Kabanata 36

78K 1.9K 234
                                    

Kabanata 36:

"How's the call Ma'am Noreen?" si Rachel na humarap sa akin pagkatapos iserve ang order ng isang costumer at ako naman habang nag-aayos ng order ng mga nakapilang costumer.

"Pumayag po ba kayo Miss Noreen?" si Wendell at tumango naman ako.

"Sa tingin ko kasi magandang pagkakataon na rin iyon para mas makilala 'yong coffee shop natin pati  mga gawa nating sariling recipe. Gusto ko rin naman mas maraming tao na makatikim noong gawa natin." paliwanag ko sa kanilang dalawa at sabay naman silang napatango.

"Oo nga Miss Noreen, saka sa tingin ko po sa dami ng costumer natin kahit may second floor na tayo parang hindi pa rin sapat iyong lugar sa dami nila." si Rachel.

"Sa tingin ko nga po, pwede na kayong magtayo ng branch sa Canada. Marami din pong mga turista roon na magugustuhan ang kape at panghimagas natin." si Wendell at may mga punto naman sila.

"Actually binabalak ko na nga yan, pero kung ilalagay ko naman kayong dalawa ni Rachel doon sa branch sa Canada para mamahala roon baka dito naman ako mawalan ng pagkakatiwalaan." sabi ko at bahagya silang nagulat sa sinabi ko.

"P-Po? Kaming dalawa ni Wendell?" gulantang na saad ni Rachel at tumango ako.

"You're not just my employee Wendell and Rachel. I can see that you two have potential on handling a business. Hindi ba at nag-aaral kayo ng kurso na ganito?" tanong ko sa kanila.

"Pero isang taon pa po bago kami makagraduate Miss." si Rachel.

"Kaya nga napagisipan ko na maghanap muna ng mga dagdag na empleyado dito dahil napapansin ko na kulang na tayo dahil aligaga na kayo sa pagkilos kapag maraming costumer. At lalo na sa event na gaganapin. Siguradong maraming guest ang dadalo sa selebrasyon ng malaking kompanya na iyon. Pagkatapos non, baka planuhin ko na rin ang pagpapatayo ng branch sa Canada at makahanap ng mag-mamanage na kakilala dahil sabi niyo nga hindi pa kayo nakakagraduate. Siguro mamalagi na rin kaya roon para makapagtrain para balang araw sanay na rin kayo sa pamamahala ng negosyo." saad ko at medyo nagulat na pagkatapos kong magsalita ay naluluha ang dalawa.

"Naku, Miss Noreen napakabait niyo naman po!" si Wendell.

"Hindi talaga ako naniniwala sa tsismis na masama ang ugali niyo. Sa TV pa lang kita ko na, na mabait kayo at lalo na ngayon na nakilala namin kayo!" si Rachel at napangiti naman ako sa kanilang dalawa.

"You're all a blessing to me too, kung hindi dahil sa inyo hindi naman lalago ng ganito ang kompanya."

"Naku Miss Noreen, mas malaki ang naiambag niyo sa amin. Kung hindi dahil sa inyo baka hanggang ngayon Nanny pa rin kami at hindi nakakapag-aral." si Rachel.

"Baka nga nawalan na kami ng pag-asa na makaahon Miss Noreen." sabi naman ni Wendell at bahagya akong ngumiti sa kanilang dalawa. I think moving here have a purpose. Mukhang nakatadhana talaga na mapunta ako rito at matulungan ang mga tao na 'to. Reikhan really brought my life in to a better purpose.

Patuloy lang ako sa pagtayo sa counter para magpunch ng mga order ng mga costumer ng maghapon namg matigil ako ng biglang tumunog ang phone ko. Tinawag ko si Jena isa sa mga crew para pumalit sa pwesto ko at mabilis naman siyang sumang-ayon at pumunta ako sa office para sagutin ang tawag.

"Hello?"

"Hello, is this Mrs. Noreen Mendiola, mother of Reikhan Lander Mendiola?" medyo kumunot ang noo ko dahil sa hindi pamilyar na boses sa kabilang linya. Sa kakamadali ko kasi ay hindi ko na natignan ang caller.

"Yes, Ma'am I'm Noreen Mendiola."

"Hi Miss. Mendiola this is Mrs. Stephenson. The teacher of Reikhan." bigla naman akong kinabahan sa pagbanggit sa pangalan ni Reikhan.

The Wife's Misery (Misery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon