Kabanata 38

79K 1.8K 433
                                    

Kabanata 38:

Marahan kong binuksan ang pinto sa kwarto ni Reikhan. Narito ako dahil oras na ng gising niya para sa eskwela at nakita ko na mahimbing pa ang tulog niya. Bahagya akong napangiti at agad na tinabihan siya sa kama at hinaplos ang buhok niya.

Marahan ko na sana siyang gigisingin ng mapahinto ako ng dumapo ang tingin ko sa litrato na naka frame sa side table. Iyong mag-isang picture ni Reighdan noong nagchampion sila sa basketball na malaki ang ngiti. At sa gilid nakadikit doon ang picture ni Reikhan noong nakaraang taon na birthday niya at malaki din ang ngiti.

Sa picture na iyon ni Reikhan makikita talaga ang resemblance nilang dalawa ni Reighdan. Na kung titignan ko ngayon ang larawan hindi mapagkakaila na mag-ama nga silamg dalawa.

Biglang naginit ang puso ko ng makita ang litrato at nagtungo ako doon para haplusin iyon, kasabay ng pagkaramdam ng kirot sa puso ko. Biglang nahirapan akong lumunok dahil sa pagbabara nang kung ano sa lalamunan ko.

This picture is better if they were really together. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan lahat ng sakit. Na kahit apat na taon na parang hindi ko kayang mapalapit man lang sa kanya.

Matagal ng wala kaming koneksyon at kahit nikatiting na balita tungkol sa kanya ay natatakot ako na marinig dahil baka makasakit lang iyon sa akin at lalo na kay Reikhan. Akala ko magiging maayos ang lahat sa parte namin dahil nabibigay ko naman ang gusto ng anak ko, but I think that will never be enough without his Father.

Sa haba ng pagiisip ko, mukhang kusa ng nagising si Reikhan at halik niya sa pisngi ang nakapagbalik sa aking wisyo.

"Good Morning Mama!" masigla niyang bati sa akin at bahagya naman akong napangiti sa enerhiya niya at nawala ang iniisip ko.

"Good Morning baby!" bati ko din at hinalikan siya sa noo.

"You already see my photo with Dad! We really look the same here!" aniya at parang may humaplos na naman sa puso ko sa sinasabi niya.

"Of course! You two look good together." puna ko at mas lalong lumaki ang ngiti niya.

"But that's the best when we three are together in this. Don't worry Ma, I'll put your picture here later." aniya at bigla akong natahimik. Mukhang napansin ni Reikhan ang pananahimik ko at nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"Tara na Mama, mag-aayos pa ako sa school." sabi niya at mabilis na bumaba sa kama at hinila ako palabas. Nagpatianod na lang ako dahil hindi ko makalimutan ang sinabi niya.

Lunes, at ng mga sumunod na araw ay naging abala ako para sa Coffee Shop para sa pagtra-try pa ng ibang mga recipe na pwede naming idagdag sa menu na ipre-present namin para sa celebration event.

Marami na kaming iba't-ibang beverages, desserts at sweets sa menu pero hindi ko maiwasang mag-isip pa ng makabago dahil malaki ngang konpanya iyon at maraming dadalo na malalaking tao. Kung magiging matagumpay iyon, alam kong magiging malaking opportunidad iyon para mas makilala pa ang Coffee Shop.

May mga nakuha na akong mga bagong empleyado na responsable at mapagkakatiwalaan kagaya ng mga kasalukuyan kong kasama ngayon. Maging sila ay abala para sa paghahanda lalo na at sa darating na iyong niyernes sa linggong ito. Gusto ko mang mas magkaroon ng maraming oras para kay Reikhan ay hindi ko magawa dahil abala talaga ako sa preperasyon para rito.

Ipapangako ko talaga na babawi ako kay Reikhan pagkatapos ng lahat ng ito. Pagbibigay na rin ito ng anahon para sa akin para ihanda ang sarili sa paglalahad kay Reikhan. Ngayon kasi hindi ko pa talaga kayang magsalita ni balikan ang pangyayari hindi ko magawa. Imahe pa nga lang niya na sumasagi sa isip ko ay nahihirapan na akong huminga sa pagsisikip ng dibdib.

The Wife's Misery (Misery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon