Kabanata 9

54.3K 1.4K 221
                                    

Kabanata 9:

Tulala lang ako habang nasa byahe kami ni Mang Isko, ang trabahante nila Reighdan. Pagkaalis namin sa maraming tao na kinukuhan ako ng litrato at video na pilit na tinatanong kung ako ba si Noreen Mendiola. I can't deal with them now that mind is clouded and my heart is aching.

Sinubukan kong pigilan ang mga hikbi ko dahil ayoko na magkaroon pa ng issue at iba ang iparating sa kanila ng ibigsabihin non. Ayokong masangkot sa malaking usapan lalo na at hindi kami ayos ni Reighdan.

Pero kailangan nga ba kami naging ayos?

Kahit mahirap pigilan ang emosyon ko dun sa pier na pinagbabaan namin ay sinubukan ko. Kahit na sobrang sakit nang naramdaman ko sa katotohanan na iniwan ako ni Reighdan doon mag-isa. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon. Sa emosyon na nararamdaman ko, sa sugat ko na kumikirot dahil sa paggalaw ko ng braso at sa mga taong nakikiusyuso.

Mabuti na lang at may dalang sasakyan si Mang Isko at iniwan niya sa isang kaibigan ang yate para bantayan kaya nagrepresenta siya na ihatid na ako sa bahay namin.

Bakas na bakas sa kanyang mukha ang kagustuhan na magtanong tungkol sa pangiiwan ni Reighdan at kung bakit niya 'yon nagawa. Pero dahil sa itsura ko alam kong pinigilan ni Mang Isko na magtanong. Lalo na doon sa sugat ko na ginamot niya habang kunot ang noo at pawang nagtataka kung saan ko nakuha iyon.

Mabuti na lang pala at hindi na siya nagtanong pa dahil baka hindi ko rin masagot at tanging mga luha at hikbi ko lang ang maging kasagutan sa kanya. Wala akong tulog sa byahe namin sa yate at hindi ko rin magawa sa loob ng sasakyan dahil mas ramdam ko ang sakit ng nangyari. I thought the last day of our vacation will be okay but what happened is worst than I expected. Hindi ba talaga ako pagbibigyan ng tadhana na sumaya. Kahit saglit lang.

Alas otso na ng umaga kami nakarating ni Mang Isko sa bahay namin ni Reighdan. Hindi ko na yatang kayang bumababa dahil parang lahat ng lakas ko nahigop na.

Inalalayan na lang ako ni Mang Isko sa pagpasok at napansin na wala sa garahe ang sasakyan ni Reighdan. Pagkatapos mababa ni Mang Isko ang maleta ko ay nagpasalamat ako sa kanya. Bibigyan na sana siya ng pera pero tumanggi siya dahil sapat naman na daw ang sahod niya bilang trabahante nila Reighdan at hindi ko na siya pinilit dahil wala na rin naman akong lakas para gawin iyon.

Pumunta ako sa kwarto na nakalaan kay Reighdan sa bahay namin dahil may isang ideya na pumasok sa isip ko, at mukhang tama ang ideya kong iyon. Nandun na ang gamit ni Reighdan sa kwarto niya at nakalagay na din sa basket ang sinuot niya kanina. Mukhang pumasok na siya sa trabaho niya.

Kaysa piliin na magpahinga dahil sa apat na oras na biyahe mas pinili niya pang umalis at magtrabaho para lang di ako makita. Manhid na yata ako dahil wala na akong nararamdaman sa isipang iyon. Huminga na lang ako ng malalim at uminom ng tubig. Pagkatapos ay nagtungo ako sa kwarto ko para matulog dahil kapag hindi ko ginawa baka tuluyan na talagang maunang sumuko ang katawan ko kaysa sa puso ko.

Mukhang naging mabuti naman ang pagtulog para ibsan lahat ng sakit na nararamdaman ko at ang pagod ko sa biyahe. Mababa na ang araw ng magising ako at nang tumingin ako sa orasan ay pasado alas kwatro na ng hapon. Humihikab pa ako ng bumaba para maghanda ng pagkain para sa sarili dahil nakaramdam na rin ako ng gutom.

Pagkatapos kumain ay nagtungo uli ako sa kwarto para maligo. Sumunod non ay bumaba ako at kinuha ang first aid kit para muling gamutin ang sugat ko sa braso. Ala sais na ng buksan ko ang TV habang ginagamot ang sugat ko para sana mabaling sa iba ang atensyon ko. Para hindi ko masyadong maramdaman ang hapdi sa pag gagamot pero mukhang maagaw talaga ang atensiyon ko ang sumalubong sa aking balita.

Dahil sa video na pinapakita sa balita ay mukha ko ang nandoon kung saan nakahawak ako sa pisngi ko para punasan ang luha ko na umaagos.

"This is the footage about Noreen Mendiola spotted on the Trinidad pier crying and sobbing while Yassi signing the contract video flashes in the pier's TV as the new Super Model of HRVY Agency. Most of the people who witness the former model from the said agency conclude that Noreen is devastated on losing her career by giving up the chance to go on New York Fashion Gala. She can't accept the fact that she's not anymore a model under VHRY and she was replace now by Yassi Henswert." my mouth parted as I heard the nonsense statement from the reporter.


The Wife's Misery (Misery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon