Chapter four

2.4K 64 9
                                    

"Bwisit na babae 'yon!"



Gigil na binato ni Delifico ang hawak na damit sa sahig at saka dumapa sa kama. Talagang wala siyang mahihita na ibang reaksyon sa dalaga. Kung wala nga itong kapintasan iisipin niya na tuwang-tuwa pa ito na natatakot siya.



Hustong papikit na siya nang mapansin niya pader. Umupo siya sa kama at ilang sandaling tumitig doon. Tumayo siya at lumapit dito, hinawakan niya ang parte ng pader na 'yon. Idinikit niya 'yon sa ilong.



'Fuck!'

Mabilis niyang nilayo ang daliri at muling tumingin sa bagay na 'yon. Hindi siya pwedeng magkamali, dugo ang pahaban na naka-ukit sa pader at sa tantiya niya matagal na ang dugo na 'yon. Nanliit ang mata niya pagkuway nilibot ng tingin ang buong kwarto. Napansin naman niya ang sahig, saglit siyang tumingin sa pintuan pagkuway dahan-dahang lumuhod sa sahig. Tinggal niya ng bahagya ang kulay maroon na carpet. Nakita niya ang mga bakas ng dugo sa sahig at kagaya ng nakita niya sa pader matagal na 'yon, nanuyo na. Binalik niyang muli sa dating ayos ang carpet saka tumayo. Nakapamulsang nilibot niya ng tingin ang buong kwarto. Sabi ni Julie dating kwarto daw ito ni Donya Juanita.


'Iba talaga ang pakiramdam ko dito..'

Pumunta siya sa balkonahe at tumingin sa ibaba. Nakita niyang nakaupo pa rin sa duyan si Sandra, nanliit ang mata niya nang makita ang isang nakaputing babae sa likod ng garden, Nakasilip ito habang tinatanaw ng tingin ang kinaroroonan ni Sandra, nanlilisik ang mata nito ngunit nakaguhit ang ngisi sa labi nito. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang bigla itong tumingin sa direksyon niya. Pumikit siya ng mariin at nagbilang ng ilang minuto pagkuway muling dumilat. Wala na doon ang babaeng 'yon....

'It's bad....'

--------------****

"Ili-ili....... tulog anay, wala diri imo nanay."


Napatigil sa paglalakad si Delifico nang marinig niya ang malamig na himig na 'yon. Nakita niyang tumatawang mag-isa si Sandra habang kumankanta, nakaupo ito paharap sa malaking pinto at may kung anong tinitignan sa labas. Naiiling na lumapit siya dito at tinapik ito sa balikat.


"Hoy! Tumigil ka nga diyan hahambalusin kita" Banta niya dito ngunit nagpatuloy pa rin ito sa paghimig. Bumuga siya ng hangin at pumunta sa harap nito. Inilapit niya ang mukha sa mukha ng dalaga, napatitig sa labi nito. Bahagyang humina ang pagkanta nito.



"Hindi ka titigil o hahalikan kita?" Nakangising sabi niya pa dito, hindi niya alam kung namamalikmata ba siya pero parang nakita niyang kumurap ito, tumigil din ito sa pagkanta. Pero ilang sandali pa ay muli na naman itong humimig.


"Ay sir...."


Napatuwid siya ng tayo nang marinig niya 'yon, nakayukong lumapit ang katulong kay Sandra.


"Sorry sir ha? Palagi niyang kinakanta 'yung kinakanta sakanilang magkapatid ni Donya Juanita." Sabi ng katulong saka nito hinarap si Sandra na humihimig pa rin. Tumayo naman si Sandra habang hawak ng katulong, sumunod siya sa mga ito.


"Halika na senyorita..... kakain kapa." Sabi ng katulong habang hawak sa braso si Sandra. Pagdating nila sa kusina ay inalalayan ng matanda na umupo ito sa silya. Inilapag ng matanda ang isang pinggan na may pagkain sa harap ni Sandra at inalalayan nitong makakin. Lumapit siya mga ito.



"Nasan ang kambal at ang mama niya?" Malamig na tanong niya dito.


"Yon nga din ho ang tanong namin...  nagulat na lang kasi kami isang araw wala na ang mag-ina, si maam Sandra naman nong araw na nawala sila Donya Juanita at senyorito Sandro nakita na lang namin siya sa library at hinahampas ang ulo sa pader." Kwento nito, napatingin siya kay Sandra.


Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon