"Mabuhay ang bagong kasal!"
Naiiling na binawi ni Delifico ang tingin kay Maxeau na nasa gitna ng stage. Hinanap niya ng tingin ang asawa, natagpuan niya ito sa buffet table. Nakikipag-usap ito kay Don Kiko at sa ina nito na kalong ang anak nilang babae. Nakangiting pinasadahan niya ng tingin ang asawa saka niya hinawakan ang singsing.
'Fuck! I can't believe this.... finally, she's all mine.'
"Hey Delifico.."
Napatingin siya sa tumawag sa pangalan niya, papalapit sa direksyon niya sina Grey. Nakisalo ang mga ito sa mesa.
"Bakit?" Takang tanong niya nang makita ang mukha ng mga ito. Tinignan muna ni Grey si Sandra pagkuwa'y binalingan siya.
"May balita na kami tungkol sa kambal ni Sandra."
Napaayos naman siya ng upo.
"Ayos lang ba siya?" Tanong niya sa mga ito.
"Sigurado ako na mabibigla kayo dito. Nabalitaan mo ba 'yung brutal na pagpatay kay Don Augusto sa hospital mismo kung saan na-confine ka?"
Kumunot ang noo niya bagama't nagkakaroon na siya ng hinala. Huminga ng malalim si Grey.
"Si Sandro ang may gawa non, hindi nakita sa CCTV camera ang mukha niya pero nakasalubong siya sa hallway ni Maxeau. Nabanggit sakin ni Maxeau na nakasalubong niya daw si Sandra at may dugo ito sa mukha. At alam naman natin na malabong si Sandra 'yon, sigurado ako na 'yon si Sandro."
Namigat ang dibdib niya sa nalaman.
"Ang masama pa nito, isa siya sa miyembro namin. Kahapon lang siya pinakilala samin ni Damon bilang bagong assassin ng grupo." Sabi naman ni Tunaco.
"Sigurado ako na siya ang kasama ni Damon nang bumalik siya dito sa Pilipinas." Sabi naman ni Serionifo saka natigilan.
"...... alam mo bang patay na rin si Judge Solaida at ang ama ni Cedrick." Sabi pa nito.
"Si Sandro..." Usal niya.
"Sshh... nandiyan na si Sandra." Bulong ni Grey saka kinuha ang wine glass.
"Saka na natin pag-usapan 'to, as of now ayoko munang malaman niya 'to. I don't wanna ruin her night.." Pasimpleng bulong niya sa mga kaibigan at binalingan ang asawa. Nakangiting tumayo siya at sinalubong ito.
"Mukhang seryoso kayo diyan ha?" Nakangiting sinabi nito. Hinaplos naman niya ang pisngi nito.
"Wala, nag-usuap lang kami kung pano namin dadalhin sa mental si Maxeau." Nakangiting sabi niya, kunot-noong tumingin naman ito sa direksyon ni Maxeau na sumasayawa kahit hindi naman hiphop ang tugtog.
"Angel! angel!" Sigaw nito habang nagcha-cha. Natatawang hinila niya sa gitna ng stage si Sandra, saktong napalitan naman ang panibagong tugtog. Dahan-dahan niyang hinapit sa bewang ang asawa.
'Don't the water go the trees..
Don't the moon pull the tide
Don't the stars light the sky
Like you need to light my life....
Nakangiting pinulupot nito sa leeg niya ang mga braso.
...if you need me anytime
You know I'm always right by your side
See I've never felt this love
You're the only thing that's on my mind
"Thank you babe... akala ko hindi kana babalik sakin eh." Sabi nito sakanya pagkaraan. Hinaplos niya ang bewang nito at hinalikan ang noo nito at tinitigan ito.
"Alam mo naman na hindi kita iiwan 'diba? Sinabi ko 'yan sayo.... hindi ako aalis sa tabi mo kahit na anong mangyari." Nakangiting sabi niya.
You don't understand how much you really mean to me
I need you in my life you're my necessity
But believe me that you're everything..
That just makes my world complete my love is clear
The only thing that I all I ever see...
Babawi siya dito sa mga panahong wala siya sa tabi nito. Gagawin niya ang lahat upang hindi ito mapahamak sa piling niya, siya ang babawi sa ilang taong paghihirap nito sa mga taong humawak ng buhay nito...
You're all I ever need....
Baby, you're amazing
You're my angel come and save me...
You're all I ever nee....
Baby, you're amazing
You're my angel come and save me...
Mas lalo niyang hinapit ito at buong pagmamahal na tinitigan ito.
"I love you Delifico and thank you for everything..."
Bumaba ang labi niya sa tungki ng ilong nito.
"I love you too babe...." Usal niya at hinalikan ang labi nito.
She is his destiny, the girl who put a fear in his heart many years ago... ngunit ito rin ang naging gamot niya upang tuluyang mawala 'yon. At ang manatili sa tabi nito panghabang-buhay ay isang pangarap na natupad para sakanya..
-------------****
TUMAAS ang sulok ng labi ni Sandro nang makita ang kasiyahan sa mukha ng kambal kasama ng lalaking 'yon. Inalam niya ang lahat kay Delifico mula sa mga impormasyong kinuha niya mula kay Damon. He just want to make sure.
Kahit papano ay mapapanatag siya dahil kasama nito ang lalaking handang ipagtanggol ito. Pinuno niya ng hangin ang dibdib saka tumalikod. Yumuko siya at binilang ang bawat hakbang. Simula nang iwan niya ang pamilya ay wala ng direksyon ang buhay niya.... at ang nakaraan niya ang makakasama niya habang iniisa-isa ang mga taong may gawa ng lahat. Hindi pa siya nakakalayo ng hakbang nang muli niyang balingan ang reception.
'Mama.... Sandra, 'wag kayong mag-alala hindi ko pa rin kayo pababayaan.'
THE END
BINABASA MO ANG
Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)
General FictionSYNOPSIS Hindi naniniwala sa kung ano mang elemento o kakatwang bagay si Delifico Fudoshiko, ngunit hindi niya akalain na mai-experience niya 'yon sa mansion ng mga Montanez, kung saan nakatira ang girlfriend niyang si Julie. Mas lalo pa siyang naka...