Kabanata 11

56.6K 1.7K 173
                                    

Kabanata 11:

Huminga ako ng malalim pagkatapos isuot ang off shoulder long sleeve cocktail dress. Mahaba naman ang tela na tumatakip sa braso ko, sapat para maitago ang pamamaga. Nakainom na rin ako ng pain killer para hindi naman ako napapangiwi habang sinasabi ang statement ko mamaya para sa press conference.

Nailagay ko na rin naman ang mga ointment na niresita sa akin ni Dr. Evangeline. Somehow nawala iyong pagkapula sa sugat at iyong kaunting kirot kanina. Kaya hindi na ako nahirapan sa pagsuot ng dress ko. Umupo ako sa gilid ng kama para maisuot ang light high heels.

Tumapat muli ako sa salamin at tinignan ang sarili, I already finish my make up. Complete from hair to lips. Sigurado na ako na may make up artist pagdating ko sa studio pero gusto ko kasing gamitin ang oras sa pagmamake up sa akin sa paghahanda ng sarili. Kasi sa tingin ko hindi ko iyon nagawa sa loob ng dalawang araw dahil sa iniinda kong sakit.

Nang makuntento na sa ayos ko ay sinukbit ko na ang shoulder bag at lumabas sa kwarto. Its already six in the evening and I still have two hours before the conference. Nasa kwarto na niya si Reighdan. Gusto ko man siyang tanungin kung bakit ang aga niya ngayon ay hindi ko magawa dahil kanina pagkadating niya dumiretso siya agad sa taas at nilagpasan ako. Hindi ko na pinansin dahil kailangan ko na ring maligo kanina.

Magpapaalam lang ako na aalis ako, without knowing how he will react on my presence on his room. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng kwarto at dinikit ang tenga sa pinto pero wala akong narinig na ingay. Sinubukan kong pihitin ang door knob at medyo nagulat na bukas naman pala ang pinto.

Dahan dahan ko iyong binuksan at dahan dahan ding sumilip sa kwarto. Unang bumungad sa akin ang laptop na nasa table at mga nagkalat na papel sa paligid. Nakalayo ang swivel chair sa table at naiwang bukas ang laptop kaya nasisigurado ko na baka nag CR lang siya saglit.

Pumasok ako sa kwarto niya at dahan dahan na lumapit sa table. Nakita ko na ang daming letra doon sa screen at ang daming nakabukas na PDF sa menu kaya nasisigurado ko na baka maraming inaasikaso ngayon si Reighdan sa kompanya. Napanguso naman ako. Kung may kakayahan lang sana ako para tulungan si Reighdan dito. But I know that I didn't born for this field.

Since I was just a kid I already want to pursue modeling and not business, the only field my family into. Noong bata pa lang ako minulat na ako ni Papa sa mundo ng negosyo. Dahil nagiisang anak lang ako at hindi na pwedeng manganak pa si Mama, ako lang talaga inaasahan na magpapatuloy sa trabaho ng pamilya ko. Pero mukhang hindi talaga para sa akin iyon. Dahil kahit ilang beses na ipaliwanag sa akin, ipaintindi at ipaalam ay hindi talaga makukuha kuha ang interes ko.

Kaya noong nagsimula akong magsimula sa modeling halos itakwil ako ni Papa. Lalo na noong nagsisimula na ako ng pangalan sa mundong gustong gusto ko. He almost curse me and threatened that he will neglected me as his daughter. But I loved this field, that no one can stop me to give up my steps on this journey.

What happened way back before was a dark memories and everytime I reminisce, I always feel bad.

But I never regret where I am now. I will never regret that I'm with the person that I really dream to have for years. Yes were together but I didn't have him yet. I can't still hold him. Ang lapit niya sa akin pero pakiramdam ko sobrang layo niya pa rin.

Natigil ang pagiisip ko ng mahagip ng aking mata ang isang pamilyar na maliit na bagay. Lumapit ako sa taas ng drawer para tignan yun at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ng makita na ang bagay na ito ay katulad na katulad sa ointment na binigay sa akin ni Dr. Evangeline. Kumunot ang noo ko at tumingin sa tatlong ointment na magkakapareho at may ilang din doong pain killers.

I d-don't know what to feel. Basta ang alam ko napahawak lang ako sa dibdib ko dahil sa biglaang pagbilis ng pintig nito. Umawang din ang labi ko dahil sa isang ideya na pumasok sa isip ko pero may isang parte sa akin na parang hindi makapaniwala because If I know Reighdan will not buy this for me.

The Wife's Misery (Misery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon