Kabanata 5

62.6K 1.5K 547
                                    

Kabanata 5:
Fireworks

Nang sumakit ang mga paa ko sa paglalakad ay saka ako huminto. Nilibot ko ang tingin sa pinaghintuan.

Madilim ang lugar at tanging puno lang ng mga niyog ang nakikita ko, wala na rin masyadong establisyamento rito kaya walang ilaw at tanging liwanag lang sa buwan ang naggagabay sa daan.

Wala rin akong makitang taong naglalakad marahil dulong bahagi na ito ng isla. Masyado akong napalayo, pero mabuti na rin iyon. Umupo ako sa putol na puno ng niyog na nandoon at tahimik na pinunasan ang mga luha sa pisngi. Paulit ulit ko iyong ginawa dahil ayaw magpaawat ng mga luha ko. Parang mga patak iyon sa malakas na ulan, parang wala ng katapusan.

Malayo na ang nalakad ko at masakit na ang rin ang mga paa pero hindi pa rin nawawala ang sakit sa nasaksihan ko kanina. Tumingala ako sa langit, iniisip na mapapahinto ko ang luha sa pag-agos. Sumalubong sa paningin ko ang mga bituin, at kahit pag-ningning nila walang magawa para mapahinto ako sa pagluha.

Hindi ko na mapigilan ang bugso ng damdamin. Nanginginig ang labi ko at kalaunan hindi ko na mapigilan pa ang pagkawala ng mga hikbi. Inangat ko ang tuhod at doon sinubsob ang mukha para ibuhos ang pag-iyak. I cried so hard. Iyak lang ng iyak. I didn't bother about anything. I won't disturb anyone here on my loud sobs anyway. I'm far from anyone. Malayo sa kahit sino, kaya alam kong walang makakarinig sa luha kong bakas ng pagluluksa para sa kawawang puso.

"Ilang beses ko bang kailangang lumuha para malaman niya na nasasaktan na ako ng sobra?" tanong ko sa sarili kahit na alam ko naman ang sagot kung bakit niya ito ginagawa.

Mas lalo pa akong napaiyak at mas lalong lumakas ang paghagulgol ko nang mapagtanto iyon. Kahit sumigaw ako rito sa sobrang hinagpis, walang makakarinig sa akin.

No one will hear my misery, no one will know how broken I am. No one will care, anyway.

Tanging sarili ko lang din ang aalo sa akin. Tanging sarili ko lang din ang papahid sa mga luha ko na parang gripo sa pagtulo. Tanging sarili ko lang ang makakapagkalma sa akin.

Napangiti ako ng mapait habang lumuluha, kung may makakakita man sa akin siguraduhing aakalain na akong baliw, but somehow it's true. Nababaliw na nga yata ako dahil kahit hindi ako mahal ng tao ito pa rin ako at nagpupumilit na mahalin pabalik.

Kaya ito ang napapala ko. Sakit.

Kahit magdamag akong manatili rito, tanging sarili ko lang ang makakarinig ng mga hikbi ko. Hindi ko na inalintana pa ang pag-ihip ng malamig na hangin sa pisngi ko. Hindi ko inalintana ang panginginig ng katawan.

No one will soothe me on this pain, I am alone in this misery.

Ayoko naman na sabihin pa ito kay Gail dahil alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan para makumbinsi ako na iwan na si Reighdan, na tigilan na siya. Na hinding hindi ko gagawin.

We're already married, the only thing that I need to do is to make him love me back. To make him fall in love with me. At para magawa 'yon, kailangan kong manatili sa kanya. I need to stay.

Even I know the big risk and big pain on what I'm doing. I know this is stupid. But I'll accept all of that to have him in return, because I know if I succeed, this sacrifices and pain will be all worth it.

Kahit mahirap kakayanin ko, lalaban ako para sa amin. Lalaban ako sa sakit para mahulog lang siya sa akin.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-iyak at paghikbi, napatulala ako. Hindi ako nakaramdam ng takot na mag-isa sa madilim na lugar na ito. Hindi ko na nga iyon iniisip dahil mas lamang ang kabigatan ng dibdib ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal tulala. Hindi ko alam kung gaano katagal tiniis ang sakit sa puso. I just came back on reality when I remember the people I left in the bar. Nagdaan na rin sa isip ko kung hinahanap ba ako nila Ralph, Davina at Mr. Sarmiento. It's rude that after I agreed to the deal to be their model, I will suddenly gone like a bubble.

The Wife's Misery (Misery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon