Chapter twenty-two

2.3K 63 7
                                    

Matigas na umiling si Sandra nang muli na naman siyang susubuan ni Delifico ng mansanas. Inilayo niya ang bibig sa kamay nito.



"Sandra kailangan mo nito para makabawi ka ng lakas." Nandidilat ang matang sabi nito. Umiling siya dito.


"Busog na nga 'ko Delifico." Sabi niya dito. Umiiling na nilapag naman nito ang mansanas sa mesang nasa tabi ng hospital bed. Binalingan siya nito.


"Wala ka na bang nararamdaman kahit ano?" Nakangiting sabi nito. Tumango-tango naman siya at ningitian ito.



"Oo naman, salamat ha? Akala ko talaga iniwan muna ako. Muntik na 'kong maniwala sa sinabi ni Julie." Mapait na sabi niya dito.



"Ano bang ginawa niya sayo?"



Ilang beses siyang kumurap nang muling bumalik sa isip niya ang inamin ni Julie. Tumingin siya sa mata ng kaharap.



"Delifico.... hawak nga nila ang kambal at mama ko. M-magkasabwat silang dalawa ni Cedrick nang patayin si papa.." Matigas na ani niya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata nang maalala 'yon. She's useless, wala man siyang nagawa para mailigtas ito.



Kumunot ang noo ni Delifico. "Si Cedrick? Kasabwat nila?"



Pinilit niya ang sarili na 'wag mapahikbi. "N-noong gabi na hinahanap ko sila mama at papa, na-narinig ko na parang may ingay sa garden namin kaya nagpasya akong magtago sa pagitan ng malaki naming vase. Madilim sa part na 'yon kaya walang makakapansin sakin." Naramdaman niya ang muling paggulong ng luha sa mukha niya. Hinawakan nito ang kamay niya.



"Sshhh.. it's okay, 'wag mo ng sabihin kung hindi mo kaya. I get it." Nakatitig na sabi ng kaharap niya. Bahagya siyang yumuko at pinunasan ang luha, muli siyang tumingin kay Delifico.



"H-hindi ko alam kung b-bakit nangyari samin 'to Delifico...." She sobbed.


"W-wala kaming i-inagrabyado na kahit na sino. A-ang gusto lang nila dad ay maging maayos kaming lahat." Hindi niya mapigilan ang mapahikbi sa harap nito.


Ilang sandali itong kumurap habang nakatingin sakanya pagkuway nag-iwas ng tingin sa mukha niya. Gumapang ang palad nito papunta sa siko niya at dahan-dahan siyang hinila. Napakurap siya nang maramdaman ang pagpulupot ng mga braso nito sa katawan niya habang ang pisngi niya ay nakalapat sa dibdib nito. Unti-unting umusbong ang kabog sa dibdib niya ngayong malapit na malapit siya dito.



"Walang kahit na sinong pwedeng makapanakit sayo Sandra hanggat kasama mo 'ko. Wala na..." Puno ng ka-seryosohan na sabi nito.




"And please.... don't cry Sandra." Matigas ang tinig nito, napakurap siya sa sinabi nito. Akmang lalayo siya dito nang yakapin lang siya nito ng mahigpit.



"Because that's my weakness. If you want to cry, just tell me and let me hug you...." Bahagyang lumambot ang tinig nito kasabay ng pagpisil sa balikat niya, may kung anong bagay na nalaglag sa sikmura niya dahil sa sinabi nito. Unti-unti niya itong tiningala.



"Delifico...."


Dahan-dahan naman siya nitong binitawan pagkuway bumaling sakanya.



"Matulog kana anong oras na oh, baka mabinat kapa." Nakangiti ng sabi nito, tumayo na ito pagkuway pumunta sa mahabang upuan na nasa sulok.



"D-diyan ka matutulog?" Tanong niya dito. Umupo ito doon saka hinubad ang itim na jacket na suot. Binalingan siya nito.



"Oo, komportable ako dito 'wag kang mag-alala."



Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon