Kabanata 17

52.8K 1.3K 342
                                    

Kabanata 17:

Napaunat ako ng kamay pagkatapos ng huling click ng camera para sa huling photoshoot ngayong araw.

"Nice photo! Thankyou Noreen!" saad sa akin ng photographer at nag thank you rin ako pabalik at nginitian siya. Nakipagbeso muna ako bago pumunta sa dressing room. Inabot sa akin ni Ralph ang bote ng tubig at ininom ko naman yun at mabilis ko yung naubos. Napahawak ako sa braso ko na nangalay kanina dahil sa iba't ibang posisyon.

Kilala ang brand na kinuha akong endorser at ngayon nga ginanap ang photoshoot para roon. Medyo madaming photos ang kailangan kaya medyo nangalay ako kakapalit ng damit at iba ibang post. Humikab ako habang naglalakad kaming dalawa ni Ralph patungo sa dressing room. Pasado ala una na rin ng madaling araw at ito ang pinakalate kong photoshoot so far.

"Pinahanda ko na si Mang Robbie kung uuwi ka agad." ani ni Ralph at bumaling naman ako sa kanya habang nagkukusot ng mata dahil sa kakatapos na paghikab.

"Thanks, uuwi talaga ako agad. May isa pa tayong photoshoot bukas di ba?" ani ko at tumango si Ralph.

"Medyo maaga ka nga bukas. Kung gusto mo pa reschedule natin ang time ng medyo late. Para makabawi ka ng lakas sa tulog?" ani Ralph pero mabilis akong umiling sa sinabi niya. Kahit na maganda iyon sa pandinig ko.

"Hindi na, kaya ko naman. Nong mga nakaraang trabaho ko halos dalawang oras lang ang tulog ko at magtratrabaho na ulit. Nakakahiya naman sa mga producer kung paparesched natin." sabi ko at huminto kami sa tapat ng pinto ng dressing room.

"Noreen, we will not risk your health. Ikaw ang asset ng agency at ayaw ka naman namin na magkasakit at hindi makadalo sa mga social gathering. Lalo na at next week na ang Grand Ball." ani Ralph habang binbuksan ang pinto. Hindi agad ako nakasagot sa kanya dahil nawala sa isip ko ang pagdiriwang na iyon. Sa mga nagdaang araw, ngayon ko lang ulit iyon naaalala.

"Don't worry hindi ko papalagpasin 'yon. That was my next public appearance after my press conference, right? So that would be important." ani ko at umupo sa sofa at napapikit dahil sa sa sarap at lambot ng sandalan.

"Yeah, and that will be Yassi's comeback after the New York's Fashion Show. I heard ngayong week siya uuwi." mabilis akong napadilat sa sinabi ni Ralph.

"Ngayong week na siya uuwi?" hindi ko natago ang gulat sa boses ko. Bakit ang bilis naman, parang kahapon lang noong kinasal kami ni Reighdan, at sa katotohan na babalik siya posibleng bumalik na naman si Reighdan sa dati. Dahil sa ideyang iyon mas nanlumo ako kaysa sa pagod.

"Yeah, hindi naman siya nakuha as New York's model kaya 6 months lang siya don no! Mabuti nga sa kanya! Kahit maliit man lang na agencies wala sa kanyang kumuha. She doesn't deserve to be there first of all." ani Ralph at siguradong papagalitan niya ako kung malaman niya ang iniisip ko ngayon ay sana nanalo na lang si Yassi para naman permanente na siyang nandoon at hindi na kami magulo pa ni Reighdan.

May sinabi pa si Ralph tungkol kay Yassi na hindi ko na masyado pang napakinggan dahil lutang ako sa ideya na uuwi na siya. Sigurado akong alam narin ni Reighdan ang balitang ito, siya pa ba. I know he never mentioned her name in front of me, but I know he's been stalking Yassi since she left. Ang sakit pala sa pakiramdam sa katotohahan na hindi ko siya kayang palitan sa buhay niya.

I tried this marriage so I can tie Reighdan with me, and at least he can forget her but I'm wrong. Pagkatapos mabura ang make up ko at makapagpalit ng damit ay nagpaalam ako kay Ralph na uuwi na. Sinabihan niya ako na maghintay saglit sa kanya dahil may kakausapin lang siya, pero hindi ko na siya mahihintay.

Pakiramdam ko kasi kahit anong oras ngayon, mawawala sakin si Reighdan. Kaya kahit hindi nagpapaalam ay naglakad na ako pababa sa building. Habang naglalakad ay maraming bumabati sa akin na tanging ngiti lang ang sinukli ko hindi dahil sa pagod kundi sa masamang balita na natanggap ko.

The Wife's Misery (Misery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon