Kabanata 39

82K 2K 742
                                    

Kabanata 39:

"I like the taste of the cupcakes but I didn't like the design, can you make it fit for adults too? The design looks only for kids. My guess are in 20's to 60's Miss Mendiola. Do you want them to taste this lame cute cupcakes?" aniya at agad kong sinulat iyon sa notes na nasa harap ko. Kahit medyo nainsulto ako sa sinabi niya.

Ayos naman ang design ng cupcakes. Hindi naman iyon pambata. Siguro nasasabi niya lang iyon dahil sa kulay ng icing pero kahit ako ay magugustuhan ang design na ito. The looks even makes me want to taste it more. Most of our adults costumer are liking this design. Mukhang siya lang yata ang hindi. Pumait ang panlasa ko sa hindi malamang dahilan.

Hindi ko alam kung may mali ba talaga sa mga designs o nanadya lang siyang punahin ang mga gawa ko.

Unti unti na akong nawawalan ng ganang kumain sa bawat maling nasasabi niya. Sa tingin ko nga hindi ko siya kayang sabayan sa pagkain katulad ng dati. Pakiramdam ko malulunok ko agad ang pagkain ko sa mga titig niya.

Malalim pa rin ang aking paghinga dahil sa kaba na nararamdaman ko na hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi mawala wala. My fingers are even trembling while I'm writing to my notes. Kanina pa siya maraming puna. Halos lahat yata ng pagkain na hinanda namin ay may sinasabi siya.

Wala akong makitang mali roon. I make sure everything was fine before this day. Ang design at ang presentation. I didn't expect it would not be enough for him.

"The cakes, I want you to lessen the sweetness. Some of the guess are seniors and afraid to taste sweets for their health, I want the sugar percent lower." aniya at natigilan naman ako sa pagsulat.

"Our Mocha Cakes has a 50 sugar percent."

"That cake only, how about the others?" tanong niya at natahimik ako dahil mataas ang ibang sugar percent ng mga cakes.

"I want you to make the sugar percent lower for the other cakes." he said seriously and I just heaved a sigh and nodded. Inaamin ko na may kapuna-puna nga rito. Pero mukhang wala siyang balak na tumigil sa pagpuna.

Medyo naninibago pa rin ako na tumingin sa mukha niya dahil hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nasa harap ko siya ngayon at pormal akong kinakausap dito. I never expect that our path will cross here in this place where I hide for years from him. I don't know or any idea what happened to him in the Philippines and he build a business here now.

Did he leave our business to Dad?

Ni hindi ko nga nakitang nagulat siya nang magtagpo ang mga mata namin. Na para bang isa talaga akong estranghero sa kanya at walang nangyari na kung ano man sa nakaraan sa pagitan namin.

Gusto kong magsisi na tinaggap ko ang bagay na ito dahil sa kanya. Hindi ito ang inaasahan kong pagkikita namin at mas lalong hindi ko inaasahang magtatagpo ang landas namin dito sa Cafe ko. Sinumpa ko na hindi siya makakatapak sa mga bagay na pag-aari ko pero tignan mo nga naman, nakapasok na siya at nakaupo pa sa upuang ako mismo ang nagdisenyo.

How ironic is that huh?

"The munchkin and cookies are gift for the guess. So make a box for the container and make sure it looks well. I don't want any problem with that, got it?" he ordered at tumitig lang muna ako sa mga cookies bago tumango sa kanya dahil hindi ko maiwasan na may maalala doon.

The last time I give him cookies, napagkamalan niya na ibang tao ang nagbigay at nagduda pa siya kung kaya ko bang gumawa ng ganoong kasarap na pagkain. Napatunayan ko lang iyon sa kanya ng maipagluto ko siya nung mga panahon na magkasama pa kami. Until now iniisip ko pa din kung nagbago na ba ang tingin niya doon at nakompirma niya na ako nga talaga ang nagbigay ng cookies sa kanya.

The Wife's Misery (Misery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon