Kabanata 28

61.5K 1.5K 73
                                    

Kabanata 28:

Hindi ko rin naman nasunod iyong sinabi ni Isaac na pumunta sa doctor para magpatingin. My sched is full and I've been busy doing shoots for magazines, commercials, and endorsement. Kaya wala talaga akong oras na pumunta sa doctor. Mukhang masama lang siguro talaga ang pakiramdam ko sa mga nag-daang araw at pati pang-amoy ko nagbabago na rin.

"Okay Noreen last shots for this lipstick!" ani ng photographer sa akin na hindi ko masyadong marinig dahi napahawak ako sa noo ko at napapikit. Medyo nahihilo na naman ako. Fours hours straight na kasi kaming nagtratrabaho without break dahil rush 'tong pictures para sa latest brochures ng Moonsoon products.

"Are you okay Noreen?" tanong ng photographer. Mukhang napansin ang paghilot ko sa ulo.

"Can I have fifteen minutes po. I feel a liitle bit dizzy. I'm sorry." ani ko at hindi na makapagsalita ng maayos dahil nakapikit lang ako at patuloy na nakahawak sa ulo dahil parang palala ng palala ang hilo ko.

"We've been shooting for four hours straight. I think Noreen needs a break. Nakakapagod nga naman na makapaglakad lakad ng apat na oras kaya siguro nahilo siya." segundo ng creative director na nanood sa amin at tumango naman ang ilang staff roon at napatango na rin ang photographer.

"Okay Fifteen Minutes Break!" anunsyo ng photographer at agad naman akong naglakad para makaupo na dahil hilong hilo na talaga ako pero nakakatatlong hakbang pa lang ako nang muntik na akong matumba. Mabuti na lang at may malapit sa aking assistant at nasalo at inalalayan ako.

"Noreen!" rinig kong tili ni Ralph at rinig kong napatili rin ang iba sa nakita nangyari. Narinig ko na may mga yapak na papalapit sa akin at nakapikit lang naman ako at nakahawak sa ulo ko.

"Isaac's right! You should rest. Mukhang may sakit ka nga talaga." ani Ralph at kinuha ako sa umalalay sa akin at sandali ko namang binuksan ang mata ko.

"Thank you." sabi ko sa assistant at ngumiti naman siya sa akin. Inalalayan ako ni Ralph patungo sa dressing room at agad akong umupo roon at sinandal ang ulo ko sa sobrang hilo.

"Okay naman ako kanina e, hindi ko alam kung bakit bigla akong nahilo." napabuntong hininga lang si Ralph sa sinabi ko.

"Hay, I think you really need to go to Doctor."

"Not now. Marami pa akong gagawin." marahan kong sagot sa kanya at pumikit ulit at huminga ng malalim. Dahil mukhang nagsisimula na ring sumama ang pakiramdam ko.

"Kaya mo pa bang ituloy ang shoot?"

"I want to but my self won't cooperate. I'll just said my apology to Manager Thea."

"Don't worry about that. I know Manager Thea will understand. Masama naman talaga ang pakiramdam mo. I will talk to them."

"Thank you Ralph." sagot ko at huminga ng malalim. Sinusubukang pawalain ang sama ng pakiramdam pero ayaw pa rin.

"What now? Do you want to go home? or you want eat first para medyo gumanda ang pakiramdam mo?" tanong ni Ralph at ayoko naman na mag-paalalay sa paglalakad kaya mas pinili ko ang pangalawa.

"I want to eat." sabi ko at mabilis namang sumunod si Ralph at naging mabuti kahit papaano ang pakiramdam ko pag ka kain pero medyo nahihilo pa rin ako ng umuwi. Dahil mag-isa lang naman ako natulog na lang ako at kumain nang gumabi. Medyo hindi pa ayos ang tulog ko dahil pabalik balik ako sa CR dahil parang laging puno ang panubigan ko at ihi ako ng ihi.

Pagkagising ko naman kinaumagahan agad akong tumakbo sa banyo dahil biglang bumaliktad ang sikmura ko. Halos maiyak ako habang nagsusuka at hirap na hirap sa bawat pagbukas ng bibig ko. Halos ilabas ko lahat ng kinain ko kahapon.

The Wife's Misery (Misery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon