Kabanata 41

85.4K 1.9K 515
                                    

Kabanata 41:

Agad na nabitawan ni Reikhan ang phone dahil sa gulat at rinig na rinig ko ang pagkahulog noon sa sahig. Nanlaki ang mata niya at natigil siya sa kinatatayuan niya. Kumislot ang labi niya at agad kong nakita ang pangingilid ng luha niya.

Mabilis naman akong napalapit sa kanya dahil sa pag-aalala.

"I-I'm s-sorry." nanginig ang labi ko at huminga naman ng malalim si Reikhan na para bang pinipigilan ang emosyon na kumawala pero hindi siya nagtagumpay at pumatak ang luha niya. Napapikit ako ng mariin at matindi akong tinamaan ng guilt.

Kumalabog ang puso ko at nang marinig ang mahina niyang hikbi ay agad ko siyang binuhat sa bisig ko at masuyong tinapik ang likod niya para patahanin.

"Ssshhh, I'm sorry baby. I'm sorry." sunod sunod na pagpapaumanhin ko sa kanya at marahan na hinahaplos ang likod niya pero hindi siya makapagsalita dahil sa hikbi.

Hinalikan ko ang noo niya at sinuklay ang buhok niya at tinignan ang mukha.

"Forgive Mommy, Reikhan nabigla lang ako. I'm so sorry." sabi ko at pinahid ang mga luha niya sa pisngi. Sobrang nag-aalala ako ngayon dahil may sakit pa siya at umiiyak siya ngayon dahil sa akin.

Ano bang ginagawa mo, Noreen!

"A-Are you mad, Ma?" medyo humina ang pag-iyak niya nang tinanong iyon at agad naman akong napailing ng sunod sunod.

"Syempre  hindi. I'm sorry. Hindi ko sinasadya Reikhan. I'm sorry." I said softly and kiss him again in his forehead. I look at him apologetically.

"I'm sorry, Ma. I didn't mean to answer the phone. I'm just worried if you miss the call." bahagya pa rin akong kinakabahan ngayon. What if it is Reighdan and Reikhan answer it?

"Don't be sorry wala kang ginawang kasalan. Ako dapat 'yon."

"Wala naman din po kayong ginawang kasalan. Nagulat lang din po ako katulad niyo, I'm sorry Mom." aniya at umiling muli ako sa paghihingi niya ng paumanhin at hinalikan siya sa pisngi.

"I love you."

"I'm sorry for answering the call. I won't do that again."

"Just don't answer an unregistered number." his forehead creased on what I said.

"But you answer an unregistered number and its seems important kaya po sasagutin ko na din dapat."

"But you need someone beside you if you're answering an unregistered number, it may be a stranger trying to fool you."

"Okay Mommy, I'm sorry."

"Its okay Reikhan, forget about it. Do you want to rest or we'll watch a movie?" pagbabago ko sa usapan at agad naman lumiwanag ang mukha niya sa huli kong sinabi.

"I want to watch the cartooned spiderman movie Mom!" he joyfully said and I nodded and put him down on the sofa.

"Okay we'll watch that just wait me here and I will set the TV." I said and he nodded smiling at napangiti na din naman ako.

Pinulot ko muna ang phone na nahulog at wala naman akong nakitang basag o gasgas doon. Tinignan ko ang nag miss called at kumalabog ang puso ko ng makita na ang numero nga ni Reighdan ang tumawag kanina na muntik ng masagot ni Reikhan.

Napatingin muli ako kay Reikhan na ngayon ay tahimik na may hawak na laruan at naglalaro sa sofa at bumalik muli sa number ni Reghdan.

Muntik na 'yon.

Alam ko namang karapatan ni Reikhan na malaman ang tungkol sa   Papa niya. Pero hindi pa ako handa ngayon para roon. Lalo na at muntik ng magkausap ang mag-ama kanina. Hindi muna ngayon. Hindi ngayon na hindi ako sigurado kung may pakialam pa ba siya sa akin. Hindi ngayon na hindi ko pa alam kung iyong pagkuha niya ba sa akin sa event na 'yon ay isa na namang panibagong patibong para saktan ako.

The Wife's Misery (Misery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon