Kabanata 30

81.7K 2K 842
                                    

Kabanata 30:

Pagkatapos magpark ay napatingala ako sa bar na nasa harapan ko ngayon.

Helior Bar.

I was once here on this nar for one of the celebration of the success of my runway. This bar is one of a hell exclusive bar in Manila. Puro elite at high profile ang mga tao napupunta rito. Sa bukana pa lang ng bar may nakita na akong isang sikat na artista ang pumasok at ilang modelo na nakakasalumuha ko na binati ako at tipid ko lang na nginitian.

Mukhang tama nga yata si Charlie, marami akong kakilala rito at siguradong magtataka sila kung bakit ko inaakay mamaya maya si Reighdan. Pero bahala na. Its now or never. I face the consequence later.

Pumasok na ako sa bar at agad akong nakilala ng guard. Hindi ko alam kung dahil ba sa katayuan ko o isang beses akong pumunta dito at nakaclose ko ang may-ari. Pinapasok niya ako agad at pagkapasok ko halos mapatakip ako sa ilong dahil sa usok na bumabalot sa paligid. Medyo sumasakit din ang mata ko dahil sa mga ilaw na sumasayaw. Nababalot din ng musika at nagsisigawan ng mga nagsisiyahang tao.

Hindi maganda para sa akin ang usok kaya agad na akong naglakad para hanapin ng mga mata ko si Charlie at agad ko siyang nakita sa isang table na nakatayo. Nililibot ang mata sa paligid. Marahil hinahanap rin ako. Agad akong nagtungo mula roon at madadaanan ko ang dance floor. Mabuti na lang at wala masyadong nagsasayaw sa gilid kaya napagpasyahan ko na doon dumaan.

Habang papalapit ako, nakikita ko na may ilan na mainit ng naghahalikan sa dance floor at ang iba naman ay gumagawa ng kakaiba. Sinuri ko silang mabuti para tignan kong si Reighdan ba ang isa sa kanila at nakahinga ako ng maluwag ng hindi naman. Malapit na sana akong makalagpas sa dance floor ng may biglang naghapit sa bewang ko at agad na hinarap ako sa kanya. Pinatong ang kamay ko sa balikat niya at sinayaw ako.

Agad na kumunot ang noo ko sa lalaki na bumungad sa akin. Nakangisi siya sa akin at amoy ko ang kaunting alak sa kanya.

"Wow! Its really you Noreen Mendiola, how lucky I am!" ngisi ng lalaki at kumunot ang noo ko kung paano niya ako agad nakilala. Medyo madilim ang bar at nakasuot ako ng jacket pero ang lalaking ito nagawa pa ring kilalanin ako. Dahil sa personality niya mukhang hindi siya business man, he's more like a rich son of a wealthy business man.

Wasting money on a bar, and getting girls to lighten up his night. I don't know if he's a model dahil hindi siya pamilyar sa akin but he has a body of being one, pero bukod don wala na akong magandang masasabi sa kanya dahil hindi siya ang pinunta ko dito.

He's handsome alright but I don't like him, at inuubos niya ang oras ko.

"I'm sorry, I'm not here to dance with you." ani ko at tinanggal at mabilis na inalis ang kamay sa balikat niya. Sunod ay ang kamay niya na nasa bewang ko pero mas lalo lang humigpit ang hawak niya doon kaya medyo umangat ang kilay ko at tumingin sa kanya.

"C'mon just one dance! Pagbigyan mo naman ako. I'm fantasizing with you in just a fucking magazine and now I'm finally holding you. I can't let you go that easy." he said and pulled me closer to his body. The fire of irritation boiled some more because of his stupid move.

"Can you let me go. Ayokong makipagsayaw sayo." marahan kong sinabi at tinulak siya para lumayo at tanggalin ang kamay niya. Noong una mas hinigpitan niya pa pero nang samaan ko siya ng tingin ay agad niya ring tinanggal.

"Hey dude, what's your problem?" napabaling ako sa nagsalita bigla sa tabi namin at nakita ko si Charlie na nasa gilid ko na pala. I sigh in relief.

"Don't talk to me. I'm not in the mood." sabi ng lalaki na humigit sa akin at nilagpasan kami. Sumalyap pa siya sa akin bago tuluyang umalis.

"Sorry Noreen hindi ako agad nakapunta dito, may humihila sa akin." ani Charlie at sinuri kong nasaktan ba ako.

The Wife's Misery (Misery Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon