Chapter nine

2.3K 74 4
                                    

"What do you think hon? Sabi ng mga kaibigan ko maganda daw ang night life sa Maldives.."




Saglit na tinanggal ni Delifico ang tingin sa direksyon ni Sandra at binalingan ang katipan.


"Sa susunod na lang, marami kasi akong kailangan ayusin. Bukod don uuwi sa susunod na buwan si Akashe." Sabi niya dito.


"Talaga? Wow.. okay, so batangas na lang muna tayo? Three nights lang naman eh." Pangungulit nito. Nagkibit-balikat siya dito.


"Ikaw bahala. Ah... pwede bang ipagtimpala mo 'ko ng kape? Mukhang sinisikmura ako eh." Nakangiting sabi niya dito. Masayang umalis naman ito sa tabi niya.


"Sure. Hintayin mo 'ko diyan ah..." Nakangiting sabi nito saka tumayo at pumasok sa mansion. Muli siyang tumingin sa direksyon ni Sandra, nakaupo ito sa damuhan habang tinatangay ng hangin ang buhok nito. Nakita niyang nilapitan ito ni manang at sinuklay ang mahabang buhok nito. Hindi niya alam kung bakit habang tumatagal ay gusto niyang palaging nakikita ito. Gusto niya ang pakiramdam ng presensya nito. Bumaba ang mata niya sa braso nito, she's wearing a sleeveles. Napatuwid siya ng upo nang makita ang peklat sa braso nito. Mukhang medyo sariwa pa 'yon.



'Palagi kasing mahahabang mangas ang suot niya...'



"Hon eto na..."


Hindi pa rin niya binabawi ang tingin sa sugat ni Sandra.


"Delifico?"


Napipilitang binawi niya ang tingin dito at binalingan si Julie. Nilapag nito sa harap niya ang isang tasa ng kape.



"Anong nangyari sa braso ng kapatid mo?" Kunot-noong tanong niya dito. Natigilan naman ito at tumingin sakanya, nilingon nito ang direksyon nila Sandra at mailap ang matang bumaling sakanya.



"Sigurado ako na sinasaktan na naman niya ang sarili niya." Sabi nito saka umupo sa katapat niyang silya.


"Ganyan naman palagi 'yan si Sandra eh. Kahit no'ng matino pa siya.." Ani Julie. Lalong kumunot ang noo niya.


"What do you mean?"



Hminga ito ng malalim saka tumingin sa direksyon ni Sandra. "Kapag hindi kasi nasusunod ang gusto niya noon sinasaktan niya ang sarili niya. Kapag meron din ako, gusto niya meron din siya." Pagku-kwento nito at binalingan siya.



"Lalo na no'ng gusto ni tita na maghiwalay na sila ni Cedrick."


Mas lalong nagsalubong ang kilay niya.



"Boyfriend niya si Cedrick, pero ayaw dito ni tita. Mukha daw kasing sasaktan lang ni Cedrick ang anak niya. Siyempre, dahil matigas ang ulo ni Sandra tumutol siya kay tita. At siguro naubusan na ng pasensya si tita sa anak niya, hindi nakalabas ng ilang linggo si Sandra dito sa mansion. Pero hindi pa rin 'yon nakatulong dahil lalo lang nagmatigas si Sandra. Kaya ayun, nakipagtanan siya kay Cedrick."



Natigilan siya sa sinabi nito. 'Si Sandra nakipagtanan?!'



Hindi niya alam kung bakit nainis siya sa bagay na 'yon.



"Isang linggo silang pinahanap ni tita. Tumulong na nga rin si papa, Nakitira pala sila ni Cedrick sa isang tiyuhin niya sa masbate."


Hindi naman siya nakaimik sa sinabi nito, malamig ang ekspresyon na bumaling muli siya kay Sandra.....




--------*******



ALAM ni Sandra na nakatingin pa rin sa direksyon niya si Delifico. Hindi niya alam kung anong iniisip nito habang nakatingin sa direksyon niya. Kahit kasama nito si Julie ay na sakanya pa rin ang mata nito.



Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon