Warning: SPG
"Delifico? Delifico?"
Panay ang linga ni Sandra sa buong kwarto. Napaigtad siya nang biglang kumidlat ng malakas, napatingin siya sa orasang nakasabit sa dingding.
'Alas-sais na.... ang haba pala ng tinulog ko.'
Tinanggal niya ang kumot sa katawan pagkuway bumaba ng kama. Patuloy pa rin sa pagkidlat at pagkulog sa labas. Lumapit siya sa teresa at saka sinara ang pinto, sakto naman na bumuhos ang malakas na ulan. Naisipan niyang lumabas ng kwarto para hanapin si Delifico, ngunit sa pasilyo pa lang ay tumambad na sakanya ang dilim.
"Ano ba 'yan! Saka naman namatay 'tong ilaw." Naiinis na bulong niya at saka bumuga ng hangin. Kahit pa madilim sa pasilyo ay tinahak pa rin niya 'yon. Pakapad-kapa siya sa paligid.
"Delifico?!" Sigaw niya ngunit sumasabay lang sa boses niya ang malakas na kidlat. Unti-unti nang umusbong ang kahugkan sa puso niya, sanay naman siya na nag-iisa. Ngunit nang dumating si Delifico nasanay na naman siya na may nagtatanggol sakanya. Mahigpit siyang humawak sa hamba ng hagdan at kinapa ng paa niya ang hagdan. Wala siyang makita habang pababa.
"Nasan na ba 'yong lalaking 'yon?" Bulong niya. Ilang sandali pa ay nakababa na siya, naisipan niyang umupo muna sa unang baitang ng hagdan at niyakap ang sarili. Pakiramdam niya ay bumalik uli siya sa dati kung saan sa basement siya natutulog.
"D-delifico...." May bikig ang lalamunan na tawag niya dito ngunit kagaya lang kanina walang sumasagot kanina. Tinakpan niya ang tenga nang biglang marinig ang bagay na 'yon na animoy gumuhit sa kalangitan saka sinundan ng malakas na tunog at kulog.
'Delifico nasan kana ba?'
Napa-angat siya nang tingin nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. Nakaawang lang ang labi niya habang pinapakiramdaman ang pumasok na 'yon. Sunod niyang naaninag ang munting ilaw na 'yon.
"Delifico?" Tawag niya sa pangalan ng binata kahit pa hindi siya sigurado na ito nga 'yon. Bigla namang tumapat sakanya ang ilaw na 'yon, napapikit siya saka hinarang ang kamay sa ilaw.
"Sandra? Ba't nandiyan ka?"
Nakahinga siya ng maluwag nang marinig ang boses nito. Narinig niya ang yabag na 'yon na papalapit sakanya.
"A-ang lakas kasi ng kidlat.." Sabi niya rito, hindi pa rin niya nakikita ang itsura nito.
"Ganon ba? Halika ihahatid kita sa taas." Anito kasunod non ay naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya. Tumayo naman siya mula sa kinauupuan. Natigilan siya nang maramdamang basa ito.
"San ka galing? Ba't basa 'yung damit mo?" Tanong niya dito habang paakyat sila ng hagdan. Nakatutok ang ilaw mula sa cellphone nito sa dinadaanan niya.
"Dumating kasi sila Maxeau kanina nagpasama sakin. I can't say no to him, ubod pa naman ng kulit 'yung kulot na 'yon. Tapos pag-uwi ko baha pala banda sa north bound. Iniwan ko muna 'yung kotse ko sa talyer ng isang kaibigan ko saka ako naglakad."
Nanlaki ang mata niya. "Naglakad ka? Ang layo non dito ah? Dapat nakitulog kana lang sa mga kaibigan mo baka mamaya kung ano pang nangyari sayo."
She heard his chuckle. "Don't worry babe, I'm fine. Saka 'wag kang mag-alala, sinama ko naman si Thartarus sa paglalakad. Nag-aalala ako sayo wala kang kasama dito."
May kung anong bagay na humaplos sa puso niya dahil sa sinabi nito. Bahagya siyang ngumiti saka tumingin sa daanan. Pagdating nila sa kwarto ay pinisil nito ang palad niya.
BINABASA MO ANG
Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)
General FictionSYNOPSIS Hindi naniniwala sa kung ano mang elemento o kakatwang bagay si Delifico Fudoshiko, ngunit hindi niya akalain na mai-experience niya 'yon sa mansion ng mga Montanez, kung saan nakatira ang girlfriend niyang si Julie. Mas lalo pa siyang naka...