Chapter twenty-six

2K 60 0
                                    

"Eto gusto mo?"



Tinignan ni Delifico ang hawak niya.


"Ikaw gusto mo ba? Kunin mo na rin." Nakangiting sabi nito at kumuha pa ng tatlong fresh milk at nilagay 'yon sa cart. Nakangiting nilagay na rin niya sa push cart ang hawak. Naisipan nilang mag-grocery, noong una ay nag-aalinlangan siya na baka makita sila ni Julie ngunit sinabi nito sakanya na wala itong pakialam. Noong araw na kinuha siya nito kina Julie ay nakipaghiwalay na pala ito sa dalaga. Hindi naman niya alam kung ano ng balita sa mga ito.


"You like chocolate babe?"


Binalingan niya ito, nakita niyang naglagay ito ng mga chocolates kahit ano basta chocolate.


"Sige maglagay kana rin, puro kasi beer ang laman ng ref mo." Natatawang sabi niya saka muling tumingin sa mga nadadaanan niya habang si Delifico ang nagtutulak ng cart. Nakapulupot ang mga isang kamay niya sa braso nito. Natigilan siya nang makita ang ilang college student sa harap nila.


'Nakaka-miss mag-aral...'



"Babe how about thi----



Napipilitang bumaling siya kay Delifico. "Ha? Ano 'yon?" Nakangiting sabi niya. Nakita niyang nakatingin ito sa tinitignan niya kanina, nilingon siya nito.



"Gusto mo bang tapusin uli ang course mo?" Nakangiting sabi nito. Natigilan naman siya, saglit nitong tinigil ang cart pagkuway bumaling sakanya.



"Alam ko na second year college ka na. Gusto mo bang uling pumasok?"


"Ano kaba..." Natatawang sabi niya saka humawak sa cart. "....malabo ng mangyari 'yon, sa sitwasyon ko ngayon."



"Babe pwede ka namang mag-online course. Mag-aaral ka habang nasa bahay ka, ako na ang bahala sa mga kailangan mo."



Umiling siya at saka siya na mismo ang nagtulak sa cart. "Huwag na, kahit papano naman nakatuntong ako pa rin ako sa college. Masyado na 'kong nahihiya sayo Delifi----



"Ibang tao pa rin ba ang tingin mo sakin?"



Natigilan siya sa sinabi nito, dahan-dahan niyang binalingan ito. Nasa likod niya ito. Nakatitig ito sakanya habang nakasuksok ang kamay sa bulsa.


"Ano kaba? Hindi no... tama na sakin 'yung natutunan ko. Isa pa, hindi ko naman maiwasang mailang sa tuwing naglalabas ka ng pera para sakin Delifico." Sabi niya dito saka ito ningitian. "...... saka na lang ako babalik sa pag-aaral kapag nabawi ko na ang mansion kina Julie." Dugtong pa niya pagkuway muling tumalikod.



"Hindi mo man lang tatanggapin ang offer ng future husband mo?"



"Delifico  ayok----" Natigilan siya nang mag-sink sa isip niya ang sinabi nito, muli niya itong binalingan.



"Anong sabi mo?" Tanong niya dito. Ngumiti ito sakanya pagkuway lumapit sa direksyon niya, kinulong siya nito sa bisig nito at hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa push cart.



"Sabi ko hindi mo man lang ba tatanggapin ang offer ng future husband mo?" Nakangiting sabi nito habang nakatingin sa harap. Naramdaman niyang muling tinulak nito ang cart at dahil nasa loob siya ng bisig nito kaya napahakbang na rin siya.




"Even you accept my offer or not Sandra papakasalan pa rin kita kapag natapos ang lahat ng 'to." Anito, tahimik na tumalikod siya at pailalim na tinignan ito.



"Sigurado ka?" Halos pabulong na sabi niya dito.



"Oo.... bakit parang ikaw ang hindi sigurado ha? Gusto mo naman atang mabugbog mamaya?"



Natawa na lang siya sa 'bugbog' na sinabi nito. Naalala niyang halos madaling araw na silang nakatulog, kahit pa nga nakatulog na siya ay hindi pa rin siya nito tinantanan. Naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa tuktok ng ulo niya.



"I love you Sandra... kaya hindi ako papayag na hindi ako ang lalaking papakasalan mo. Hindi ako papayag na mapabilang sa mga Ex mo." Anito at pinisil pa ang likod ng kamay niya.



"......dahil wala na akong balak na pakawalan kapa Sandra kahit na dumating ang araw na mawala man ang nararamdaman mo para sakin hindi ko pa rin hahayaang lumayo ka sa tabi ko."



Hindi niya maiwasang mapangiti sa sinabi nito. "Paano kung mawala nga ang nararamdaman ko sayo? Anong gagawin mo?"


Naramdaman niyang sumandal ang baba nito sa balikat niya. Naamoy niya pa ang mabangong hininga nito.



"Hindi ko papakinggan ang mga paliwanag mo..." Nakangiting sabi nito saka sinilip ang mukha niya. "......magbibingi-bingihan ako. You are mine and nobody can change it." Anito at dinampian ng halik ang sentido niya.



"At saka tayo mag-uumpisa uli sa una...." Anito at saka napalabi. "....san nga ba tayo nag-umpisa? Ah, sa kam---



Natatawang hinila niya ang buhok nito. "Ewan ko sayo.." Aniya at tinulak ang cart. Hindi naman ito lumayo mula sa likuran niya, hinayaan niya lang ito kahit pa may mangilan-ngilan na nakatingin sakanila.

Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon