"Delifico? Delifico?"
Nagtatakang bumaba sa kama si Sandra, inaasahan kasi niya na pag gising niya ay si Delifico ang mabubungaran niya. Ngunit nagtataka siya kung bakit wala ito ngayon sa tabi niya. Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri pagkuway lumabas ng kwarto. Biglang bumalik sa isip niya ang pangungulit nito na muli siyang mag-aral. Tinanggap na rin niya 'yon sa huli, mamaya ay tutulungan daw siya nito para makapag-enroll sa online course.
"Talaga? Sa tingin mo ayos lang si Don Kiko?"
Natigilan siya nang marinig ang boses na 'yon mula sa kusina.
'Si Tiyo? Anong nangyari sakanya?'
Bigla siyang kinabahan sa isiping baka napahamak ito.
Narinig niya ang pagbuga ng hangin nito. "Mainit na rin ako sa mata nila, sigurado ako na hindi sila titigil hangga't hindi nakikita si Sandra. Anong sabi ni Lucioun?"
Bahagya niyang sinilip ito, nakatalikod ito sa direksyon niya habang nasa tenga nito ang cellphone. Lumabas siya mula sa pinagtataguan.
"Ganon ba? Sige, mamaya magsisimula na tayo. Magdadahilan lang ako kay Sandra.... okay, bye." Anito pagkuway pinatay ang tawag.
"A-anong nangyari kay Don Kiko?" Tanong niya dito habang abot-abot ang kaba niya. Nakita niyang natigilan si Delifico at dahan-dahang bumaling sa direksyon niya.
"Babe..." Anito at mabilis na lumapit sakanya.
"Anong nangyari sakanya Delifico? May nangyari bang masama sa tiyuhin ko?" Kinakabahang tanong niya habang hinuhuli ang mata nito. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso.
"Halika kumain mun----
"Delifico may karapatan akong malaman ang nangyayari sa pamilya ko. A-anong nangyari sa tiyuhin ko?" Garalgal na tanong niya dito. Ilang sandali siya nitong tinitigan pagkuway pinisil ang braso niya.
"No'ng araw na kinulong ka nila Julie may kumuha kay Don Kiko...." Sabi nito. Halos pangapusan naman siya ng hininga, nanginginig na hinawakan niya ito.
"S-sinong may gawa non? S-sila Julie ba? Nakita na ba siya? Please Delifico sabihin mo saki----
"Sshhh.. babe it's okay..." Putol nito sa sasabihin niya kasabay ng pagyakap sakanya. "....mamaya pupunta kami sa mansion niyo. Sigurado ako na hindi agad papatayin ng mag-ama si Don Kiko dahil ikaw ang kailangan nila."
Bumukal ang masaganang luha sa mga mata niya, pigil ang hikbi na kumalas siya dito.
"I-isama mo 'ko don Delif----
"No----
"Please Delifico..." Halos pagmamakaawa niya dito. ".....ako ang kailangan nila at alam ko kung nasaan ang kayamanan na tinago ni daddy. Please... para mo ng awa isama mo 'ko."
"Sandra mapapahamak ka----
"I know, pero mas mapapahamak ang tiyuhin ko. S-siya na lang ang pamilya ko Delifico..." Humihikbing sabi niya at hinawakan ang braso nito. Mabilis itong nag-iwas ng tingin sakanya at bumuga ng hangin. Tinalikuran siya nito.
"Delifico please..." Habol niya dito, nakita niya ang pagkuyom ng kamao nito at muling bumaling sakanya.
"Ang mama mo Sandra..." Anito habang hindi tumitingin sakanya. ".....kinulong nila sa mansion ang mama mo sa mahabang panahon."
Nanginginig na pinagsiklop niya ang palad. "S-si...... mama?"
Tumango ito. "Buntis din ang mama mo no'ng araw na mawala siya."
Pakiramdam niya ay nawala ang lahat ng dugo sa katawan niya, napahawak siya sa gilid ng mesa dahil sa matinding nginig na nararamdaman.
"Sigurado ako na walang inamin na kahit ano ang mama mo Sandra. At isa pa.... hindi mo totoong kapatid si Julie, hindi siya totoong anak ng ama mo."
Napatingin siya dito. "A-anong ibig mong sabihin."
Huminga ito ng malalim. "Dahil ang totoong ama niya ay si Don Augusto. Pinaako ni Augusto ang anak niya simula nang patayin niya ang asawa niya na ina ni Julie."
"S-si Vina..." Halos pabulong na sabi niya, alam niyang ang babaeng 'yon ang naging babae ng ama niya. Pero hindi niya alam na may connection ito kay Augusto.
"Naghihinala siya na may relasyon ang ama mo at si Vina kaya sinabi niya sa ama mo na nagbunga ang pakikipagrelasyon ng ama mo sa asawa niya. At si Julie ang batang 'yon. Pinalabas niya na wala lang sakanya ang bagay na 'yon pero ang totoo ay punong-puno ng galit ang matanda. Pinatay niya si Vina nang hindi siya ang pinaghihinalaan...."
"A-ano? Siya ang may gawa non sa a-asawa niya?" Nanginginig na tanong niya lalo't naalala niya pa ang paraan ng pagpatay kay Vina. Lumapit naman sakanya si Delifico at pinaghila siya ng upuan. Nanghihinang umupo naman siya at sinapo ang ulo.
"Are you okay babe?" Nag-alalang hinawakan ni Delifico ang kamay niya. Tiningala niya ito.
"Delifico, isama niyo ako please. Gusto kong makita sila mama...." Pagmamakaawa niya dito. Ilang sandali siya nitong tinitigan.
"Sige.... pero sa loob ka lang ng van maliwanag ba?"
Tumango naman siya dito at muling sinapo ang ulo. Lumuhod naman sa tabi niya si Delifico para magpantay sila.
"Hindi ba sinabi ko sayong 'wag kang umiyak? Alam mo naman na 'yon ang kahinaan ko Sandra..."
Binalingan niya ito at nakangiting yumakap sa leeg nito.
-------*****
NANGHIHINANG ingat niya ang ulo, napangiwi siya nang maramdaman ang pagmanhid ng binti at sakit sa sentido. Natigilan siya nang maamoy ang masangsang na bagay na 'yon. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata, ganon na lang ang gulat niya nang bumungad sa paningin niya ang isang babae.
"Ah!" Tili niya at takot na umatras. Nakita niyang umatras din ang babaeng 'yon at niyakap ang sariling tuhod. Kumunot ang noo niya nang mabistahan ang mukha ng babaeng 'yon.
"Donya Juanita!" Gulat na sabi niya at akmang lalapit dito ngunit lumayo lang ito sakanya at sumiksik sa sulok.
"Donya Juanita ako 'to si manang... naalala mo pa ba ako?" Aniya dito ngunit wala siyang nakuhang sagot. Hinihingal na nilibot niya ang buong paligid. Nasa isang kulungan sila habang ang sapin na pinapatungan nila ay putik at mga dumi. Paluhod na lumapit siya sa maliit na rehas saka sumigaw.
"Tulong! Tulungan niyo kami!!" Sigaw niya ngunit nag-e-echo lang ang boses niya. Pakiwari niya ay nasa loob sila ng isang tunnel, takot na muli niyang binalingan si Donya Juanita.
"Juanita..." Usal niya sa pangalan nito at tinignan ang kabuuan nito. Magulong buhok at sobrang payat na nito na halos kita na ang buto. Naalala niya bigla ang babaeng minsan namamataan niyang palibot-libot sa buong mansion. Akala niya ay guni-guni lang niya 'yon, napansin niya ang lampin na hawak nito. Madumi na 'yon at may dugo, naiiyak na sumalampak siya sa sahig at naawang tinignan ang kaharap. Natigilan siya nang maalala si Sandro.
"Juanita nasaan si Sandro? Buhay din ba siya? Nasaan siya?" Sunod-sunod na tanong niya dito ngunit nakatingin lang ito sakanya. Nanhihinang sumandal siya at tumingin sa labas.
'Sandra.... iha, tulungan mo kami...'
--------***
A/N: Two chapter po ang update ko since malapit-lapit na 'tong matapos. Hope you like it guys! 😊
BINABASA MO ANG
Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)
General FictionSYNOPSIS Hindi naniniwala sa kung ano mang elemento o kakatwang bagay si Delifico Fudoshiko, ngunit hindi niya akalain na mai-experience niya 'yon sa mansion ng mga Montanez, kung saan nakatira ang girlfriend niyang si Julie. Mas lalo pa siyang naka...