Kabanata 42

85K 1.9K 747
                                    

Kabanata 42:

Patuloy pa ring ginagambala ang isip ko sa ideya na walang anak si Reighdan. Baka naman napagusapan talaga nilang dalawa ang hindi mag-anak. And just focused on their own career for the mean time.

Yassi is a model, and I think she don't want a child that early and Reighdan having this big company, he wants to focus to manage it for now.

Maybe they have an agreement something like that so they don't have yet a child. Sa apat na taon na iyon nakayanan nilang silang dalawa lang?

Is that how they love each other that until now they're together? Parang biglang nanikip ang dibdib ko sa isipan na iyon. Kahit na wala na akong balita sa kanilang dalawa pagkatapos kong umalis, hindi ako sigurado kung hanggang ngayon ay sikat pa rin si Yassi at kung tunay ngang napalitan ang pwesto ko.

I left modeling four years ago, may mga pagkakataon na nangungulila ako sa larangan na iyom pero hindi ko pinagsisihan ang desisyon na nagawa ko. I have Reikhan and each day he never failed to light up my world. Kung may pagkakataon man na makabalik ay hindi ko na alam pa, dahil ngayon tanging si Reikhan lang ang mahalaga sa akin.

"And I don't have a child yet.  Kung mag-uuwi man ako lang ang kakain."

Bigla na naman bumalik sa akin ang sinabi niya. Siya lang ang kakain?

Maybe Yassi is still conscious on her body so she can't eat too much sweet that can destroy her diet. Baka nga ganun, so concern huh. I wonder if they live together here. Lalo na at hindi ko pa siya nakikita ngayon dito, pero sigurado sa event makikita ko siya.

"Ma'am padating na daw po yung mga ingredients na gagamitin natin." naputol ang pag-iisip ko sa sinabi ni Wendell sa akin at bumaling ako sa kanya at napatingin sa wall clock. Its already Lunch Time.

"Ganun ba, sige kumain muna kayo nila Rachel at siguradong kanina pa kayo walang kain at naging abala pa kayo kanina." sabi ko sa kanya at bahagya naman siyang nagulat.

"P-Po? Naku Ma'am mamaya na po baka po matagalan tayo kung kakain pa kami at baka late tayong matapos dahil tatlo pa ang gagawin."

"Its okay, kumain muna kayo. Mas lalo tayong matatagalan mamaya kung nahihilo kayo habang gumagawa dahil sa gutom. Ayos lang kung late na akong makauwi, inaasahan ko na iyon. And I can't risk your health." sabi ko at sandaling natigilan si Wendell at nag-aalinlangan pa kung sasang-ayon ba sa akin.

"Pero paano po kayo Ma'am, sumabay na po kaya kayo sa amin." si Rachel na lumapit sa amin marahil narinig ang pinaguusapan.

"Hindi na mamaya na siguro. Kayo muna ang mauna at alam kong maaga pa lang nandito na kayo. I'm still full pa naman kaya ayos lang."

"Sigurado po kayo, Ma'am?" si Rachel may bahagyang pag-aalala at tumango ako.

"Sige na kumain na kayo at sila Kuya Jose na lang ang magbubuhat sa mga ingredients na paparating." suhestisyon ko at kahit na nag-aalinlangan sila na iwan ako ay sumang-ayon na sila at umalis para kumain.

Pagkarating at pagkaayos ng ingredients sa kusina ay nagsimula na akong maghanda para sa ingredients na gagamitin. Inuna kong magsukat ng mga dry ingredients at hiwalay ang kailangan sa bawat isa sa tatlo na gagawin para madali na lang mamaya. Sunod ay ang mga liquid ingredients at nagsimula na akong magmix. Gumagawa na ako ng base ng cake ng makabalik sila Wendell at tulong tulong na kami sa paggawa.

Sa tansya ko, mga dalawang oras at kalahati ang paggawa ng isang cake pero dahil tatlo ito at marami namang mga oven dito at marami kami ay baka limang oras lang din at tapos na. Matagal dahil wala naman kami sa kitchen ng Cafe na kumpleto sa makinarya sa pagluluto. Kaya nagmano mano kami.

The Wife's Misery (Misery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon