mawala ang interes ng mga tsismosa sa relasyon natin. Baka kapag nakita tayo in public at may maisulat na namang kung anu-ano online tungkol sa atin, imbes na magustuhan ako ni Asher lalo lang niya ako hindi tatanggapin bilang girlfriend mo."

"Huwag ka na mag-alala," malumanay at masuyong sagot ni Cenon sa kabilang linya. "Huwag mo na isipin ang mga gumagawa ng mga artikulo at videos tungkol sa atin. I took care of them already."

Natigilan si Wilma at napanganga. "Talaga? Paano? Anong ginawa mo?"

"Sasabihin ko sa 'yo mamaya kapag nagkita na tayo. Tawagan mo ako kapag ready ka na mamaya. Susunduin ka namin."

Pumayag si Wilma at tinapos ang tawag kahit curious pa rin siya. How did he take care of the people spreading rumors about them? Pero ang curiousity niya natabunan ng excitement na makita uli si Cenon. Ilang araw pa lang sila hindi nagkikita pero miss na miss na niya ito.

Bago mag alas singko ng hapon, bumaba na siya sa lobby ng apartment building niya. Saktong paghinto ng itim na hummer ni Cenon sa labas ng entranda. Sumikdo ang puso niya at bumilis ang mga hakbang lalo na nang bumukas ang pinto sa side ng driver's seat at bumaba mula roon ang lalaki.

Nahigit ni Wilma ang hininga at parang may mga paru-parong nagliparan sa sikmura niya. Tama nga si Rey. Her boyfriend looks different. Bagong gupit at kulay ang buhok kaya hindi na niya makita ang gray strands na nakasanayan at minahal na rin niya. Clean shaven na rin ito kaya nagmukhang mas bata. Iba rin ang porma nito ngayon. Navy blue slacks at puting long sleeved polo na humahakab sa maganda nitong pangangatawan.

Nagtama ang mga paningin nila ni Cenon kasabay nang pagsilay ng malawak na ngiti sa mga labi nito. Parang nilamutak ang puso niya at uminit ang mga mata niya. Hindi na tuloy napigilan ni Wilma na tumakbo at palundag na yumakap sa lalaki. Natawa ito pero pumaikot din naman ang mga braso sa katawan niya at lalo pa siya idinikit sa katawan nito. "Na-miss kita," bulong nito sa tainga niya.

Tiningala niya ito at matamis na ngumiti. "I missed you too."

Nagkatitigan sila at sa totoo lang nawala ang pakielam ni Wilma kung nasaan sila o kung may nakakakita man sa kanila. Gusto niyang tumingkayad at halikan ang mga labi nito. Kaso bago pa niya magawa ay bigla na bumukas ang isang pinto sa backseat ng Hummer at may narinig silang malakas at inis na tikhim. Natigilan sila ni Cenon at sabay na napalingon.

Bumaba na rin sa sasakyan si Asher, nakasimangot at nakapamaywang habang nakatingin sa kanila. "I'm starving, dad. How long are we going to stay here?"

Lumuwag ang yakap nila sa isa't isa hanggang tuluyang kumalas kasi humarap na si Cenon sa anak. "Malapit na tayo kumain. Pero bago ang lahat..." Napakurap si Wilma nang hawakan nito ang isang kamay niya at pinaglingkis ang mga daliri nila. Pagkatapos maingat siya nitong hinila palapit kay Asher. "Gusto ko munang pormal siyang ipakilala sa 'yo. Nagkita na kayo noong isang araw 'di ba? She was the person I was talking about yesterday. Siya si Wilma Sarza, my girlfriend. Wilma, gusto kong ipakilala uli ang panganay ko. Siya si Asher."

Tiningnan siya ni Asher. Ngumiti siya at inilahad ang kamay. "Hello ulit."

Hindi nagbago ang facial expression ng anak ni Cenon. Mas lalong hindi nito pinansin ang pakikipag-shake hands niya, tumalikod at bumalik sa loob ng hummer.

GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon