Kabanata 44

87.9K 2.2K 303
                                    

Kabanata 44:

"Why would I adopt an another daughter if we couldn't find another gorgeous daugther like you? You're our one and only Noreen, no one can replace you on us." aniya at napangiti naman ako dahil doon.

"Really Dad? Even if you'll meet a baby boy now?" tanong ko at kumalabog ang puso ko nang makita ang pagkunot ng noo nilang dalawa.

"What do you mean Noreen?" Dad seriously ask at napakagat ako sa labi ko at tumingin sa kanilang dalawa at huminga ng malalim.

"Oh my god!" reaksyon ni Mom. Umawang ang labi at paulit ulit iyong sinabi. Wala pa nga akong sinasabi ay naghehestirya na siya.

"You have a grandson now, Mom Dad." ani ko at si Mom naman ay napatili at si Dad naman ay napaawang ang labi at kalaunan ay napahalakhak.

"Where is he?" sabik na tanong ni Mom sa akin. Halos hindi na mapakali sa kinatatayuan niya at gustong yugyogin ang balikat ko para sumagot ako agad.

"Where's my grandson?" sabik din na ani Dad na bakas ang pagkislap sa mga mata at hindi na dahil sa luha ngayon kundi sa kasiyahan.

Tumingin ako sa pinto at mukhang narinig na ni Isaac ang reaksyon ng mga magulang ko kaya kusa itong bumukas at niluwa si Isaac karga karga si Reikhan at parang may humaplos sa puso ko ng makita si Reikhan na nakagat labi at parang nahihiya nang buhatin siya ni Mom at paghahalikan sa pisngi.

"Oh my god, Alfonso my apo is so handsome!" reaksyon ni Mom at napangiti naman si Reikhan.

"C'mon here wag mo naman akong pagkaitan sa apo ko." ani Dad at mahina kaming natawa sa sinabi niya.

Lumapit naman si Mom kay Dad at parang may humaplos na naman ulit sa puso ko ng makita na tumingala si Reikhan at ngumuso. Tumingin sa akin na para bang nagdadalawang isip siya. Lumapit naman ako.

"Go on Reikhan he's your Grandpa." ani ko at nang ilahad ni Dad ang bisig niya sa kanya ay humawak naman siya sa leeg ni Dad at agad na lumaki ang ngisi ni Dad sa labi na para bang wala siyang iniindang kahit anong sakit.

"Oh, ang gwapo naman ng apo ko. Manang mana sa Lolo!" maligayang ani ni Dad at humalakhak. Hinalikan din si Reikhan sa pisngi at ngumiti naman si Reikhan.

"Why are quiet little man? Wag kang mahiya sa akin, ako ang pinagmahanan ng mukha mo." ani Dad at ngumuso naman si Reikhan.

"I don't know what to say." mahina niyang sinabi na para bang nahihiya siya at napahakhak naman si Dad.

"Naku, wag ka nang mahiyang magsalita. Lahat ng kuwento mo papakinggan ni Lolo kahit babae pa."

"Dad! Alfonso!" sabay naming saway ni Mom at humalakhak naman ang dalawang lalaki, si Dad at si Isaac.

"I'm just kidding. Alam ko namang mabait 'tong apo ko. Di ba apo?" pero hindi sumagot si Reikhan at nagulat na lang kami ng may pumatak na luha sa mga mata niya.

"Naku Tito pinaiyak niyo." si Isaac na kunwaring nag-aalala pero tumawa din. Nawala naman ang ngiti ni Dad at biglang nag-alala.

"Naku Noreen nabigla ba siya?" saad ni Dad na mukhang nakonsensya at agad naman akong lumapit sa kanila.

"Hindi Dad, he's just too happy because he now finally see you and Mom." ani ko at agad naman na bumalik ang ngiti ni Dad.

"Is that true, big boy?" Reikhan nod his head and I softly remove some strands of hair in his face.

"You're more than handsome in person than in pictures Lolo." ani  Reikhan at humalakhak naman si Dad.

"Good little man." aniya at parang nakalimutan niya na talaga ang sakit niya dahil sa buong oras si Reikhan lang ang tinutukan niya at hindi siya nagsasawa.

The Wife's Misery (Misery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon