Kabanata 16

56.2K 1.5K 482
                                    

Kabanata 16:

Tapos na akong mag-ayos ng niluto kong agahan sa lamesa nang marinig ko ang mga yabag ni Reighdan pababa ng hagdan. Tinignan ko ang pagkakaayos ng plato para makisigurado kung maganda ba ang pagkakalagay at napatango ng makitang ayos naman. Sunod ay inayos ko ang buhok ko kahit alam ko na hindi naman yun masyadong nagalaw sa aking pagkakaluto. Sunod ay ang pagpunas ng kaunting pawis na namuo sa gilid ng noo.

Nang mamataan ko na si Reighdan sa bungad ng kusina ay agad na akong umayos ng tayo at binigyan siya ng pagkakatamis na ngiti na blankong ekpresyon lang ang sinukli niya. Balik na naman kami sa dati. Doon sa wala ng pagpapanggap at kasama ko na naman ang totoong Reighdan na walang emosyon.

Pero kahit ganun ang sinukli niya sa akin ay pinanatili ko ang ngiti ko sa labi para sa kanya.

"Good morning!" bati ko at akala ko ay hindi niya ako papansinin pero hindi ko inaasahan na susuklian niya ako ng tango. Alam kong maliit na bagay lang ang ginawa niya pero dahil nagresponse siya sa bati ko ay daig ko pa ang nanalo sa loto sa saya.

"I cook your favorite." ani ko at sumabay na rin sa kanya sa pagupo at pinakita sa kanya ang pinaghirapan kong beef steak. Napatingin naman siya doon at walang sinabi. Kumuha lang siya ng kanin at sinunod agad na kinuha ang niluto kong paborito niya.

Hindi na ako nagsalita sa takot na baka mainis siya dahil sa pangungulit ko kaya nakangiti na lang ako na sinabayan na rin siya sa pagkain.

Mukhang ito na nga yata yung pinakamatagal kong malayang natitigan si Reighdan dagdagan pa na nakikita ko na kinakain niya ang niluto ko. Mabuti na nga lang at hindi niya napapansin na mukha na akong tanga ngayon na nakatitig sa kanya. Medyo matagal ang pinalagi ni Reighdan sa hapag na halos hindi ko paniwalaan dahil usually 10 minutes lang siyang kumain tapos ay aalis na sa kusina ng walang pasabi pero ngayon ay 20 minutes na ang nagdaan pero may laman pa ang plato niya. Kilala ko si Reighdan at alam ko na hindi siya umaalis sa hapag na may laman ang plato niya. Kaya nga baka nagaganap na ang isa pang pagbabago ngayong araw.

Tapos na akong kumain at kumuha na ako ng mga tuyong lunch box na hinugasan ko kanina dahil may balak akong sabihin kay Reighdan.

"Uhm.... I heard one of your employee that you don't have a time going to cafeteria because of having a lot of works. So I think if I can pack you a lunch so you won't need to leave your office to go on cafeteria. You can just eat your lunch inside your office, and you can save more time to finish your work easily." ani ko at napaangat naman ang tingin niya sa akin habang ngumunguya siya.

"Okay." apat na letra lang ang sinabi niya pero bakit ganun na ka agad ka rahas pumintig ang puso ko sa dala ng isang salita na lumabas sa bibig niya. Hindi agad ako nakakakilos at nakapagsalita dahil hindi ako makapaniwala na sumangayon siya sa gusto ko. This is an another first time.

Shit.

Kung hindi lang niya muli akong binalingan ay baka tuluyan na talaga akong napatulala. Nang magtama ang tingin namin sa isa't isa ay agad na akong kumilos para iayos ang dadalhin niyang lunch box.

Habang nasa living room si Reighdan habang nagaayos siya ng sarili ay binigay ko ang lahat ng effort ko sa pag-aarange ng pagkain sa pack lunch. Nang matapos ay nilagay ko yun sa container at mabilis na lumabas patungo sa living room. Sakto naman at nakita ko siya na aktong pupunta sa kusina at nang makita ako ay tumigil at naglakad na palabas para makasakay sa sasakyan.

Nakasunod ako sa kanya hanggang sa makapasok siya sa sasakyan. Inabot ko sa kanya ang pack lunch at inabot niya naman iyon at nilagay sa kanyang tabi.

"Ingat. Eat your lunch well." ani ko bago niya isara ang bintana ng walang sinasabi sa aking kung ano at kumakaway lang ako habang papalabas ang sasakyan sa gate namin.

The Wife's Misery (Misery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon