"Give me that one.."
Matiim na tinitigan ni Delifico ang bawat galaw ng matanda. Kinuha ng isang tauhan nito ang M-4 carbine na may bigat na kwarenta kilo, that was his favorite rifle. Pasimple niyang ginala ang paningin sa paligid, nakita niya ang matiim na tingin sakanya si Arnaldo. Ang kanang kamay ni Don Facundo. Nang-aasar ang tingin na hinagod niya ang kabuuan nito.
"Nakausap ko si Conde noong isang araw."
Binalingan niya ang matanda.
"Pumayag siya na kalahati ng porsyento muna ang i-aabot ko sa'yo." Nakangising sabi nito. He gritted his teeth, pakiramdam niya ay naglitawan ang mga ugat sa ulo niya.
'Kuripot ang hayop.'
"Hindi naman ata tama 'yon Don Facundo. Bukod doon ay walang nabanggit sakin si Grey. At hindi ako bumbay para maging hulugan ang paraan ng pagbabayad mo." Matiim na sabi niya dito. Natatawang umiling ang matanda at inabot sa tauhan ang rifle.
"Ganito na lang Delifico." Anito at binalingan siya. "....pwede naman nating pag-usapan 'yan sa hacienda ko. Isa pa, malalim na ang gabi pwede namang ipagpa-bukas muna natin ang transaction. Tomorrow night i'll give you a blan-----
"Nevermind..." Putol niya at binalingan ang mga tauhan sa likuran. "...kunin niyo ang mga kargamento umalis na tayo." Matiim na utos niya sa mga ito.
"Sandali lang Delifico pag-usap-----
Natigilan silang lahat nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril sa paligid. Nakita niyang humahangos na lumapit ang isang tauhan ni Don Facundo.
"Yari tayo Don Facundo, may mga pulis sa labas!"
Fuck!
Kinuha niya ang baril sa likod, sinenyasan niya ang mga tauhan na kunin ang mga kargamento. Nakita naman niya na patungo sa sasakyan nito ang matanda. Tinungo niya ang kinapaparadahan ng sasakyan, ngunit hindi pa siya nakakalapit doon nang matanaw niya ang isang bulto.
"Anong ginagawa mo dito?"
Walang sabi-sabing inatake siya nito. Sinipa nito ang baril na hawak niya tumilapon 'yon sa tabi ng lumang karton. Gumanti siya ng atake dito na mabilis nitong naiwasan. Hindi niya mabasa ang susunod nitong kilos, mabilis ito at malayo 'yon sa akala niya. Napaigik siya nang masapo nito ang pisngi niya. Sumadsad siya sa sahig. Nakangiwing bumaling siya dito.
"I underestimate your skills Mysterious..." Nakangising sabi niya at pinunasan ang dugo sa labi. Tumayo siya at muling hinarap ito. Muli na naman itong umatake sakanya, inatras niya ang isang paa at at hinablot ang maskara nito mula sa likod. Umangat ang paa nito na sumapo sa mukha niya. Nabitawan niya ito.
"Fuck! Fuck!" Pa ulit-ulit niyang sigaw, ilang beses niyang ipinakit ang mga mata nang maramdaman ang matinding pagkahilo. Muli niyang binalingan ito, isang manipis na tela na lang ang tumatabing sa buong mukha nito. Napatitig siya sa mga mata nito na kulay berde, naka-contact lense ito. Tinitigan niya 'yon. Kung hindi siya nagkakamali hindi basta ordinaryong contact lense 'yon. Gumalaw ang bilog sa gitna non na para bang may kina-captured ang imahe niya. Muli siyang napamura.
"Freeze!!"
Pailalim siyang tumingin mula sa likuran.
'Mr. Tan...'
Kinuyom niya ang kamao, itinaas niya ang dalawang kamay mula sa likod habang pinag-aaralan ang bulto ng kaharap. Kahit itim na tela ang nakatabing sa mukha nito, alam niya ang straktura ng mukha nito.
BINABASA MO ANG
Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)
General FictionSYNOPSIS Hindi naniniwala sa kung ano mang elemento o kakatwang bagay si Delifico Fudoshiko, ngunit hindi niya akalain na mai-experience niya 'yon sa mansion ng mga Montanez, kung saan nakatira ang girlfriend niyang si Julie. Mas lalo pa siyang naka...