Chapter twenty-three

2.4K 76 2
                                    

"Sigurado kaba?"



"Yep, kinuha ko ang footage ng CCTV camera sa parking area kung saan nakaparada ang kotse ni Don Kiko." Sabi ni Maxeau habang nakatutok ang tingin sa laptop nito.



"Watch this." Anito pagkuway gumilid, tumingin naman siya sa laptop nito. Kumunot ang noo niya nang makita ang dalawang matangkad na lalaki sa tabi ng kotse ni Don Kiko. Ilang sandali pa ay nakita niyang naglalakad na ang matanda papunta sa kotse nito nang bigla itong lapitan ng dalawang 'yon. Nakita niya pang nag-usap ang mga ito, lalong nagsalubong ang kilay niya nang basta na lang ito sumama sa dalawang 'yon.



"Hindi man lang siya tumutol?" Aniya.



"Sigurado ako na may sinabi ang dalawang 'yan kay Don Kiko kaya napapayag nila ang matanda. At isa pa, hindi lang basta-basta si Augusto.."


Kunot-noong binalingan niya si Maxeau. "What do you mean?"


Kinuha ni Maxeau ang isang folder na nasa tabi ng laptop nito saka nito inabot sakanya.



"Kapatid siya ni Don Fred at sa tingin ko magka-sosyo ang dalawa sa paghahanap sa kayamanan ng mga Montanez."



Pakiramdam niya ay may kung anong mabigat na bagay ang pumatong sa ulo niya.


"Siguradong malaking gulo 'to 'pag nagkataong makanti natin ang isa man kina Julie at Don Augusto." Sabi ni Maxeau.



Madilim ang mukha na kinuha niya ang folder. "Wala akong pakialam." Matigas na sabi niya saka ito tinalikuran.



"Sandali Delifico-ddy! Mamaya kakausapin ka ni Grey, nabanggit ko sakanya ang tungkol dito."



Tinaas niya lang ang kamay at tuluyang lumabas ng office nito.



------*****





"Sandra?! Sandra?"



Nag-angat ng tingin si Sandra nang marinig ang boses ni Delifico sa ibaba. Nakangiting tinapos niya ang paglilinis pagkuway lumabas ng kwarto at patakbong bumaba.



"Hey careful, baka naman madapa ka." Anito nang makita siya. Nakangiting lumapit siya dito.



"Nakauwi kana, buti nakapag saing na 'ko. Niluto ko na rin 'yon frozen meat diyan, mukhang matagal nang naka-stock don." Sabi niya dito. Nakita niyang natigilan ito at tumitig sa mukha niya. Ngunit saglit lang 'yon at agad itong ngumiti sakanya.



"Marunong kapa lang magluto?" Nakangiting tanong nito sakanya. Tumango siya dito.



"Oo naman, sa tuwing nagluluto si mommy palagi ako ang kasama niya sa kusina. So, nakikita ko 'yung mga ginagawa niya." Aniya at napatingin siya sa mga dala nito.



"Ah... by the way, may mga pinamili pala ako sayo." Anito saka inabot sakanya ang mga hawak. Kunot-noong kinuha naman niya 'yon saka ang mga dala nito. Parang napunta ang dugo sa mukha niya nang makita ang mga panloob. Mukha pa ngang kasya 'yon lahat sakanya.



"Don't worry, may kasama ako nang bilhin ko 'yan. May mga blouse, nighties at mga pambahay saka jeans din diyan tignan mo kung kasya sayo" Nakangiting sabi nito sakanya. Tiningala niya ito, gusto sana niyang itanong dito kung sino ang kasama nito kaya lang 'wag na lang. Baka mamaya kung ano pang isipin nito.



"Salamat Delifico, nag-abala kapa dito." Nakangiting sabi niya saka tumingin sa mata nito.



"Wag kang mag-alala, kapag maayos na ang lahat babawi ako sayo." Dugtong pa niya.



Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon