Kabanata 43

90.5K 2K 896
                                    

Kabanata 43:

Malaki ang ngiti ko habang maingat na nilagay ang vanilla at chocolate cake sa mga kahon. Lalo na ng ayusin ko ang ribbon doon. Hindi mabura ang ngiti ko habang marahang nagdridrive patungo sa school ni Reikhan. Gaya ng inaasahan marami na ring mga magulang ang nag-aantay sa parking lot ng school na may iba't ibang hawak na regalo para sa anak nila.

This day is special for Reikhan of course! This is his last day of school as a Grade 1 student and I'm so proud of him. Kinuha ko na ang mga blue balloons sa backseat at hindi mawala ang ngiti ko habang nag-aabang doon.

Nang marinig ko ang pagbell ng school ay pare parehas yata kaming tumayo ng maayos rito at bakas ko rin ang mga pagkasabik sa mukha ng mga katulad ko na nag-aabang. Nagsimulang magsilabasan ang mga mag-aaral na bakas ang sabik sa mga mukha at naging excited rin ako na makita si Reikhan.

Halos humaba ang leeg ko sa kada panunuri ng tingin sa bawat bata na lumalabas sa school. Nang makita ko ang isang bata na tumatawa habang may kausap na dalawang batang lalaki rin ay lumaki ang ngiti ko.

That's my son!

Mukhang may pinaguusapan sila kaya hindi niya agad ako napansin. Pero nang tumakbo na ang dalawang lalaki na kasama niya sa magulang nito at yumakap ay napanguso siya at nilibot ang tingin sa paligid. Agad na nagtama ang tingin namin. Napangisi siya ng makita ako at mabilis na tumakbo patungo sa akin at nang yumakap siya ng mahigpit sa akin ay tumawa na lang ako.

"Ma, you said your not coming!" singhal niya pa sa akin na para bang nang-aakusa at mas lalo akong natuwa dahil ramdam kong nakanguso siya ngayon.

Sinuklian ko naman siya ng mas mahigpit na yakap at hinalikan sa ulo niya. Tsaka siya humiwalay sa akin at tama ang hinala ko na nakanguso nga siya.

"I'm just bluffing, Reikhan. Of course why I wouldn't come in your special day." sabi ko at hinalikan ang pisngi niya. Kinusot niya naman ang mata niya dahil nangingilid na ang luha niya at bahagya akong napangiti.

"You make me nervous!" aniya at bahagya akong natawa.

"Oh c'mon, I'm sorry, Reikhan. See I brought balloons for you." pinakita ko sa kanya ang hawak ko at napatingala naman siya sa balloons na ang bawat isa ay may nakalagay na congratulations.

"I'm not a baby anymore for balloons." aniya at tumaas naman ang kilay ko.

"But thank you Mommy! Even you almost make me cry a while ago." nakangusong aniya at hinalikan ako sa pisngi. Agad naman na nagningning ang mga mata niya sa dalawang kahon na hawak ko marahil alam na ang laman noon.

"Is that a cake?" aniya at mabilis naman akong tumango.

"Your prize for being excellent this year." sabi ko at ginulo ang buhok niya. Tumawa muli ako ng tumulis ang nguso niya.

"Of course Ma, see I have five gold medals." sabay pakita niya sa mga medalya na nasa leeg niya na ngayon ko lang napansin. Umawang ang labi ko at kumawala ang isang ngiti doon.

"I'm so proud of you." malambing kong sinabi.

"Where's the candle? I'm so excited to blow it." aniya at inakay ko na siya papasok sa sasakyan. Kinuha ang candle doon at sinindihan. We use to blow a candle in every last day of his school.

Nilagay ko na ang candle sa cake at tinapat sa kanya.

"Make a wish."  sabi ko at pumikit naman ang mga mata niya.

"I want to see Dad." mahina niyang bulong pero sapat lang para marinig ko at natigilan ako sa hiniling niya habang pinagmamasdan siyang hinipan na ang kandila at nawala na ang apoy noon.

The Wife's Misery (Misery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon