"Hayaan mong ako na ang umasikaso rito Delifico, tingin ko kailangan mo munang mag-unwind dahil lalo kang umiinit ngayon sa mata ng matanda."
Tumango-tango si Delifico sa sinabi ni Grey.
"Pero malas mo pa rin sa dami ng i-ho-hostage mo takas pa sa mental 'yung napili mo!" Natatawang sabat ni Maxeau na sinundan ng tawa ng mga kasama niya. Itinaas niya ang gitnang daliri dito saka siya tumayo.
"I have to go, i-aabot ko na lang bukas sayo ang portfolio ng mga ka-transaction natin ngayong linggo." Sabi niya sa saka tumingin sa mga kaibigan.
"Nasaan si Ellifard?"
"Nauna na hindi mo ata napansin... pupuntahan niya ata 'yung anak ni Mr. Tan." Sagot ni Clifford. Tumango naman siya. Tinapik siya sa balikat ni Grey saka niya tinalikuran ang mga ito. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang numero ng girlfriend.
"Nasaan ka?" Tanong niya sa dalaga nang sagutin nito ang tawag niya.
"Kasama ko sina Keira bakit honey?" Nang-aakit na sabi nito.
"Pwede ba tayong magkita ngayon?" Malamig na sabi niya habang palabas na ng club. Pumunta siya sa kinapaparadahan ng kotse.
"Oh... pwede bang doon tayo sa mansion? Don't worry aalis si dad."
Nagkibi-balikat siya habang papasok sa loob ng sasakyan. Sinuksuk niya ang susi sa ignition key.
"Sure. Doon na lang ako dederetso." Aniya at saka pinatay ang tawag. Hindi niya alam kung bakit basta na lang sumagi sa isip niya ang babaeng hinostage niya kagabi. Nang mapagtanto niya na takas sa mental ang hawak ay binitawan rin niya ito. Naiiling na inalis niya ito sa isipan.
----------------****
"DAD, darating dito ngayon si Delifico ayoko makita niyang pakalat-kalat dito ang babaeng 'yan.""
Narinig ni Sandra ang sinabing 'yon ng kapatid ngunit nananatiling walang kislap ang mga mata niya.
"Ganon ba? Sige sasabihin ko kay manang dalhin 'yan sa ilalim."
Bumuga ng hangin si Julie at matalim siyang tinignan."Bakit kasi bumalik-balik kapa dito.." Anito at hinarap ang Don.
"Why don't you just let her go dad?" Sabi pa ni Julie. Nakangising lumapit naman sakanya si Don Augusto at hinaplos ang mahaba niyang buhok. Kung noon ay nandidiri siya sa tuwing ginagawa nito 'yon, ngayon ay sinanay niya na ang sarili sa bawat bulong at haplos sakanya ng buhok ng matanda. Kahit pa gustong-gusto na niya itong saktan.
"Alam mo naman na kailangan natin ang babaeng ito anak." Sabi ng Don. Umirap naman sa hangin si Julie.
"Alam mo pasalamat ka at kailangan ka namin dahil kung hindi matagal ka ng nasa mental at walang may pakialam sayo." Nakataas ang kilay na sabi nito sakanya. Tumayo si Don Augusto at nakangising lumapit sa anak.
"Anak dahan-dahan lang alam mo naman na hindi pwedeng sugatan ang senyorita?" Babala nito sa anak. Naghalukipkip si Julie at lumapit sa direksyon niya, hinila nito ang buhok niya mula sa likod.
"Ikulong niyo na ang babaeng 'to sa ilalim dad... ayokong makita siya ni Delifico, mahirap na may lahing ahas pa naman ang babaeng 'to." Sabi ng dalaga saka padaskol na binitawan ang kanyang buhok. Hinawakan naman siya Don Augusto sa braso at iginaya patayo. Gusto man niyang tanggalin ang kamay ng matanda sa braso niya ngunit hindi niya magawa. Hindi niya bibigyan ang mga ito ng dahilan para malaman ang tinatago niya.
"Ikaw kasi..... wag kang mag-aalala nandito lang ako ha?" Bulong nito sa tenga niya habang pinipisil ang braso niya, gusto niyang masuka at suntukin ito but still, hindi pa rin siya gumagalaw. Hinaplos pa nito ang buhok niyang nakatabing sa mukha at gusto niyang sumuka sa ginagawa nito
"Kung wala ka lang pakialamerong guardian kanina kapa nadurog sa kamay ko kagaya ng mga babaeng dumaan sa buhay ko." Ngising sabi nito.
'Gago! Bago mo ko mahawakan papatayin muna kita!'
"Manang Felina! dalhin 'to sa ilalim ngayon na!" Sigaw ng Don, saka naman dumating ang matandang katulong. Kita sa mata nito ang pagkaawa sa dalaga. Hinawakan ng matandang babae ang kanyang kamay.
"H-halika na..." Sabi nito at inalalayan siya. Nakahinga siya ng maluwag nang makalayo siya kay Don Augusto. Tinungo nila ni manang ang daan papuntang library, tinulak nito ang isang mahabang lamesa sa loob ng library at tinanggal ang pulang carpet na natatakpan ng isang secret door. Ang daan pababa..... ang lugar kung saan matatawag niyang mundo niya.
"S-Sige na... bumaba kana, mamaya hahatiran na lang kita ng pagkain." Naiiyak na sabi ni manang, ilang taon na itong nasa mansion at marami man itong pagkakataon para umalis na sa impyernong lugar na to pero hindi ginawa ni manang at dahil 'yon sakanya.
Walang emosyon ang mukhang bumaba siya sa maiksing hagdan, sumiksik siya sa sulok kung saan kasama niya ang mga daga.... ipis... at iba't-ibang klaseng hayop. Ilang taon na siyang nakatira don kaya wala na sakanya ang lahat ng 'yon. Nagiging maayos nga lang ang tulog niya kapag na sa mental siya. Doon malaya siyang nakakaiyak, malaya niyang nailalabas ang emosyon sa dibdib niya. Tumingala siya nang unti-unting isara ni manang ang pinto. Nakita niya pa ang pagtulo ng luha nito habang nakatingin sakanya, narinig niya ang pag-lock ng pinto sa itaas. Pumikit siya ng mariin kasabay ng pagtulo ng kanyang luha, niyakap niya ng mahigpit ang tuhod.
Kailangan niyang manatiling ganito.....
Kailangan niyang magtago sa mundong siya lang ang nakakaalaam kung anong tinatakbo ng kanyang utak..
BINABASA MO ANG
Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)
General FictionSYNOPSIS Hindi naniniwala sa kung ano mang elemento o kakatwang bagay si Delifico Fudoshiko, ngunit hindi niya akalain na mai-experience niya 'yon sa mansion ng mga Montanez, kung saan nakatira ang girlfriend niyang si Julie. Mas lalo pa siyang naka...