Five Months Later.....
NAKANGITING nilapag na ni Sandra ang sponge nang matapos niya ng punasan ang katawan ni Delifico. Hinaplos niya ang buhok nito, kahit papano ay magaan naman ang pakiramdam niya lalo't in-assure naman ni Doc na stable na ang kalagayan nito. Araw-araw ay nasa tabi siya nito, aalis lang siya sa tuwing sinasamahan niya ang kanyang ina sa charity. Katuwang nila ang mga kaibigan ni Delifico na hindi rin naman umalis sa tabi nila. Ang mga perang ipinamalit sa mga gold bar ay naipamigay na sa mga nangangailangan. Ang mga katumbas naman ng mga alahas at gintong nakatago sa portrait ng abuela niya ay inihulog sa home for the agent. Samantalang ang mansion nila ay pinaayos nila dahil balak nila 'yong ibenta. Nakangiting hinaplos niya ang buhok ni Delifico.
"I love you Delifico..." Nakangiting sabi niya dito habang nakatitig sa nakapikit nitong mata saka bumaba ang palad niya papunta sa may kalakihan niyang tiyan. Tatlong araw na ito sa hospital nang makumpirma niya na buntis siya. Masaya para sakanya ang kanyang ina, maging ang pamilya ni Delifico na galing dito noong nakaraang linggo. Pinaglilihian pa nga niya ang kapatid nitong Akashe. Naisipan na rin niyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa isang online. Ayaw pa nga siyang payagan ng ina dahil baka makasama 'yon sa dinadala niya. Hindi naman hassle sakanya dahil tatlong beses sa isang linggo lang naman ang sched niya, minsan pa nga ay sa hospital siya nagre-review.
"Sandra iha..."
Napalingon siya sa nagsalita.
"Tito Kiko..." Nakangiting sabi niya, tumayo siya at nagmano dito. Muli siyang umupo sa tabi ni Delifico. Dumako ang tingin nito kay Delifico.
"May improvement na ba?" Tanong nito, binalingan niya si Delifico.
"Kaninang umaga gumalaw 'yung isang daliri niya...." Nakangiting sabi niya at binalingan si Don Kiko. ".... magandang senyales 'yon. Sabi ni Doc hindi magtatagal ay magigising na siya."
Tumango-tango ito at bumuga ng hangin. "Wala man lang akong nagawa para iligtas ang ama mo. Kasama mo lang pala ang mga may gawa non sakanya... kung alam ko lang iha hindi ko sana hinayaang mangyari sainyo 'to."
Ningitian niya lang ito. "Ayos lang samin 'yon tiyo, ang mahalaga ligtas na tayong lahat ngayon. Ah.... siyanga pala, may balita na ba kayo tungkol kay Sandro, sa sanggol?"
Umiling ito. "Wala pa iha, pero hindi ako titigil hangga't hindi nahahanap ang kambal at ang bunsong kapatid niyo. Sa paraan mang 'to ay makabawi ako kay Felimon."
Nanghihinang humawak lang siya sa kamay ni Delifico at tinignan ito.
"Kapag nagising na ang lalaking 'yan 'wag mo ng pakawalan. He really loves you, kahit ano ay gagawin niya 'wag ka lang mapahamak."
Napangiti lang siya sa sinabi ni Don Kiko.
"Sige, dito na ako iha. Pupunta pa kami sa batangas nila Grey at ang mama mo para sa huling charity na pupuntahan namin."
Bumaling siya dito at ningitian ito. "Ingat ho kayo...."
Tumango ito pagkuway tumalikod, bumaba siya sa kama at kinuha ang isang upuan. Hinawakan niya ang kamay ni Delifico saka siya yumukod doon. Iidlip muna siya saglit para pagkagising niya ay mapalitan niya ang dextros nito. Ngunit hindi pa siya nakakapikit nang maramdaman niya ang haplos na 'yon sa ulo niya. Natigilan siya at mabilis na nag-angat ng mukha.
"Delifico!" Gulat na sabi niya at akmang pipindutin ang button.
"N-no Sandra." Tutol nito, binalingan niya ito. Nakangiti ito sakanya, bahagyang bumuka ang bisig nito.
"I-i n-need your hug babe.." Halos pabulong na sabi nito. Naiiyak na niyakap niya ito.
"Akala ko hindi kana magigising!" Humihikbing sabi niya habang humihigpit ang yakap niya dito. Naramdaman naman niya ang paghaplos nito sa likod niya. Kumalas siya dito at tinitigan ang mukha nito, gusto niya lang masiguro na gising na talaga ito.
"I miss you Delifico..." Nakangiting sabi niya dito. Umangat ang isang kamay nito at hinawakan ang gilid ng leeg niya.
"I mis----" Kumunot ang noo nito nang makita nito ang tiyan niya.
"---What is tha--Ouch!" Daing nito sabay hawak sa dibdib nang akmang uupo ito. Hinawakan naman niya ito sa magkabilang balikat.
"Huwag ka munang gumalaw.." Saway niya dito. Halos manlaki ang singkit nitong mata habang nakatingin sa tiyan niya.
"B-ba-bakit malaki 'ya-'yan?" Utal-utal na sabi nito at tinignan siya.
"Ipinagpalit mo 'ko San-san?!" Gulat na sabi niya, nakita niya ang pamumula ng mukha nito. Hinampas niya ito sa kamay dahil nag-alala siya na baka mabinat ito.
"Anong sinasabi mo diyan? Anak natin 'to ano kaba? Tatlong araw ka nang nandito nang ma-confirm ko na----"
Pinutol nito ng yakap ang anumang sasabihin niya.
"Shit Sandra... akala ko guni-guni ko lang 'yung naririnig kong sinasabi mo sa panaginip ko." Hindi makapaniwalang sabi nito. Gumanti siya ng yakap dito at dinampian ng halik ang sentido nito.
"Ikaw lang naman ang inaabangan naming dalawa Delifico..."
Mas lalong humigpit ang yakap nito sakanya.
"Sandra---Oh wow! Delifico-ddy!"
Kumalas siya kay Delifico nang marinig ang sigaw na 'yon. Nakita niyang sunod-sunod na pumasok ang mga kaibigan ni Delifico. Pumalibot ang mga ito sakanila.
"Ba't buhay kapa?!" Natutuwang sabi ni Serionifo.
"Sira!" Nakangiwing sabi ni Delifico, hinawakan naman nito ang kamay niya. Nagulat siya nang biglang yakapin ito ni Maxeau.
"Miss na kita Delifico-ddy! Iniwan na nila tayong lahat. Grabe sila..." Pagda-drama ni Maxeau, nakangiwing tinulak naman ni Delifico ang ulo nito.
"Lumayo ka nga naalibadbaran ako sayo!"
"Ang drama ni Maxeau palibhasa siya na susunod eh." Natatawang sabi ni Thartarus.
"Fuck you..." Kanta nito na kumendeng pa.
"Kaya pala palagi kang nandon sa hacienda niyo kasi nandon sa lugar na 'yung babaeng-----
"Gusto mong ma-comatose ha?" Sabi ni Maxeau saka nilapitan si Thartarus, natatawang tumakbo naman ito palayo. Nagbatuhan pa ang mga 'to ng sapatos.
"Aray! Tangina Maxeau ang baho ng sapatos mo!" Sigaw ni Tunaco nang matamaan ito sa pisngi. Dinampot nito sapatos at gumanti ng bato sa mukha ni Maxeau.
"Boys stop playing around, mamaya may magalaw pa kayo dito mabuti sana kung kayo ang magbabayad ng mga damage!" Saway ni Grey. Nagtago sa likod nito si Maxeau.
"Mama oh si Tunaco!" Sabi nito habang nakakapit sa laylayan ng t-shirt ni Grey. Hinila naman ni Grey ang patilya nito. Natawa na lang siya sa mga ito. Ilang sandali pa ay dumating na ang doctor ngunit parang wala lang 'yon sa mga kaibigan ni Delifico. Binalingan niya si Delifico.
"Ang gugulo ng mga kapatid mo..." Nakatawang sabi niya, hinawakan naman nito ang siko niya at dahan-dahang hinila siya.
"Don't mind them..." Anito at kinabig ang batok niya. Napapikit na lang siya nang muling maramdaman ang labi nito.... at kahit na nagkakagulo pa sa likuran nila wala silang pakialam...
BINABASA MO ANG
Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)
Fiksi UmumSYNOPSIS Hindi naniniwala sa kung ano mang elemento o kakatwang bagay si Delifico Fudoshiko, ngunit hindi niya akalain na mai-experience niya 'yon sa mansion ng mga Montanez, kung saan nakatira ang girlfriend niyang si Julie. Mas lalo pa siyang naka...