Kabanata 4

62.2K 1.7K 281
                                    

Kabanata 4:
Sobbed

Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako kakaiyak kanina. Nagising ako na madilim na sa labas. Hindi ko pa masyadong mabuksan ang mata, it's swelling because of crying for hours a while ago.

Pumunta ako sa banyo para maghilamos at mag-ayos, at hindi ko maiwasang mapatitig sa sarili kong repleksiyon habang inaalala ang nangyari bago ako makatulog.

Nakauwi na kaya siya? Nandoon na kaya siya sa kwarto niya? Oh baka naman pumunta siya doon sa villa ng babae.

Napapikit ako sa huling naisip at napahilamos sa mukha. Napasandal ako sa sink at napabuntong hininga. Inaasahan mo na 'to di ba? Inaasahan mo na ganito na ang mangyayari? Pero bakit ang sakit sakit pa din.

We're here for the honeymoon. I thought we're going to have fun here, pero siya lang pala iyon. Unang araw pa lang at ganito nang bumubuhos ang luha ko.

Maiiyak na naman ako sa iniisip kaya itinigil ko na iyon at bumalik na sa kama. Para ayusin ang hinigaan ko, nang tumunog ang phone ko sa mesa at nakita ang pangalan ni Ralph sa phone ko.

Ralph:

Hey Noreen, see you later at Jesire Bar! I'm excited to have fun with you!

Bigla akong napasapo sa noo nang maalala na may lakad nga pala ako ngayon. Muntik nang mawala sa isip ko. Mabuti na lang at nagising.

Napatingin ako kung anong oras na at hindi ko inaasahan na mahaba pala ang tulog ko ng makitang alas otso na ng gabi. May dalawang oras pa ako bago ang nakatakdang usapan. Hindi na ako nag abalang magbihis dahil malinis pa naman ang damit ko at magbibihis din naman ako mamaya sa pag-alis.

Hindi ko naman sila pwedeng tanggihan kahit na masama ang loob ko, nakapangako na ako and I don't break promises.

Nagreply ako kay Ralph ng okay bago bumaba sa kusina ng villa para makapagluto ng haponan dahil nagugutom na rin.

Nasa bungad na ako ng kusina ng mapahinto ako dahil nakitang kumakain si Reighdan. Halos madulas pa ako sa biglaang paghinto.

Mabigat ang bawat hakbang kaya napatingin siya sa akin pero sandali lang iyon at bumaling siya ulit sa kinakain niya. I slowly walk towards him.

Hindi ko na pala kailangang magluto dahil mukhang nag order na si Reighdan ng pagkain. May mga paper bag pa sa lamesa na katulad din ng pagkain niya kaya sa tingin ko para sa akin iyon.

Tahimik ang paligid at tanging paghinga ko lang ang naririnig ang tunog ng kubyertos niya.

A smile slowly formed in my lips. It seems that he's also concern about me but my smile faded when I recall what I've seen a while ago. Tahimik na kumuha ako ng plato para sabayan siya sa pagkain. Dahil ito ang isa sa mga bagay na paborito ko at ito rin ang bagay na tanging nakakasabay ko siya. Kahit kailan hindi pa kami sabay na nanood ng TV.

Tumingin ako kay Reighdan at nakatuon lang siya sa plato. Ni hindi niya man lang ako sinulyapan. Parang mas gusto niyang ituon na lang ang pansin sa pagkain kaysa sa akin.

"Sino iyong babaeng kasama mo kanina?" tanong ko dahil kanina pa talaga iyon bumabagabag sa isip ko.

Napahinto siya sa pagnguya at tumingin sa akin. Kumunot pa ang noo niya.

"Why are you asking?"

"Gusto kong malaman." seryoso kong sinabi. He looks at me and my lips tremble on seeing his dark eyes.

"She's Gwen." malamig at maikli niyang sagot. I don't know if I should thank him for opening his mouth to answer my question.

Pero kung hindi niya sinagot mas lalala pa ang iritasyon sa akin na kanina pa nasa dibdib.

The Wife's Misery (Misery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon