"Manang iwan mo muna kami ni Sandra dito..."Natigilan si Sandra nang marinig ang boses ni Julie sa bungad ng pinto ng kusina. Pinaghahain siya ni manang ng makakain ng pumasok ito, duda siya sa tono ng pananalita nito. Muling nagkaroon ng munting kaba ang dibdib niya dahil wala si Delifico.
"Ah...s-sige po maam." Ani manang at mabilis na lumabas ng kusina. Naramdaman naman niya si Julie sa tabi niya, mula sa gilid ng mata ay nakita niyang naglakad ito papunta sa lababo.
"So, how are you sis? Ilang araw din kitang hindi nakakausap.." Tanong nito, natigilan siya nang makitang kinuha nito ang kutsilyo sa tabi ng kalan. Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng bestida.
'Delifico.... nasan kana?'
Humarap sakanya si Julie habang nasa isang kamay nito ang matulis na kutsilyo.
"Kakaiba ka rin no? Kahit na baliw ka, nagagawa mo pa ring akitin ang boyfriend ko." Nakangising sabi nito at huminto sa paglapit sakanya.
"...oh baliw ka nga ba?" Dugtong pa nito. Hindi niya napigilan ang pagkurap ng mga mata.
"Well, sabagay kahit naman ako ang nasa kalagayan mo at walang sino mang ang naniniwala sayo magbabaliw-baliwan talaga ako hindi ba? Napaka-smart mo talaga sis.." Natatawang sabi nito.
'Magpapanggap kapa na baliw eh may sira na talaga 'yang ulo mo gaga!'
"Siguro ginagawa mo 'yan dahil inaakala mo na sa amin pa ang nanay at kambal mo hindi ba?"
Doon na siya tuluyang natigilan. May kung anong sumiklab sa dibdib niya at gusto niyang patayin ang kaharap.
"Well you're right sis. Si Sandro..... si Donya Juanita. Hayy... biruin mo tumagal sila sa kamay namin ng halos limang taon."
Nanginginig na tumingin siya dito.
"H-hayop ka...." Halos hindi lumabas sa bibig niya ang tinig na 'yon. Natigilan ito at unti-unting tumawa ng malakas. Nilapag nito ang kutsilyo sa tabi nito at nilapitan siya.
"So tama nga 'ko...." Nakangising sabi nito nang tumabi ito sakanya. Napasinghap siya nang bigla nitong hilahin ang buhok niya mula sa likod.
"Kung sila maloloko mo ako hindi..." Bulong nito sakanya habang hawak ng mahigpit ang buhok niya. Matigas ang tingin na hinila niya ang sarili mula dito.
"Bitawan mo 'ko hayop ka!" Matigas na sabi niya dito ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak mula sa buhok niya.
"Saan mo tinatago ang mga iniwan ni dad?"
Sarkastikang tumawa siya. "Wow... ulitin mo nga uli sinabi mo? Dad? Pagkatapos ng kahayupang ginawa mo may karapatan ka pa palang tawaging ama ang ama ko?!" hindi niya mapigilang sumigaw sa mukha nito.
"Julie?"
Natigilan sila nang marinig ang boses na 'yon.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Cedrick. Binitawan naman ni Julie ang buhok niya at saka lumapit sa bagong dating.
"Ayan, 'yang magaling mong ex hindi talaga totoong baliw.."
Bumaling naman sakanya si Cedrick at unti-unting ngumisi sakanya.
"Talaga?" Anito at akmang lalapit sakanya. Mabilis niyang kinuha ang kutsilyo at itinapat sa mga ito.
"Subukan niyo! Papatayin ko kayo!" Nanginginig ang hawak niya sa kutsilyo. Natawa naman si Cedrick at tumabi kay Julie.
BINABASA MO ANG
Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)
Ficción GeneralSYNOPSIS Hindi naniniwala sa kung ano mang elemento o kakatwang bagay si Delifico Fudoshiko, ngunit hindi niya akalain na mai-experience niya 'yon sa mansion ng mga Montanez, kung saan nakatira ang girlfriend niyang si Julie. Mas lalo pa siyang naka...