Chapter twenty-five

2.3K 73 3
                                    


"Anong ginagawa natin dito?"

Nilibot ni Sandra ang buong paligid ng naturang club. Para kasing pamilyar siya sa lugar na 'to, pinisil naman ni Delifico ang palad niya.

"Saglit lang tayo babe, may itatanong lang ako kay Grey." Bulong sakanya ni Delifico. Malakas kasi ang tugtog kaya hindi sila magkarinigan. Tinignan niya ang pagkaka-ayos ng mesa at upuan. Pati na rin ang theme ng naturang club, tinignan niya ang nakasulat na Vape sa wall ng club na font ay Death to metal. Dirty style and chilling but defeaning, swak ang ganitong combination ng theme sa mga millenial na mahilig gumimik. It will gave you a pertified feeling and challenge, napupunuan ng usok ang club na 'yon. Napansin niya na puro kabataan ang mga nasa gitna ng stage.

"Hey Delifico!"

Napalingon siya sa boses na 'yon, nakita niya sila Maxeau. Lumapit sila sa mga ito.

"Si Grey?" Tanong ni Delifico.

"Nasa underground, naligaw ka ata." Sabi ni Serionifo.

"Hi miss Sandra." Bati sakanya ni Maxeau, ningitian niya lang ito ngunit agad na kumunot ang noo niya nang makita ang lalaking 'yon na kausap ni Tunaco.

"Scott?" Tawag niya sa lalaking 'yon, bumaling naman sa direksyon niya ang lalaking 'yon. Nanlaki ang mata nito nang makita siya.

"Sandra?!" Gulat na sabi nito at saka lumapit sakanya.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Delifico.

"Para kasing galing na 'ko dito eh." Sabi niya kay Delifico.

"You're back.." Natatawang sabi nito. Kumunot ang noo niya.

"Anong you're back?"

"Nabalitaan ko kasi na dinala ka ng mama mo sa ibang bansa."

Bumuga siya ng hangin. Ang kasinungalingan na naman ni Julie....

"Hindi ako umalis..... isa pa, wala sila mom at Sandro. Bigla na lang silang nawala." Sabi niya dito, nakita niyang natigilan ito at saka hinarap si Delifico.

"Eto ba 'yung binabanggit ni Grey?"

Tumango naman si Delifico.

"Teka sandali, pano kayo nagkakilala?" Tanong ni Delifico. Ngumiti naman si Scott saka inakbayan siya.

"Ako kaya ang partner in crime nito, ex-girlfriend ko hindi ba niya nabanggit sayo?"

Nanlaki ang mata niya saka kinurot ito. "Lumayo ka nga!" Asik niya dito, nakangising nagpalipat-lipat ang tingin nito sakanya at kay Delifico. Inalis naman nito ang braso sa balikat niya. Naramdaman niya ang mahigpit na hawak ni Delifico.

"But don't worry Delifico, one day lang naman eh. Nalasing kasi siya dito sa club ni Grey, hindi ko na maalala kung kailan 'yon eh. Tinulungan ko siya dahil napansin ko na may umaaligid sakanya, mukhang bata pa naman. Niligawan niya 'ko-----

"Kapal mo. Lasing lang ako non!" Angal niya dito saka tumingin kay Delifico, unti-unting lumalamig ang tingin nito kay Scott.

"Totoo kaya! Tapos sinagot agad kita, then tomorrow morning nakipag-break na siya sakin. Matindi 'tong batang 'to." Natatawang sabi ni Scott na ginulo pa ang buhok niya. Nakangiwing iniwas niya ang ulo dito.

"Abnormal ka talaga." Ani niya dito. Naiiling na lumayo naman ito sakanya.

"Anong meron dito?"

Napatingin siya sa bagong dating, isang matangkad na lalaki. Hindi rin nahuhuli ang itsura nito kina Maxeau, mukha ngang mas malakas pa ang dating nito. Nakatawag pansin sakanya ang nunal nito sa sentido na mas nagpalakas ng dating dito. May hawak itong brown envelope. Dumako ang tingin nito sakanya pagkatapos ay sa katabi niya.

Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon