"Aalis muna ako ngayon Sandra, but don't worry mahal. Babalik din ako mamaya.."'Kahit hindi na!'
Nanatiling walang emosyon at tulala sa kisame si Sandra ngunit kuyom ang kamao niya mula sa ilalim ng kumot. Halos pigil niya ang sarili na 'wag niya itong sigawan tuwing hahawakan siya nito.
'Delifico nasan kana ba? Sabi mo babalikan mo 'ko?'
Halos mag-init ang sulok ng mata niya, kanina niya pa iniisip kung babalikan pa ba siya ni Delifico o hindi. Kahit pa may pag-aalinlangan pa rin siya dito naroon pa rin ang pakiramdam niya na si Delifico lang ang tanging maasahan niya ngayon.
Napakurap siya nang halikan siya ni Cedrick sa pisngi. Parang gusto niyang pahiran 'yon mismo sa harap nito.
"Kung hindi mo lang kasi ako iniwan non edi sana masaya tayo ngayon. Hindi ka sana ganyan ngayon.." Nakangising sabi nito.
'Gago! Tandaan mo isa ka sa pagbabayarin ko!'
Hinaplos muna nito ang buhok niya saka tumalikod. Dahan-dahan niyang binuga ang hangin sa dibdib niya nang lumabas na ito ng kwarto niya. Hindi pa rin siya kumikilos sa higaan dahil nag-aalala siya na baka hinuhuli lang siya nito. Dahan-dahan niyang pinakawalan ang luha, pakiramdam niya nag-iisa siya ngayon sa kalagayan niya. Ngayong nandito na ang isa sa mga taong hindi niya gustong makita pakiwari niya ay lalo siyang lumulubog.
"Sandra..."
Napakurap siya nang marinig ang boses na 'yon. Mabilis siyang lumingon, mula sa balkonahe niya ay nakita niyang papasok si Delifico. Mabilis siyang umupo sa kama.
"Delifico...." Bulong niya. Ilang sandali muna siya nitong tinignan bago ito lumapit ito sa pinto ng kwarto niya. Ni-lock nito 'yon at muli siyang binalikan.
"S-saan ka galing?" Tanong niya dito, umupo naman ito sa tabi ng kama.
"Kanina pa 'ko sa balkonahe mo. Ayos ka lang ba? Wala ba siyang ginawa sayo?"
May kung anong humaplos sa puso niya nang mabasa niya ang pag-aalala sa mukha nito. Humihikbing umiling siya dito, pinagsiklop niya ang mga palad sa hita para pigilan ang sarili na yakapin ito.
"Sandra.... sabihin mo sakin kung anong nangyari dito.."
Tumitig siya sa mukha nito. Hinawakan naman nito ang kamay niya at pinisil 'yon.
"Please... I want you to trust me Sandra."
Ilang sandali siyang tumitig sa mukha nito.
"H-hindi mo kailangang ma-involved sa buhay ko Delifico. Ikaw ang b-boyfr----
"Shut up! Fuck Sandra! Ano sa tingin mo ang ginagawa ko dito kung palagi mong iisipin na boyfriend ako ni Julie?!"
Nagulat siya sa sigaw nito, takot na tumingin siya sa pinto.
"Wala silang lahat dito. Magkasabay na umalis sila Cedrick at Julie."
Muli siyang bumaling sa binata. Malambot na ang bukas ng mukha nito.
"Sandra please..." Dalawang kamay nito ang humawak sakanya. ".....sana sapat na 'yung ginagawa ko para pagkatiwalaan mo 'ko. Simula nang tulungan kita pinangako ko sa sarili ko na unti-unti akong papasok sa mundo mo..."
BINABASA MO ANG
Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)
General FictionSYNOPSIS Hindi naniniwala sa kung ano mang elemento o kakatwang bagay si Delifico Fudoshiko, ngunit hindi niya akalain na mai-experience niya 'yon sa mansion ng mga Montanez, kung saan nakatira ang girlfriend niyang si Julie. Mas lalo pa siyang naka...