Simula

134K 3.1K 645
                                    

AGAIN, THIS STORY IS NOT EDITED YET. So expect to encounter TYPO GRAPHICAL ERRORS, GRAMMATICAL ERRORS, and other errors. This is one of the stories that I first write here on Wattpad. Kung ayaw niyo po ng maraming ERRORS, huwag na lang pong magbasa. :-)

Simula

Dali dali kong pinatay ang kalan nang makita na luto na ang bacon. Maingat ko iyong nilagay sa isang malinis na plato at inihain sa hapag. Inayos ko na rin ang iba pang pagkain para sa agahan na ito. Mabilis akong kumilos dahil alam kong pababa na si Reighdan.

Nang makita kong maayos na ang lahat ay napangiti ako. I stood in front of the mirror and scanned my self. Pinunasan ko ang iilang pawis na nasa noo dahil sa aking ginawang pagluluto. Inayos ko rin ang suot kong dress na bahagyang nagusot, at sinuklay ko rin ang buhok ko gamit ang daliri para ayusin.

Humarap muli ako sa salamin at hindi naman ako mukhang maputla dahil mapula ang labi ko. Sinubukan ko pa iyong kagatin at napangiti ako nang mas lalo iyong pumula.

I had a natural thick eyebrow and pinky cheeks kaya di na ako nag abala na maglagay ng make up. Maayos naman akong tignan. Isa pa nasa bahay lang rin naman ako kaya bakit pa mag-aabala na maglagay noon?

Nang masigurado ang aking itsura ay tumayo na ako ng maayos sa harap ng pagkain. Ilang minuto lang ay narinig ko na ang mga yapak ni Reighdan pababa ng hagdan.

Habang palakas ng palakas ang hakbang niya ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

When he step inside the kitchen he suddenly stop walking when his eyes darted on me. Kita ko ang gulat sa mga mata niya pero napalitan din iyon kalaunan ng pagtataka. His brown eyes is all on me like he can't believe that I was standing in front of him now.

He's wearing black slacks and a black coat with a white button-down shirt beneath it. The two buttons are open which shows his chest a bit. His hair is messy which makes him look so good. His brows were slightly not visible because of his long hair.

My heart pounded. He looks devilishly handsome today. Pero sa tingin ko naman walang araw na hindi siya guwapo sa paningin ko.

Ilang beses ko na bang nasabi sa isip ko na napakaswerte ko at naging asawa ang lalaking nasa harap ko ngayon. Gusto kong ngumiti sa alaala na iyon pero sa tuwing sasagi sa isip ko iyong sinabi niya noong nakaraan agad agad nagbabadya ang mga luha ko.

Tumingin ulit ako sa kanya. I tried to smile at him but his blank expression and hawk like eyes stop me. Sinubukan ko pa ring ngumiti kahit hindi na hindi aabot sa mata ko dahil baka ito na ang huling pagkakataon na ngingitian ko siya at makikita ko siyang bumaba sa umaga, at makasama sa pagkain.

"Breakfast is ready, halika na. Kumain na tayo." anyaya ko sa kanya. I can't read what his thinking on looking at his dark eyes. His lips twitched before following what I said. Saglit na dumaan ang pagtataka sa mga mata niya.

Siguradong nagtataka siya kung bakit narito ako at hinintay siya. Isang linggong na nagluluto ako ng breakfast at pagkatapos ay aalis kapag nariyan na siya. Na para bang may malala siyang sakit at iniiwasan ko.

Pero ngayon ay nandito ako sa harap niya at sasamahan siyang kumain. Ngayon ko lang kasi nakayanan na harapin siya pagkatapos ng mga sinabi niya sa akin noong nakaraan.

Hanggang ngayon masakit pa rin sa tuwing alalahanin ang bawat diin sa mga salitang binitawan niya.

Sa mga araw na iniiwasan ko siya ay ang mga araw na umiiyak ako. Sumasagi sa isip ko ang mukha niya. Hindi ko naman kayang bumaba kaya nagkukulong ako sa kwarto at doon ilalabas ang lahat ng mga luha ko.

The Wife's Misery (Misery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon