Part 15

6.7K 230 26
                                    


HALATANG nagulat si Cenon. "Alam mo?"

"Nabanggit mo noong New Year habang nasa dance club tayo. Hindi lang ikaw ang naalala kahit maliliit na detalye mula nang magkakilala tayo, Cenon. Tinanong kita noon kung married ka 'di ba? Ang sabi mo, hindi na," paliwanag ni Wilma.

Ilang beses na ba niya paulit-ulit pinaalala sa sarili ang tungkol doon sa tuwing naiisip niya ito? Na sigurado kahit hindi halata ay marami itong baggages na masyadong mabigat para sa kaniya? Ilang beses din ba niya kinumbinsi ang sarili na wala siyang time pumasok sa isang komplikadong sitwasyon kaya dapat iwasan na lang niya si Cenon? Na maraming lalaking mas malapit sa edad niya ang puwede niyang magustuhan. Nakatulong ba ang pep talk niya sa sarili para mabawasan ang feelings niya para sa lalaki? Hindi.

"Alam mo pero ayaw mo pa rin ako iwasan?" mahinang tanong ni Cenon.

Nginitian niya ito. "Akala mo ba hindi ko kinumbinsi ang sarili ko na lumayo sa 'yo? Kaso hindi ko talaga kaya. I just like you so much, Cenon."

"But I'm too old for you."

Tumaas ang kilay ni Wilma. "Ilang beses mo na ginamit ang argument na 'yan pero hindi naging effective 'di ba?"

Huminga ito ng malalim, halata sa mukha na gusto pa rin siya i-discourage. Pero humigpit naman ang hawak ng kamay nito sa batok niya, parang gusto siya hilahin palapit pero nagtitimpi pa rin. "Dahil nag-asawa ako dati, alam ko na kahit gaano katamis at kasaya ang isang relasyon, malaki pa rin ang posibilidad na masira iyon sa huli. Na kahit gaano mo iyon ipaglaban, kapag ayaw na ng kapareha mo, wala ka nang magagawa. Ayoko na uli maranasan maiwan at mabigo, Wilma. I already experienced enough pain to last me a lifetime."

Napatitig siya sa mga mata nito. "Mahal mo pa rin ba ang dati mong asawa, Cenon? Kaya hindi mo na kaya makipagrelasyon uli? Kaya ayaw mo na sumubok maging masaya uli sa piling ng iba?" mahinang tanong niya.

Mukhang nagulat na naman ito sa mga tanong niya at umiling. "Hindi ko na siya mahal, Wilma. Fifteen years na ang lumipas mula nang maghiwalay kami at twelve years na mula nang ma-annul ang kasal namin. May sarili na siyang buhay at ganoon din ako. Hindi rin ako santo at aaminin ko na sa nakaraang isang dekada may mga babae ring dumaan sa buhay ko."

"Minahal mo rin sila?"

Umiling na naman si Cenon. Kumabog ang dibdib niya nang maramdaman niya ang marahang paghaplos ng hinlalaki nito sa gilid ng leeg niya. Pero parang hindi ito aware sa ginagawa nang sumagot, "Hindi. I liked them but I didn't love them. At alam ko na ganoon din sila sa akin. Lahat sila mga malalapit ang edad sa akin. Mga babaeng hindi na gusto pumasok sa seryosong relasyon pero hinahanap-hanap minsan ang companionship ng isang lalaki. Lahat sila, nakilala at nakasama ko para lang sa... convenience."

Kumurap si Wilma. "You mean sex lang ang habol ninyo sa isa't isa?"

Napangiwi si Cenon at bahagya pang napaatras, parang naeskandalo sa sagot niya. "Bakit ba ang dali na sa edad ninyo ang sabihin 'yan ng malakas?"

Tumaas ang kilay niya pero napangiti kasi may naisip siyang kapilyahan. "Bakit paano ba humanap ng fubu ang mga nasa edad mo, Cenon?"

Kumunot ang noo nito. "Fubu? Ano 'yon?"

Sinenyasan niya itong ilapit ang mukha sa kaniya. Naningkit ang mga mata ni Cenon, nagdududa na. "Ibubulong ko sa 'yo kasi ayaw mo kapag malakas 'di ba?" katwiran niya.

Hindi nagbago ang ekspresyon nito pero dahan-dahan naman yumuko. Inilapit niya ang bibig sa tainga nito at nakangising ibinulong ang ibig sabihin ng salitang ginamit niya. Marahas nitong nahigit ang hininga, nabitawan ang batok niya at nanlalaki ang mga matang humakbang paatras sa kaniya. "Wilma!"

GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon